3

33 0 0
                                    

Set-up

“You love the right person, but it’s not yet the right time.”

One week na ang nakakalipas at ganun parin ang set-up namin, syempre ayoko namang magpadalos-dalos sa mga desisyon at sa mga gagawin ko. Alam ko, kailangan ko munang limitahan ang sarili ko pati narin ang nararamdaman ko. Gusto ko mang ipangalandakan ngayon sa harapan niya kung gaano ako kaseryoso sa nararamdaman ko sa kanya, pero parang mababalewala lang dahil hindi na ako ang itinitibok at nagmamay-ari ng puso niya.

I guess she really moved on, at ako patuloy na pilipilit umahon mula sa nakaraan, Sobrang lalim ng pagkakalugmok ko kaya hindi ako makaahon ng mabilis. Naiinis ako sa sarili ko kasi ang tanga ko e, marami akong sinayang na pagkakataon. Akala ko kasi noon walang Nyle na darating, wala siyang ibang makikita at mamahalin kundi ako lang kasi tiwala ako sa pagmamahal niya sa akin. Pero hindi pala, nagkamali ako. Nasaktan ko siya ng labis kaya ganun nalang niya kagustong kumawala mula sa sakit na naidulot ng pagmamahal ko sa kanya.

Stupid, Stupid, Stupid-Idiot! Wala nang magagawa yang pagda-drama mo, huli na ang lahat. Tapos na yung time mo, ikaw nalang ang hindi pa nakakamove-on. Ikaw nalang yung tanging nakatali sa nakaraan.

It now or never? Yes it is really now or never, pero paano naman ako magkakaroon ng lakas ng loob kung nakikita ko siyang masaya kasama siya? Na parang sa kanya na umiikot ang mundo niya, mundong dati’y ako ang nagmamay-ari.

Should I let her go? No! magpapakatanga parin ako, aasa parin ako. Kahit huli na, kahit alam kong masaya na siya at hindi na ako ang dahilan ng pagngiti niya. Nandito parin ako, aasa parin ako. Gustong-gusto ko nang umahon pero sumusuko na agad ako, hindi ako makaahon kahit anong pilit ko. Kahit 0.01% lang ang tyansang mahalin niya ulit ako, kakapit ako sa maliit na pag-asang iyon.

Magpapakatanga ako para sa kanya kahit ngayon lang, hahayaan ko muna tong katangahang ito. Hihintayin kong mapagod ang puso ko sa sakit na naidudulot ng pagpapakatanga ko.

Alam kong darating din ang time na titigilan ko na ito, na masasabi ko nalang, “Sa wakas I get over her.” Pero habang hindi pa dumadating yung panahon na yon, dadamhin ko muna yung sakit.

I will never let go, but I will not force myself tho, I will limit my interactions with her. Kahit kaibigan lang muna, yan lang muna ang role ko sa buhay niya. Tutal talagang magkaibigan naman kami, I should support her, Even if it pained me, seeing her with him.

Siya lang kasi ang nagturo sakin kung paano makaramdam ng ganito e, pero siya rin ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ng ganito. Kailangan kong damhin tong sakit na ito baka sakaling matauhan ako , baka mauntog ako at kinabukasan wala na, baka magka-amnesia ako at paggising ko hindi ko na siya maalala pati narin tong nararamdaman ko sa kanya.

FlippedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon