Chapter 39 ♣ Explain

408K 8.4K 748
                                    

Charisse POV

Lasing na yata si Lorence kaya di ko na rin sya kinakausap. Si Aileen naman, ayun sa bar counter, nakikipagkwentuhan sa diko kilalang lalaki. Ayos din talaga ang bestfriend ko eh. Napaka-friendly masyado. Friendly sa malalandi.

Nakamasid lang ako kay Luke. Kumukuha ako ng tiyempo. Gusto ko syang kausapin about kay Aileen. Ayokong pati bestfriend ko ay isama nya sa listahan ng mga pokemons nya.

Mukha namang 'di pa lasing si Palermo. Hayun nga't tuwang tuwa sa kalandian. Psh. Nagtatawanan pa sila nung babae na kulang nalang band-aid ang isuot na top at modess naman sa pambaba sa sobrang liit ng telang gamit nya.

Napatingin sya sa'ken kaya naglipat agad ako ng tingin. Lakas ng pakiramdam ng tingting. Ramdam ba nyang nakatingin ako sa kanya? Psh. Baka isipin pa nya nabibighani ako sa kanya. Naku po! Asa sya. Mahal ko lang siya pero di ako nabibihani sa malanding tulad nya.

Nanatili akong nakaupo dito sa mesa. Kanina ko pa hawak ang isang bote ng alak pero wala pa sa kalahati ang nababawas. Wala akong ibang kasama dito sa mesa. Feeling alone ang peg. Tinanong naman ako ni Lorence kung gusto ko ng umuwi. Tumanggi ako dahil kakausapin ko pa si Palermo. Di ko hahayaang magkasama sina Aileen at Luke sa iisang kwarto dahil for sure, wasak ang perlas ng silanganan ni Aileen pag nagkataon.

Maya maya pa ay tumunog ang phone ko. May text message yata ako kaya chineck ko agad. Kumabog ang dibdib ko nang mabasa ang pangalan ni Luke sa screen.

From: Luke
Can we talk?

-end-

Shit. Sakto. Gusto ko talaga syang makausap. Hindi kakayanin ng konsensya ko kung hahayaan kong isama ni Luke sa listahan ng mga babae nya ang bestfriend ko.

Nag-tap ako ng reply.

To: Luke
Yes.

Sent!

Saan kaya kaming mag-usap na walang makakapansin sa'men? Tumingin ako sa gawi ni Lorence pero ayun at busy pa din sa pag-inom kahit parang lasing na. Si Aileen, busy din sa pakikipag-usap sa lalaking di ko kilala.

*phone beeps*

Shock! Nagiging magugulatin na ako ngayon.

From: Luke
Dun tayo sa may kitchen para walang makakita saten. Pagpasok mo sa side entrance, kanan. 

-end-

Sa kusina? Seriously? Baka may makarinig pa rin sa'men don. Napatingin ako sa gawi nya. Mukhang nagpaalam na sya sa mga kausap nya at saka tumingin sa'ken. Seryoso ang mukha nya tapos ay naglakad na sya papasok sa loob ng mansyon nila.

Susunod na ba ako? Well, gusto ko talaga syang kausap kaya gagawin ko 'to. I have no choice! Isa pa, ito na ang pagkakataon ko na makausap sya sa personal matters.

Huminga ako ng malalim saka naglakad patungo sa side entrance saka pumasok sa loob ng mansyon.  Kumanan ako. Madilim ang ilaw pero nakabukas ang dim light sa kusina.

Naabutan ko si Luke sa nakasandal sa kitchen counter. Lumapit ako sa kanya pero di pa man ako nakakatigil sa harap nya ay nahila na nya agad ako sa braso at hinalikan sa labi ko.

I'm shocked. Kahit alam kong malandi si Palermo, 'di ko pa din inaasahan na hahalikan nya ako. Dala kaya ng alak? Nalalasahan ko ang alak sa bibig nya.

Isang bagay ang hindi ko talaga kayang intindihin sa sarili ko. Yung katotohanang naiinis ako sa kanya, galit ako sa kanya at bitter ako sa kanya pero tuwing hinahalikan nya ako ay di ako makapalag. His kisses are irresistable.

Casanova's Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon