Chapter 47

236K 4.7K 319
                                    

Follow the UG characters on twitter.

@MikaelaDC_ @KMAnderson_ @EdwardLance_ @CieloFigaroa

Twitter, askfm, IG: @vampiremims

---------

"I can't believe na sasabihin ni Edwardo 'yun," umupo paharap sa akin si Cielo habang may hawak na isang slice ng pizza. "Papakawalan ka niya? Is he trying to be a hero or what? May Superman ka na, huwag nga siyang feeling," she rolled her eyes before biting on her pizza slice.

"Malay mo naman kasi, talagang hindi din in love si Edward kay Mika. Natauhan lang," Maha shrugged. Nakadapa siya sa kama habang nanunuod at kumakain ng binili naming ice cream kanina.

"I doubt it. Maybe nagpapaawa lang siya or something. Para maconfuse 'tong si Mikaela... if he's trying to be the good man, siyempre mapapaisip si Mika kung dapat niya bang iwan si Edwardo pero we both know that our friend here is the noobest of them all kaya malamang hindi na naman 'to mag-iisip," she looked at me.

"Leche ka." I rolled my eyes.

"Shit, Jhing? Ikaw na ba 'yan?" she asked me sarcastically.

"Hashtag kilig to the bones na ba, Mikaela?" Maha asked me, laughing.

Ugh! Bakit ba ako nagkaroon ng dalawang kaibigan na baliw?

Kung si Rico at Jhing nga na sa internet lang nagkakilala, ang laki ng complications na kinakaharap, kami pa ba ni Mikael? Kami pa ba ni Lance?

"Ano ba kasing sinabi mo kay Edward?" umupo si Maha at humarap sa amin ni Cielo. Nasa kandungan niya ang ice cream, as if naman aagawan.

"Hindi ako sumagot," I told them. Nabigla ako nung tinanong ako ni Lance. Magiging masaya nga ba ako?

Kung mapupunta ako kay Mikael, oo. Magiging sobrang saya ko. Pero paano si Daddy?

"Kanino ka ba sasaya? Kay Edward o kay Kerko?" tanong ni Maha sa akin.

"Alam mo naman kung kanino diba?" bakit kailangan nilang magtanong ng mga tanong na obvious naman ang sagot? Ang lakas maka-tanga.

"So why are you being coward, Mikaela?" napalingon ako kay Cielo ng magsalita ito. "Alam mong ang daming tao na ang nagdudusa ngayon kasi hindi nila pinaglaban 'yung taong mahal nila. Ang daming malungkot kasi naging duwag silang ipagtapat ang nararamdaman nila. Huwag ka naman ng dumagdag. Overpopulated na sila!"

"Cielo kasi..."

"I know, natatakot ka. Natatakot ka na magkaroon ng attack si Tito... naiintindihan naman naming lahat 'yun, kahit na minsan..." she paused and looked at my door-tinignan niya ata kung nakabukas o hindi, "kahit minsan ang sarap tuktukan ni Tito ng heels."

"Tutuktukan mo si Tito Lorenzo ng heels?!" malakas na sabi ni Maha. Hinila naman agad ito ni Cielo. "Hindi! Ipapalunok ko nalang sa'yo ang heels! Ang ingay mong babae ka. Baka marinig tayo ni Tito!"

"Takot ka din pala e," Maha told her. "Ganyan 'yung nararamdaman ni Mikaela. Natatakot siya sa daddy niya. Natatakot siyang saktan ang daddy niya kasi utang na loob niya ang lahat dito."

Kumunot ang noo ko. Seryoso na ba talaga ang topic namin? Baka mahilis na naman e.

"Lahat naman tayo natatakot. Natatakot mareject., Natatakot magmahal ulit kapag nasaktan ka. Natatakot nab aka lokohin ka lang. Natatakot na hindi masuklian ang pagmamahal mo. Pero paano ka sasaya kung puro ka takot?" tanong ni Cielo. "Wala naman akong sinabing saktan mo si Tito Lorenzo, sis," hinawakan niya ang kamay ko. "Ang sinasabi ko, kausapin mo si Kerko. Hindi ka maiintindihan ng Daddy mo sa ngayon pero alam kong si Kerko... maiintindihan ka niya. Kasi mahal ka niya."

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon