14: Twelve Midnight

118K 844 47
                                    

Chapter 14: Twelve Midnight.

Gab's POV:


 "Bakit wala pa sya? Alam ko hanggang 5 pm lang sya ah! Haaaays. Mr. Tan nasaan ka na ba?"

Tumingin ako sa orasan, asarr! 11 pm na!! Bakit wala pa yung Mike na ‘yun?! Hindi kaya kung napano na yun? Baka na car nap na yung sasakyan nya? O baka..

O baka na kidnap na sya?!! Aaaahhh! Hindi pwede!! Mamahalin pa ko ni Mike kaya hindi pwede!

O baka naman nasa babae nya? Mas lalong hindi pwede! Huhu ako lang dapat maging babae nya. Ako lang dapat :'( E paano kung meron nga? Huhu. Hindi ko kaya. Hindi ko makakaya. "Kapag nag 12 na at wala pa sya matutulog na ako. Pramis!!" Sabi ko sarili habang pasulyapsulyap sa labas.

11:30. Wala pa din. Mike pinag-aalala mo talaga ko!

11:45.

"Mike sana man lang nagsabi ka."

11:59 na! Hindi ako iiyak! Hindi talaga ako iiyak!! Pero tama pala talaga sila, hindi kaya pigilan ang masakit na pakiramdam.

Lumingon ulit ako sa orasan, 12:00 MN pero wala pa din sya, ‘di ko na namalayan na tumulo na pala ang luha ko..

"Sana man lang nagsabi ka na malelate ka ng uwi para ‘di ako mukang tanga dito habang nag-aalala sayo" Bulong ko habang patuloy pa din sa pagluha, nananatili pa din akong nakaupo sa sofa, nakatulala sa kawalan habang iniisip sya.

Ang daming bagay na ang tumatakbo sa isip ko, kesyo nag-overtime sya, busy lang sa trabaho, nasiraan sa gitna ng daan. Pero sana nga ganun na lang, mas kaya ko pang intindihin yun kesa sa malaman na may babae sya. Haay ang nagger ko.

Maya maya'y may nagbukas ng pinto, hindi ako lumingon dahil bigla akong nanigas sa kinauupuan ko, hindi dahil sa natatakot ako na baka may nakapasok na masasamang loob sa bahay kundi dahil nahulaan ko na kung sino ang nasa pinto.

Kumabog ng malakas ang dibdib ko, lalo naman akong napaluha ng bigla nyang buksan ang ilaw.

"Gab?" Tawag nya, pero ‘di ako sumagot, patuloy lang ako sa pagsinghot.

"Gab umiiyak ka ba?" Tanong nya, dali dali ko namang pinunasan ang luha ko.

"Hi.. Hindi.." Sagot ko. Narinig ko ang mga yabag nya na papalapit sakin, at sa paglapit nya ay mas lalo namang pagtulo ng luha ko.

Nang tuluyan na syang makalapit ay pumuwesto sya sa tapat ko. Nakaupo ako sa sofa at sya naman ay nakaluhod sa harap ko habang nasa magkabilang gilid ko ang mga kamay nya.

Mas lalo naman akong napaiyak sa puwesto namin, kung ‘di lang kame arrange marriage malamang iisipin ko na sinusuyo nya ako, tumulo na naman ang luha ko. Pero nung mga oras na yun masasabi kong luha na ‘yun ng lubos na kaligayahan.

Dahan dahan naman nyang pinunasan ang mga luha sa mata ko saka sya nagsalita, "Don't cry, please?" Malambing na sabi nya.

Para akong kinurot sa puso ng mga oras na ‘yun, pakiramdam ko unti unti akong natutunaw sa kilig. Bigla na lang kumilos ang katawan ko at niyakap ko sya sa leeg, ewan ko pero ‘yun kasi yung inuutos ng puso at isip ko e. Sobrang mahal ko si Mike at ayaw ko syang mawala. Mababaliw ako, alam kong ikakabaliw ko ‘yun.

Alam kong nagulat sya sa ginawa ko. Sabagay sino ba naman ang hindi magugulat kung bigla ka na lang dadambahin ng yakap diba? Pero ‘yun ang gusto ko, ang iparamdam sakanya na nagaalala ako, na mahal na mahal ko sya.

Bed Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon