Chapter thirty one

110 3 2
                                    

Donghae's POV

*flashback*

"Promise, hindi tayo maiinlove sa isa't isa."

***

Ilang taon na ang lumipas ng binitawan namin ang pangakong yan sa isa't isa. Noon, panatag ako na matutupad ko ang pangako kong yan. Noon yun.

Hindi ko alam. Biglaan? Naguguluhan din ako. Ang hirap.

Bata pa lang kami close na kaming dalawa. Mas matanda man ako sa kanya, sabay kaming lumaki. Hindi kasi sila nagkakasundo ni Krystal kasi puro kaartehan ang alam ng kapatid ko, siya kasi, simpleng babae lang. Ang alam lang magsuklay ng buhok.

:)

Lumaki kami na parang magkapatid. Laging nagkukulitan at nagaasaran. Sobrang bait nya pero lagi ko syang inaasar. Ang cute nya kasi kapag naiinis.

Yung nangyayari ngayon, hindi ko din alam kung bakit nagkaganito.

Saan at paano nga ba nagsimula to?

Sa mall. Nung araw na nagpunta kami ng mall nung bakasyon. Nung nakita ko na tinulungan sya ng isang lalaki. Nung nakikita ko na naguusap sila, tapos nakita ko na iba yung ngiti nya nung kausap nya yung lalaki. Parang nagselos ako. Hindi ko alam kung bakit parang nasasaktan ako nung nakikita ko sya na masaya kausap yung lalaki na yun sa mga oras na yun. Hindi ko na lang pinansin yung naramdaman ko kaya nilapitan ko yung babae na nagiisa sa may hagdan. Para maalis ko yung atensyon ko sa kanila.

Sa bahay. Nung sumakit yung ulo nya at nilagnat sya. Sobrang alalang alala ako sa kanya. Oo nararamdaman ko na dati yun kapag nagkakasakit sya, pero iba yung ngayon. Ngayon ko lang din kasi sya naalagaan. Tapos parang gusto ko ako lang ang magaalaga sa kanya. Ayaw ko syang mawawala sa tabi ko. Nung gabing yun na nilalagnat sya, binanggit nya yung "Ro". Ngayon ko lang narealize na si Rome Ivan pala yung binabanggit nya dahil sinabi nya nung gabing yung na "ikaw ba yung nakilala namin kanina?" nung araw na yun niya nakilala si Rome Ivan.

Nung araw na yan, parang hindi ko kilala yung sarili ko. Hindi ko alam bakit ganun yung nararamdaman ko. Ang weird ko talaga. After non, hindi na ako nagpakita sa kanya. Kasi gusto kong makapagisip isip kasi naguguluhan ako. Hindi ako nakasama sa competition dahil sa pagiwas sa kanya. Pero nanood ako nung gabing yun. Tinapos ko lang yung performance nila tapos umalis din agad ako. Kasi kapag nakikita ko sya, parang gustong lumabas ng puso ko sa dibdib ko dahil sobrang bilis ng pagtibok.

Nung araw na dumating yung parents namin, pumunta ako sa bahay nila. Hindi ko mapigilan yung sarili ko na hindi sya pansinin. Hindi ko sya matiis. Nagkunwari akong may bali ako sa braso para maging reason kung bakit hindi ako nagpapakita sa kanila. Sinubukan kong kausapin sya at iopen yung sitwasyon ko, pero sinuggest nya na marami pa namang ibang babae. Tapos nagkwento pa sya yung tungkol kay Rome Ivan, at kitang kita ko sa mga mata nya na masaya sya. Kaya lalo akong nawalan ng pag asa.

Sa barkada, ang dami kong kinontact para tanungin yung tungkol sa Rome Ivan na yun, kasi after namin magsleep over sa bahay nila, hindi na ulit ako nagpakita sa kanya. Gusto kong makausap ang barakda para tanungin kung kilala nila ang Rome Ivan na yun. Dahil hindi ko sya gusto. Ngayong nakilala ko sya, mabait sya, pero hindi ko alam pero ang init init ng dugo ko sa kanya. Nakausap ko si Keena, at kaibigan nya daw si Rome Ivan kaya tinanong ko sya ng tungkol sa lalaking yun. Pero wala akong napala. Sobrang tipid ng mga sagot nya sa akin. Noong araw na yun na kasama ko si Keena, biglang syang tumawag sa akin at pinaalala nya yung birthday ng kuya Henry nya. Tinanong nya ako kung may partner na ako, sinabi ko na meron, kahit wala pa. HIndi ko alam kung bakit ko nasabi yun. Pagkatapos namin magusap sa phone, ang sabi sa akin ni Keena....

"Kaya mo ba ako niyaya, para tanungin ako para maging partner sa birthday ni kuya Henry."

Ayoko syang maoffend, kaya umoo na lang ako, kahit hindi naman talaga.

My Best Boy Girl Friend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon