Human Heat

153K 3.2K 249
                                    

23

Inakay na ako ng manager nila palabas sa open ground para panoorin ang AEGIS. Pinapwesto niya ako sa may bandang harap para makita ko ng maayos ang lima. Hindi pa man sila lumalabas ay maingay na ang mga fans nila. Halo halo na ang mga sigaw nila at hindi ko na maintindihan kung ano ba ang sinasabi ng mga ito.

Lalong humiyaw ang mga ito noong lumabas na si Iñigo at dumiretsyo sa piano niya. Ngumiti muna siya sa mga fans niya bago niya inayos ang instrumento niya. Sumunod naman ang kambal at si Greg sa kaniya. Huling lumabas si Stanley na mukhang aburido na naman. Tumaas ang kilay ko noong siya ang pumunta sa microphone at si Greg ang nasa drums.

Tinapik nito ang microphone bago niya nilingon ang apat na nasa likod niya.Tinitigan ko siya habang pinaglalaruan ng kamay niya ang hikaw niya. Tumaas ang sulok ng labi niya at ginala niya ang tingin niya sa mga tao. Huminto lamang ang pag-iikot ng paningin niya noong magawi ang tingin niya sa direksyon ko.

Come up to meet you

Tell you I'm sorry

You don't know how lovely you are

 

 

Inalis niya ang tingin niya noong nagsimula na siyang kumanta. Pumikit siya at pinasadahan niya ang buhok niya gamit ang mahahabang daliri niya. Nakagat ko ang labi ko habang tinititigan ko siya.

I have to find you

Tell you I need you

Tell you I'll set you apart

Tell me you're secrets

And ask me your questions

Oh, let's go back to the start

 

 

People say, you will know the worth of someone the moment you lose him. But the truth is, we know their worth. We just didn't know that we will lose them. Hindi natin pahahalagahan ang isang bagay kung alam nating mananatili ito sa palad natin. Kasi sigurado ka. Kasi may pinanghahawakan ka. Alam mo ang magiging dulo dahil hawak mo.

Nobody said it was easy

No one ever said it would be this hard

Oh, take me  back to the start

Umasa ako na hihintayin niya ako. Umasa ako na kapag bumalik ako, magagagalit siya sa akin pero magbabati rin kami at magkakaayos. Parang away bata lamang ang mangyayari sa amin. Kaunting tampuhan pagkatapos ay magkakasundo na. Pero iba ang dinatnan ko.

I'm going back to the start

Napapikit ako ng marinig ko ang lamig sa boses ni Tan Tan. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko ng marinig ko ang linya ng kanta. I want to go back to the start. I want to experience how it felt noong ako pa ang nasa gitna ng mundo ni Tan Tan. Gusto kong bumalik, hindi para baguhin ang desisyon ko, kung hindi para lamang malaman ulit ang pakiramdam kung paano nga ba magmahal si Stanley.

Nagbago ang musika at tininggal ni Tan Tan ang microphone niya. Naglakad siya ng kaunti palapit sa mga audience at yumuko sa kanila.

I'm still alive but I'm barely breathing

Just praying to a god that I don't believe in

Cause I've got time and she'd got freedom

Cause when the heart breaks, no it don't break even

Kailan naging ganito kakumplikado ang lahat? Gusto ko lang namang iiwas si Tan Tan sa pamimili. Ayaw kong mamili siya sa pagitan ko at sa AEGIS. Ayaw kong mahati siya kaya ako na lang ang gumawa ng hakbang. I don't want him to choose so I took the courage to choose myself.

Seducing The Bad Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon