Chapter 1

220 5 9
                                    

Chapter 1

(Nainlove ka na ba sa isang taong hindi mo pa nakikita sa personal? Yung taong nakilala mo lang sa social networking sites lalo na sa facebook? Yung iba tawag sa ganun "Cheap", sakin tawag ko dun "pag-maMAHAL". Ako nga pala si Princess, taga Cavite, 16 years old, 1st year college, at nag-aaral sa LPU.)

*Ace Buenaventura sent you a friend request* 

Princess: Sino kaya to? Wala kasing mutual friends. (Confirmed) Uyy. OL chat ko nga. 

Princess: Hi, kilala ba kita? 

Ace: Hindi. Ikaw kilala ba kita? 

Princess: Hindin din. Hahaha. Nacurious lang wala kasing common friends. Teka parang friend kita sa Friendster a? 

Ace: Oh talaga? 

Princess: Oo. (TInignan saglit ang Friendster) Oo nga dun may mutual friends tayo. Haha.  

Ace: Oh? Ewan hindi ko na matandaan. Haha. 

Princess: Haha. Adik mo.  

Ace: Teka nagdodota ako maya na kita interviewhin. 

Princess: Haha. Sige lang. 

(After ni Ace mag-dota) 

Ace: Uy, ano num mo? Text text nalang tayo out na ko. 

Princess: Haha. Sige. Eto oh 0923*******. Pakilala ka nalang. 

Ace: Sige.

(Kinabukasan..) 

*One message received* 

Unknown number: Hi si Ace to yung kachat mo kagabi. 

Princess: Oh kumusta? :D 

Ace: Ayos lang ikaw? 

Princess: Ayos lang din. 

Ace: Ilang taon kana? 

Princess: 16 ikaw? 

Ace: 19 na ko. 

Princess: Taga san ka pala? 

Ace: Manila. Ikaw? 

Princess: Cavite pero nagaaral ako sa LPU. 

Ace: Ah. May bf ka? 

Princess: (Kinabahan ako bigla) Wala. Ikaw? 

Ace: Wala akong BF. Pero may GF ako. Haha. 

Princess: Wow! Astig! Bihira lang sa lalaki ang nagsasabi ng totoo. Astig ka! Saludo ako sayo! 

Ace: Haha. Grabe naman 

(At dun nagsimula ang pagkakaibigan naming ni Ace. Lagi kaming magkatext, minsan tumatawag sya. Nagoopen kami ng problema sa isa't-isa. Sya sa GF nya, ako sa past love life ko. Hanggang nagkaron kami ng tawagan na "LEITOT". Corny pero sweet. Hanggang dumating sa point na sweet na kami sa isa't-isa. Hindi naming inaaasahan na magiging ganun kami. Alam kong mali, kasi may GF sya. Pero anung gagawin naming? Minsan nagseselos ako kapag magkasama sila. Kaso anung magagawa ako? Sino ba)naman ako?)

*Dec. 29, 2009* 

Ace: Leitot matutulog lang ako a? Ily. 

Princess: Sige lang leitot. Text ka nalang. Ilytoo. 

(Inabot ng ilang oras) 

Princess: Ano na nangyari dun? Text ako ng text. Walang reply. Tinatawagan ko nakaOFF. Grr. Yari akin to mamaya.

(Hanggang kinabukasan..) 

*One message received* 

Unknown number: Princess, Ace to.  

Princess: Anong nangyari sayo kagabi? Kanino tong number? Asan number mo? 

Ace: Tawag ako sayo. Kwento ko. 

(Unknown number calling....) 

Princess: Oh? Anung nagyare? 

Ace: Alam nya na. 

Princess: Nino ni Mitch? 

Ace: Oo. Magkasama kami kagabi monthsary kasi namin. Nabasa nya mga text natin nung nagCR ako. Ayun kinuha nya phone ko. 

Princess: Aa. (Pinipigil yung iyak) Sabi ko na nga ba. 29 pala kahapon nakalimutan ko. Sorry. Sana sinabi mo nalang. Sorry talaga.  

Ace: Ayoko ko kasig masaktan ka. Pasensya na. 

Princess: Ano ka ba okay lang yun. So ano na? Tama na? 

Ace: Ewan di ko din alam. 

Princess: Tama na to. Ayoko ng makagulo sa inyo. Pakisabi kay Mitch sorry. Pakibura na number ko. Goodluck sa inyo. (Pigil pa rin yung iyak) 

(Silence) 

Ace: Hais. Ayoko Princess. Hindi ko kaya. 

Princess: Ano ba ace? Tama na to. (Naiyak)  

Ace: Mahal kita Princess. :( 

Princess: Mahal din kita pero paano si Mitch? :'( 

Ace: Bigyan mo ko ng panahon para makipagbreak sa kanya. Wag kang bibitiw, Princess. Kaya natin to. 

Princess: Hais. Oo kaya natin to. (Napangiti)

(Nanghiram si Ace ng phone sa kapatid nya. Bumili sya ng bagong sim. Hindi alam lahat yun ni Mitch. Ilang araw na silang hindi nagkikita. Kami nagpatuloy pa rin sa ganun set-up. Parang kami, pero hindi. M.U ata ang tawag dun.)

Ace: Leitot magkikita kami ni Mitch ngayon. Baka makuha ko na rin yung phone.

Princess: (Matamlay) Ah. Sige lang.

Ace: Oh bakit?

Princess: Wala ano ka ba. Sige na. Ingat.

(Ilang oras silang magkasama. Ako eto hinihintay lang sya. Masakit para sa akin. SOBRA. Pero anong  

magagawa ko? Ginusto ko to. The way na malaman mo yung mahal mo may kasamang iba. Masakit. Hindi ko mapigilang hindi magisip ng kung anu-ano. Hindi ko din mapigilang hindi umiyak.)

Ace: Leitot nakauwi na ko nakuha ko na cp ko.

Princess: Ah? Congrats!

Ace: Oh ano na naman yan?

Princess: Wala.

Ace: May sasabihin pala ako.

Princess: (Kinabahan bigla) Oh ano yun?

Ace: Break na kami ni mitch. :)

Princess: (Gulat na gulat sa nabasa) Weh? Talaga paano?

Ace: Kanina kinausap ko sya. Pumayag naman sya. Ano pa daw bang magagawa nya.

Princess: :)

Ace: Oh bat ganyan? Hindi ka ba masaya?

Princess: Masaya. Sobrang saya. :)

Ace: Sabi sayo panahon lang hinihingi ko eh. Eto na yung panahon na yun. I love you leitot!

Princess: I love you too leitot!

(Ako na ata ang pinakamasayang babae sa buong mundo ngayon. Hindi ba masaya sa pakiramdam yung piliin ka kesa sa taong mas matagal nya ng kasama at nakakilala? Yung piliin ka, na hindi ka panakikita sa personal at facebook lang? Alam kong maraming masama ang tingin sakin. Pero anong gagawin mo kung ikaw yung nasa lugar ko? Minsan ang love talaga walang pinipiling oras, araw at panahon. Wala rin yang pinipili kung kelan, saan, at papaano. As long as mahal nyo talaga ang isa't isa kahit alam nyo na mali, gagawin nyong tama.)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Facebook LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon