Love at First... BITE?! [3]

944 14 9
                                    

Chapter 3 Sweet Scent

Bigla akong nagising. Grabe ang sama ng panaginip ko. Maliwanag na pala. Naku malelate na ako nito. Dali-dali akong bumangon at tumakbo papunta sa CR ko. Nagulat ako sa nakita ko sa balikat ko. May bite mark. Grabe medyo namamaga pa sya at puro pasa yung paligid pero di naman sya masakit. Grabe naman mangagat yung lalaking yun. Akala ko panaginip lang yung kagabi. Pero teka! Paano ako nakauwi?

Binilisan ko na ang pagligo ko. Kailangan kong makausap ang lalaking yun. Maya-maya lang ay tumakbo na ako papuntang school.

Medyo marami ng tao sa school nung dumating ako. Dumiretso agad ako doon sa room namin. At ang swerte ko dahil si Vlad palang ang tao dito. Papasok palang ako ay may naamoy na akong sobrang bango. Si Vlad ba yun? Ewan ko ba pero ang sarap sa pakiramdam. Parang bawat paghinga ko ng hangin na kasama ang amoy nya ay kumukumpleto sa pagkatao ko. WEIRD!!!

Nagulat sya nung nakita nya ako. Di ko alam pero natigilan nalang ako bigla nung nakita ko yung mata nya. Ang weird ng nararamdaman ko. Ano ba to.

"Ah... eh... p...pwede k... ka bang ma... makausap??" nauutal?? ano ba Theia nakakahiya ka!! 

"Ano bang gusto mong pag-usapan?" naiirita nyang tanong.

"Paano ako nakauwi kagabi? Tsaka bakit mo ako kinagat?"

Natawa sya pero halata namang pilit.

"Ano bang pinagsasasabi mo ha?"

"Di ba kagabi? Nakita kita sa eskinita tapos nung tumalikod ako bigla mo akong... kinagat" niyakap sana yung sasabihin ko kaso nakakahiya naman di ba.

"Ha? Ano bang pinagsasasabi mo?" nagpapainosente pa sya. Di ko maintindihan kung bakit nya ginagawa to pero nakakainis na sya. Eto ang laki-laki ng bite mark sa balikat ko tapos kung makaarte sya parang walang nangyari.

Di na ako nagsalita. Nagmumuka na akong tanga eh. Dumadami na rin kasi yung tao sa room. Naiinis ako. Sinungaling sya. Pero di ako titigil hanggat di ko nalalaman kung anong meron sa lalaking to. 

Pumunta na ako sa upuan ko. Sya naman diretso lang ang tingin. Lumingon sya sakin. Napalunok nalang ako. Bakit parang nanghihina ako pag nakikita ko ang mga matang yun. Parang natatanggal yung inis ko sa kanya. Hmmm... bango talaga.

"Pwede magtanong?" bulong ko sa kanya.

Tumingin lang sya sakin. Mukang walang balak sumagot to kaya tinuloy ko nalang ang pagtatanong ko.

"Anong pabango mo?"

Binigyan nya lang ako ng ang-weird-mo-look. Haynaku... tapos bigla syang lumabas. Di ko alam pero nakaramdam ako ng urge na sundan sya kaya eto ako ngayon patago-tago sa hallway at sinusundan sya. Teka anong oras na ba at gumagala pa tong lalaking to. 15 minutes nalang bago magtime eh.

Naupo lang sya dun sa may garden. Grabe para syang model na nakaupo dun. Nagtago ako sa likod ng halaman. Grabe bigla syang lumi9ngon sa direksyon ko. Buti nalang nakapagtago agad ako. Pagsilip ko ulit sakanya...

Nanlaki yung mata ko kasi wala na sya dun. Tumingin ako sa paligid, lumingon-lingon pero wala sya. Wala sya pero naamoy ko pa sya.

"Ako ba ang hinahanap mo?"

"AY KABAYO!!!" nagulat naman ako dun. Nasa likod ko lang pala sya. Pano sya napunta dun?

"Bakit mo ako sinusundan?"

Sasabihin ko ba na dahil sa weird kong pakiramdam kaya ko sya sinusundan? Lalo naman akong magmumukang weirdo non.

Naglakad na sya pabalik sa classroom. Ni hindi man lang hinintay yung sagot ko. Sinundan ko nalang sya. this time hindi na patago tutal nahuli na naman ako eh. 

Pag dating namin sa room lahat sila nakatingin sa amin.

"Bakit sila magkasama?"

"May relasyon ba sila?"

"Anong meron?"

Nagbulung-bulungan pa sila. Dumiretso si Vlad sa upuan nya . Ganon din ang ginawa ko. 

Nagsimula na ang klase. Super boring nga eh. Alam mo yung parang mapapanis na ang laway mo dahil di ka man lang nagsasalita. Buti nga nagbreak na. Mabilis na lumabas ng room si Vlad at ako naman eto sumusunod na naman. Mukha na akong stalker nito pero anong magagawa ko? I can't help it.

Di sya pumunta sa canteen. Dun ulit sya pumunta sa garden.

"Hoy babae san ka pupunta tara kaen tayo." bigla akong kinaladkad ni Yunice papunta sa canteen. 

"Teka..." pilit kong tinitingnan si Vlad pero di ko na sya makita.

Di ako nakakain ng maayos. Sya ang laman ng utak ko. Ano bang nangyayari sakin? 

Nung lunch time naman dun na naman sya pumunta sa garden. Mukang wala talagang balak kumain tong lalaking to eh. Bigla akong nagkaron ng idea. Makikipagkaibigan ako sa kanya para naman di na ako mukhang stalker na sunod ng sunod sa kanya. Tama!!

Pumunta muna ako ng canteen at bumili ng dalawang lunch. Yeah ililibre ko sya para naman maging mabait sya sakin. Pag punta ko sa garden nakaupo pa din sya dun na mukang malalim ang iniisip.

"Hi." sabi ko sa kanya. "Ah napansin kong di ka nagrecess kanina at mukang di ka pa naglalunch kaya binilhan kita ng food. Wag ka mag-alala libre yan tsaka masarap yan." inabot ko sa kanya yung food.

Nabigla ako sa ginawa nya. Bigla ba namang tinabig yung kamay ko kaya natapon yung pagkain. Sayang yun ah. Mahal pa naman yun.

"Tsk2 bakit mo naman tinapon? Sayang yun ah. Di mo ba alam na madaming batang nagugutom ngayon tapos ikaw inaaksaya mo lang?" pinulot ko yung mga pagkain. "Tsaka bawal magkalat dito."

"Kung nagugutom sila edi sila ang bigyan mo ng pagkain. Di naman ako nanghingi sayo ah. Tsaka kasalanan mo naman yan magdadala ka ng basura dito." bigla nalang syang nagwalk out. Napakasungit naman non. Haaay... Theia good luck nalang sayo. Pero di ako susuko.

"Vlad Crius Vryconia magiging kaibigan din kita." di ko alam pero nakita ko na lumingon sya ng bahagya sakin. Narinig nya kaya yung sinabi ko? ang hina naman ng pagkakasabi ko ah.

Love at First... BITE?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon