18 [Gemma]

308K 11.8K 731
                                    

/GEMMA/

***

"Sino ka?!" biglang tinutok sa kanya ni Miles 'yung baril niya.

"Whoa, whoa. Chill," sabi naman ng babae tapos tinapon niya 'yung kagat-kagat niyang maliit na stem.

"Bakit ka nandito? Anong kailangan mo?"

"Hmm, ano nga bang kailangan ko?" sabay hawak niya pa sa baba niya na parang nag-iisip.

"Tsk!"

"Miles,wait—"

Bigla na lang siyang nagpaputok nang sunud-sunod doon sa babae. Damn! She lost her cool! Siguro dahil na rin sa nangyaring ambush sa amin kanina.

Pero nagulat ako nung naglabas rin ng baril 'yung babae at nagpaputok. Pero ang mas nakakagulat, 'yung mga bala na pinaputok niya ay same path ang tinatravel like kay Miles. She wants to stop Mile's bullet by using hers.

"Whoa!" Pero mukhang mas matibay at mas mabilis 'yung kay Miles kaya nagbago lang ng direction 'yung mga bala niya. "Cool," sabi pa niya na mukhang amaze na amaze after niyang iwasan 'yung mga tira ni Miles.

"Nakakainis—" tinututok ulit ni Miles sa kanya 'yung baril niya.

"I said chill, brat."

Bigla akong kinilabutan at mas naging alert ako. Huli ko 'tong naramdaman nung naging seryoso si Krystal. Shit. This girl is dangerous.

The next thing I knew, may nakapulupot na kay Miles na whip at hinila nung babae 'yun papunta sa kanya. She took down Miles in an instant.

Napahawak agad ako sa swords ko dahil nararamdaman kong kailangan ko siyang seryosohin. I can feel that she's strong.

"Wait, wait, ikaw rin?" sabay turo niya sa akin.

"Pakawalan mo si Miles." Tinignan ko siya nang seryoso at ganun rin ang ginawa niya sa akin.

"You're strong, aren't you?" tapos ngumiti siya.

"Stronger than her," saka ko tinuro si Miles. Magrereklamo na sana 'yung Nene pero biglang pinulupot nung babae 'yung whip hanggang sa bibig niya.

"Heh. Then I don't want to fight you," sabay upo niya ulit doon sa harapan ng bahay.

"Huh?"

Nawala naman ang focus ko nung sinabi niya 'yun. After that, tinanggal niya 'yung whip kay Miles at tinutukan niya ng baril.

"Isa pang salita galing sa'yo, you're good as dead, brat," sabi niya kay Miles. Mukhang nasa sukdulan na rin ang galit ni Miles kaya lumapit ako sa kanila.

"Miles, calm down," tapos tinitigan ko siya nang seryoso at bigla naman siyang nanahimik. Oohh. Umeepekto na ba ang pagiging mas matanda ko sa kanya? My God. Parang gusto kong maiyak at for the first time, sinunod niya ang utos ko!

"Hmm, mukhang mas reasonable ka," sabi naman nung babae. "What's your name?"

"You should tell your name first dahil ikaw ang mukhang may kailangan sa amin," sabi ko at saka ko hinila si Miles sa tabi ko.

Bumuntong-hininga naman siya at tumayo ulit. Saka ko lang napansin 'yung malaking bag sa gilid niya.

"Ashley. But please call me Ash."

"Gemma. And this is Miles."

Nagtitigan kami ng ilang segundo dahil hindi ko pa rin alam kung anong kailangan niya sa amin at kung may gagawin ba siyang masama.

"Didiretsuhin ko na kayo. Nandito ako para sa weapons."

"Ha! Sabi na nga ba! Hindi pwede! Hindi ko hahayaang mapunta kahit isa—" tinignan naman si Miles bigla ni Ash kaya nagtago siya sa likuran ko.

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon