EPILOGUE

206K 3.6K 1.5K
                                    

After 1 year ..

“Girls! Okay na so let’s start na!” sigaw ni Miyu sa kabuuan ng nirentahan nilang private pad.

“Wait wala pa yung foods natin!” sigaw din ni Yesha na abala naman sa pagpapatuyo ng nail polish nya.

“On the way na daw yun for sure!” sagot ni Miyu.

“OMG excited na talaga ako! Tomorrow is the day!” tili naman ni Venus.

“Chill Venus kaka-panganak mo pa lang.” saway ni Venice sa kanya.

“I’m okay. Don’t worry about me. Intindihin mo ang sarili mo .. dapat na maganda ka bukas, I know I can feel it .. your wedding will be the most controversial talk of the town!”

“Balita ko ang daming media na gustong mag cover ng kasal nyo pero wala kayong pinayagan..” chismis din ni Chelsea na busy sa paghahanap ng kung anong magandang panonoodin nila ngayong gabi.

“Yeah, napag usapan kasi namin na we wanted a simple, private yet elegant na wedding.” Sagot ni Venice na may pipino pa sa magkabilang mata.

“Kayo na talaga! nakakaexcite na!” tili ni Miyu.

“Wait .. di naman siguro puro carbs yung pina deliver nyo no? siguro naman may vegetable salad don.. baka di mag fit samin ni Dara yung wedding dress namin tomorrow..”

“Yeah .. much better di na ako kakain ..” sagot ni Dara na nakadapa at mina-massage ng kanyang BFF na si Chinchin.

“Sobra naman kayong dalawa! It’s your bridal shower kaya dapat mag enjoy kayo no!”

“Wala naman sigurong maskuladong lalaki na lalabas sa malaking cake na mangayayari ngayon no?”

“Wala naman ..” sahot ni Miyu.

“Pero parang bet ko yan!” tatawa tawang sabi ni Yesha.

“Pang ilang bridal shower na ba ‘to?” Dara rolled her eyes. Nakailang bridal shower na kasi silang ginagawa .. and hopefully this will be the last.

“Don’t worry Dara .. it’s the last bridal shower ..” natatawang sabi ni Chin.

“Yeah. Dahil bukas wedding na namin kaya wala na talagang susunod.” Iiling iling na sabi ni Venice.

And yeah .. napagkasunduan ng kambal na Aragon na magsabay na lang sila ng kasal .. church wedding ang plano nila .. at bukas nga .. mag iisang dibdib na sila Dara at Iko, Venice at Elo.

Pero for now .. bumalik muna tayo sa kanila na busy sa paghahanda.

“Eh Chin kayo naman ni Thunder ..  ano ng status nyo?” tanong ni Dara.

“Actually ..” undecided pa si Chin kung sasabihin ba nya sa mga kaibigan ang lihim  na estado nila ni Thunder.

“Actually they’re engaged.” Napakunot ang noo ni Dara sa sinabi ni Venus.

“What?!” napatayo naman si Venice sa kinauupuan nya dahil sa sinabi ni Venus.

“Wait! Joke ba ‘to?” sya ding lapit ng dalawang batang Aragon.

“OMG .. pinagmukha nya tayong tanga!” react din ni Chelsea.

“Sorry girls .. nalimutan ko lang talaga na ichika sa inyo .. mejo naging busy kasi tayo sa preparation ng kasal nyo eh ..”  then  tinaas ni Chin ang kaliwang kamay at pinakita nag engagement ring na binigay ni Thunder sa kanya.

“Kyaaah! Kainis ka Bessy! Bakit mo nagawa sakin ‘to! I thought I’m your bestfriend!” pinagpapalo ni Dara gamit ng unan ang bestfriend.

“I think we deserve a story to tell!”

Dear LoveBug (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon