Chapter 4

3.2K 190 21
                                    

"Saan kayo nanggaling?" Nag-aalalang tanong ni Daniel. Kinuha nya ang natutulog na anak mula kay Kevin.

"Andito na sina Ate Tin at Ate Kaye?" Tanong ni Kevin habang papasok sa mansion.

"Oo. Hinihintay ka na nila. Nagtataka nga sila bakit mo daw sila biglang tinext para papuntahin dito. May problema ba?"

"Ipasok muna muna yang anak mo sa kwarto nya tapos saka tayo mag-usap. Mas mabuti kung wala sya kapag nag-usap tayo."

Sinunod naman nya ang utos nito kahit pa curious na sya sa sasabihin ng bayaw. Minsan lang kasi magseryoso si Kevin. Lagi lang itong masayahin. Alam nyang iyon ang paraan ng binata para maka-cope up sa pagkawala ng bunsong kapatid. Sya a kasi ang mas nagdamdam sa pagkawala ni Diana.

Hinalikan ni Daniel ang noo ng anak. Sya talaga ang personal na nag-aalaga dito. Lagi syang may oras para kay Nina. Hindi nya ito pinagkakatiwala sa yaya. Ito ang pinakaimportanteng tao sa buhay nya at di nya kakayanin kung mawawala din ito sa kanya. Isinumpa nya sa asawa nya na aalagaan nya ang anak nila. Ibibigay nya dito ang buong buhay nya. Kung hihingin ni Nina ang buong mundo, ay agad nya iyong ibibigay ng walang tanung-tanong.

Gumalaw ng bahagya si Nina pero di naman ito nagising. May isang ngiting gumuhit sa labi nito. "Mommy..." Bulong nito na tila ay nanaginip.

Hinalikan nya uli ang anak sa noo. Nanaginip ito tungkol sa ina.

Nagpunta na sya sa sala kung saan naroroon ang mga kapatid ng asawa nya. Napakunot ang noo nya nang mapansing seryoso pa rin si Kevin at parang malalim ang iniisip. Kilala na nya ang mga ito simula bata pa lang sila. Mabuting magkakaibigan ang mga pamilya nila. Si Tin ang panganay, sinundan ni Kaye, tapos si Kevin at ang bunso nilang si Diana.

"Kev, ano bang sasabihin mo sa min?" Tanong nya nang makaupo sya sa sofa.

"Nakita ko si Diana kanina." Sagot nito habang nakatitig sa kapeng iniinom.

Natawa sina Tin at Kaye dahil akala nila ay nagjojoke ito. Agad na hinablot ni Daniel sa kwelyo si Kevin. Nagdilim ang mukha nito sa galit. Ayaw nya kasing nagjojoke tungkol sa asawa nya.

"Gago ka! Wag kang mag-joke ng ganyan!" Galit na sambit ni Daniel. Inexpect nyang tumawa ang bayaw sa reaksyon nya pero bigla itong umiyak. Dahan dahan nya itong binitawan. May mali sa pangyayari. May nangyari kanina na hindi nya alam.

"May nakita akong isang babaeng kamukha ni Diana kanina." Hinagpis ni Kevin. Agad na napatigil sa pagtawa ang dalawang nakakatanda nyang kapatid. "Pag nagssmile sya para syang si Diana. Pareho din sila pag tumatawa. Pati pagsasalita nya parang kay Diana rin. Kilos pati pag-arte ganun din. Akala ko sya si Diana, pero hindi. Hindi nya ko nakikilala. Walang recognition sa mga mata nya nung nakita ako. Ang mga matang dating tumitingin sa kin ng buong pagmamahal. Hindi nya ko kilala."

"Anong pinagsasabi mo, Kevin?" Naguguluhang tanong ni Tin.

"Tumawag sa akin kanina yung director ng Music Academy kanina at pinapapunta ako doon. Sinabi nilang di daw nila macontact si Daniel kaya ako ang tinawagan nila. Sabi nila ay naghi-hysterical daw si Nina at tinatawag nitong Mommy ang teacher nya. Syempre nag-alala ako. Nagpunta ako doona gad. At nakita ko sya. Para syang mirror image ni Diana. Mixed emotions ang naramdaman ko nang makita kong buhay ang kapatid natin."

"Nagsasabi ka ba ng totoo?" Tanong ni Daniel.

"Tangina naman. Sa tingin mo ba ganito ang reaksyon ko kung hindi talaga nya kamukha si Diana? Ayaw nga syang bitawan ni Nina kahit anong pagpapaliwanag naming na hindi nya Mommy si Kathryn."

Kinuha ni Kevin ang iPhone nya at iniabot ito kay Daniel. Nanigas si Daniel sa kinatatayuan. Nakita nya ang isang stolen shot.

"Totoo ba ito?" Sa ibang pagkakataon ay aakalain nyang isa itong trick pero alam nyang hindi sya gaganunin ni Kevin. Ang babaeng nasa picture ay si Diana. Kasama nya ang anak nila at nakangiti sila sa isa't isa. Mas mahaba ang buhok nito kesa dati. Ang payat nitong katawan noon ay nagkalaman na at mas sumexy ito.

"Hindi sya si Diana, Daniel." Agad na putol ni Kevin sa iniisip nya. "Sigurado ako doon. Hindi ka rin nya makikilala. Hindi nya ko kilala. Mahahalata mo naman sa mata nya kung umaacting lang sya."

"Gusto ko syang makita." Natatarantang sabi ni Daniel. Agad syang naglakad papalabas ng bahay pero hinarangan sya nina Tin at Kaye. Nagpumiglas sya pero sinampal sya ni Kaye.

"Kumalma ka muna." Seryosong sabi ng dalaga sa kanya. "Bukas natin sya puntahan tapos saka tayo gumawa ng plano natin. Wag kang masyadong umasa, Daniel. Alam nating namatay sya 6 years ago. Nilibing na natin si Diana."

__________

"Mommy!" Nagising si Daniel sa iyak ng anak nya.

Agad syang bumangon at hinanap ito. Natagpuan nya ito sa hallway at sigaw ng sigaw ng 'Mommy'. Nakita nya si Kevin na tumakbo papalapit dito at niyakap ang anak nya. Doon natulog si Kevin para tulungang pakalmahin ang anak just in case mag-hysterical na naman ito.

Napatigil sya sa kinatatayuan nya. Nadudurog ang puso nyang makita anak nyang umiiyak at hinahanap ang ina nito.

"Tito Kevin, nasaan si Mommy?" Umiiyak na tanong ni Nina. "Iniwan na naman nya ako? Umalis na naman sya? Bakit? Di na ba nya ko love? Ano pong ginawa kong mali? Ayaw nya ba sa akin? Bakit? Mabait naman po ako. Lagi ko pong sinusunod si Daddy. Ginagawa ko po homeworks ko everyday. Nag-aaral po akong mabuti. Bakit ayaw nya sa akin?" Humarap sa kanya ang anak nya. "Daddy, bakit tayo iniwan ni Mommy? Sabi mo po dead na sya pero hindi po yun totoo. Kasama ko po sya kahapon. Daddy, sabihin mo po sa kanya na lagi akong magiging good girl. Mag-aaral po akong ng mas mabuti. Gagawin ko po lahat ng gusto nya para dito na lang sya kasama ko. Daddy, please? Gusto ko magkaroon ng Mommy. Please Daddy. Dito na lang si Mommy." Pag-mamakaawa ni Nina sa kanya.

Tumakbo sya para yakapin ang anak. Hindi nya na napigilan ang mga luha nya. Nasasaktan syang makitang nagmamakaawa ang anak nya para sa isang bagay na di nya kayang ibigay. Gusto ni Nina ang Mommy nya pero patay na ito.

"Wala na si Mommy, baby." Hinalikan nya ito sa ulo. Naiinis sya sa sarili nya dahil ginagawa nya ito sa anak nya pero hindi nya pwedeng hayaang maniwala ang anak na ina nito ang isang babaeng kamukha ni Diana. Mas mabuti ng masaktan ito ngayon kesa lalo pa itong masaktan sa hinaharap. "Patay na si Mommy."

"No!" Sigaw ni Nina.

"Nina, listen to Daddy." Sinubukan na rin itong pakalmahin ni Kevin. "Patay na ang real mommy mo. Yung kasama natin kahapon, kamukha lang nya yun pero hindi sya ang Mommy mo. Naiintindihan mo ko diba?"

"Wala akong pakialam!" Patuloy na pagsigaw ni Nina habang nagpipilit na kumawala sa yakap ni Daniel. "Wala po akong pakialam kung sino sya. Kahit double lang sya ni Mommy! Gusto ko ng Mommy! Gusto ko syang makita ngayon na!"

Napanbuntong hininga si Daniel. "Sige na. Makikita mo na si Mommy ngayon. Stop crying na, okay?"

__________

Nagising si Kathryn na sobrang sakit ng ulo nya. Nakapikit na inabot nya ang pain killers nya at agad na uminom ng dalawang tablets. Ibinaon nya ang mukha nya sa unan habang hinihintay na umepekto iyon. Napanaginipan nya ang isang batang babaeng sumasayaw sa gitna ng garden na punong puno ng mga lilies. May mag-asawang nanonood sa bata sa di kalayuan at masayang nakangiti. Tapos biglang lumipat ang eksena sa isang lugar na puro puti. Isang kwarto sa hospital. Ang batang babaeng sumasayaw kanina ay nakahiga na sa kama at may oxygen mask. Mukha nitong mahina at namumutla.

Unti unti nyang naramdaman ang pagkawala ng sakit ng ulo nya.

Humugot sya ng malalim na hininga.

Sino ba ang batang iyon?

Sigurado syang kilala nya yun pero bakit hindi nya maalala?

At bakit napapadalas ata ang sakit ng ulo nya? Hindi naman sya nakakaranas ng ganoon sa Canada. Sinabi ng doctor nya na normal lamang na sumakit ang ulo nya paminsan minsan dahil sa aksidenteng naganap noong nasunog ang bahay nila. Pero bakit biglang napapadalas iyon pagkatapos ng anim na taon?

"Kailangan ko ng magpa-check up sa doctor." Sabi nya sa sarili nya. "Ngayon na."

Naligo na sya at naghanda ng almusal. Umiinom sya ng kape nang makarinig sya ng katok sa pintuan. Napakunot ang noo nya. Sino naman ang bisita nya ng ganito kaaga? Wala pa naman syang kaibigan dito sa Maynila.

Binuksan nya ang pintuan at napangiti nang makita sina Kevin at Nina. Agad syang niyakap ni Nina.

__________

Comment. Vote. Enjoy.❤️

DianaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon