Mga dapat tandaan kapag may Tigyawat.

spinner.gif

MGA DAPAT TANDAAN KAPAG MAY TIGYAWAT:

1.Maglagay ng face wash upang hindi dumami at lumaki ang iyong tigyawat.

2.Matulog ng maaga upang maiwasang maging oily ang mukha at madagdagan pa ng kung    anu-anu ang mukha mo. 

NOTE:Ugaliing magset ng alarm upang magising ng maaga,huwag na huwag  hahayaang ang              tigyawat mo ang gumising sayo.

3.Kumain ng maraming Veggies at Fruits para maging Healthy na!Fresh pa!

4.Huwag masyadong isipin ang Crush,Syota,ka-M.U.,Girl,Boy,Bakla,Tomboy,Butiki at Baboy upang
  hindi na magkaroon pa ng tigyawat sa ilong dahil ikaw ay magmumukhang si Pinocchio na nagsisinungaling na wala raw siyang tigyawat sa ilong.

5.Wag na wag titirisin ang tigyawat dahil baka may matamaan ng ibinubugang kemikal ng tigyawat mo.Laging tatandaan,kapag may tinamaan nito,baka madagdagan pa ang pinoproblema mo sa mukha.

6.Kung itanong sayo ng kaibigan mo kung tigyawat ba yang nasa mukha mo,sabihin mo hindi at sabihing kagat lang ng lamok iyan kahit halatadong may puti-puti sa loob nito,sabihin mo na lang na dengue yung kulay puting iyon upang hindi na kulitin pang muli ng kaibigan..
 
7.Itago ang iyong tigyawat sa maraming tao.Kung napapansin na nila ang malaki mong tigyawat,Tumakbo na at matulog ka na lang para wala ka nang problema.O Diba?!?!

8.Huwag kang magpapa-picture na may tigyawat ka dahil malay mo,photogenic ang tigyawat mo at mahilig umeksena sa mga litrato.

9.Ang pinakahuling sa laging tatandaan.Iwasang dumikit sa makikinis ang mukha,baka mahalata,umiwas na rin sa mga minachine gun sa tigyawat ang mga mukha,baka akalain nilang kasama ka sa kanilang S.M.P.

NOTE:S.M.P = Samahan ng Matitigyawat sa Pilipinas
 

Comments & Reviews (2)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

Mga dapat tandaan kapag may Tigyawat.

Who's Reading

Recommended