Chapter 17

723K 12.4K 1K
                                    

I was furious. Hindi dahil natalo ako ng gagang 'yun kasi sigurado naman akong dinugo s'ya sa inis nang dahil sa akin. I was livid that Anita actually believed that Lauren was a better choice. Not that I cared. Hindi naman ito contest at wala rin akong balak mag-asawa. Kiber ko ba sa nanay ni Dustin kung sino ang gusto n'yang mapangasawa ng anak n'ya?

But seriously, I thought that Dustin deserved better. Someone better than a Lia Agatha Carbonel. That's IF he'd rather not be with me.

"Hay naku, ayoko na ngang problemahin 'yang mga gan'yang bagay. Dapat 'di ko na lang binaba 'yung bruhildang 'yun! Shaving my pubes felt like a more pleasant experience than talking to her," I muttered to myself.

Pero ang init ng ulo ko sa kanya. Sino bang nagpasimuno ng a mother knows best na 'yan? Hindi lahat ng nanay matino. May ibang nanganak lang at iniwan na ang anak nilang parang kuting! 'Yung iba naman parang si Mama na ang tingin sa anak ay meal ticket! May iba ring hindi alam kung ano ang definition ng best. Tulad ng bruhang si Anita na mamimili na nga lang din ng mamanugangin, d'un pa talaga sa kasal na sa isang matanda.

Boba!

"Pero bakit ko ba 'yun pinoproblema?" I asked myself. "Pakialam ko ba sa kanya?"

I went straight to the elevators and smiled at the employees who greeted me.

"Miss Lia, blooming po kayo," one of the female employees remarked and I discreetly checked the name on her name plate. Hindi kasi ako katulad ni Daddy, na pati aso ng mga empleyado namin ay alam n'ya ang pangalan. Ako, kailangan ko pang manduga kasi hindi ako magaling kumabisado ng pangalan at mukha.

"Thanks, Sharlene." I beamed at her.

Sa aming tatlong magkakapatid, ako lang yata ang hindi kabisado ang pangalan ng mga empleyado namin. Si Alexa at Lee Ann kasi ma-chika rin katulad ni Daddy at may talento sa pagkabisa ng pangalan ng mga tao.

Pero ako? Kailangan mo munang mag-iwan sa akin ng malakas na impact bago malagay ang pangalan mo sa kasulok-sulukan ng utak ko. Tulad n'ung nanay ni Dustin.

Jusko sa lakas ng impact na iniwan n'ya sa akin, parang gusto ko s'yang hambalusin ng banga para pasok na pasok sa banga ang beauty n'ya!

"Oo nga po, Miss Lia, blooming po kayo!" another employee piped in and I automatically smiled at her.

'Yun yata ang hindi magandang naidulot sa akin ng pagiging model ko, kapag may kumakausap sa akin ay parang may remote control ang ngiti ko at naka-ready sa isang click lang. Naisip ko tuloy paano pala kung minumura ako? Eh, 'di nagmukha akong tangang nakangiti habang binabalahura n'ya?

"May kakaibang glow po ang pisngi ninyo. Parang ang radiant n'yo pong tingnan," said another girl, whose name was Agatha, as the elevator door pinged open.

We all immediately stepped inside.

"Teka lang, ha, tawagan ko muna ang kapatid ko para bigyan kayo ng salary raise, okay?" I kidded and everyone laughed. "Kayo talaga, feel na feel n'yo akong bolahin. Alam n'yo sigurong mabilis akong mabola."

"Miss Lia totoo po. Ang ganda-ganda n'yo po these past few days. Hindi po sa sinasabi kong hindi kayo maganda dati pero meron pong kakaiba sa inyo ngayon."

Ah, kasi nadidiligan ako gabi-gabi at kahit kakadilig lang sa akin ay dinidiligan ako ulit, I nearly blurted out.

Mabuti na lang napigil ko ang bunganga ko kasi sigurado akong hindi lang ang mga empleyadong nasa loob ng elevator ang mai-iskandalo kundi pati na rin sina Alexa at Lee Ann.

Bedroom Negotiations ClassicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon