Chapter 39 - Elliara

53.9K 980 67
                                    

"Khiara listen to me, hindi man kapani-paniwala pero........ mamamatay tao si Red"

Sa tagal kong tiningnan mata ni Elle, ni hindi siya nagbigay ng hint na nagsisinungaling siya. Totoo ba? Totoo kaya?

"Khiara believe me" nilapitan ako ni Elle

"Hindi.... hindi yan totoo...." umatras ako napoatakbo na ako palabas ng mansyon 

Nagulat sina Zhane pero nagpatuloy ako at pumunta na lang sa garden sa bahay nina Elle naupo ako sa paborito naming puno. Si Red na mabait at gentleman, si Red na laging nag eeffort pasayahin ako, si Red na  lagi akong pinoprotektahan. Akala ko ba talaga perfect siya, may tinatago siyang ganito. Pero bakit, hindi ko maintindihan.

"Khiara tingin mo ba magsisinungaling ako sayo?"

"Elle hindi biro yung ganito, kung kailan ikakasal na kami tsaka lang lalabas itong mga balitang ganito. Tingin mo ba madali paniwalaan? Buo na loob ko pakasalan si Red. Sawa na ako sa mga sikreto, sawa na ako sa mga nangyayare sakin ngayon, kaya nagmamakaawa ako sayo. Tell me the truth" sabi ko

"Totoo nga kasi, sinasabi ko to sayo kasi ayoko mapahamak ka.... paano kung hindi siya emotionally stable at magalit siya sayo at saktan ka niya" giit niya at umupo sa tabi ko

"May matibay na ebidensya ka ba na mamamatay tao si Red ha???" pang-uusisa ko, kung may ebidensya baka maniwala ako pero kailangan ko padin makausap si Red

"Wala akong maipapakitang ebidensya mahabang kwento kasi pero nadiskubre ko na si Red ang pumatay sa magulang niya, diba ulila siya? Ayun ang dahilan kung bakit sila namatay bata pa lang nun si Red at binaril niya ang magulang niya, at ang kaso ni Raven siya ang may pakana" paliwanag ni Elle

Nandito ako para iligtas ang fiance ko, ang taong mahal ko, pero bakit may panibagong sikreto nanaman na bubungad sakin? Pagod na pagod na ako. Napabuntong hininga ako.

"Khiara please lang wag ka naman magpapabulag sa pagmamahal mo kay Red... nagsasabi ako ng totoo.. diba dati pinakawalan na kita kasi alam ko na magiging maayos ka kasama si Red, pero hindi ako mapakali dati kaya pinilit kong alamin ang lahat ng tungkol kay Red naghire ako ng private investigators, sinearch ko ang bawat Dela Merced family... hinanap ko every living relative niya at napag-alaman ko ang sikreto niya" pag amin ni Elle

"Inaamin ko minahal kita, pero sa tingin ko hindi talaga tayo magkakasundo pagdating sa pag-ibig, kaya isipin mo nalang ako bilang si Elle na bestfriend mo noon, nag aalala lang ako sayo. Gusto ko lang masigurado na sa tamang tao ka mapupunta. At alam kong hindi ako yun, kaya please, pag isipan mo tong sinabi ko sayo" pag pipilit ni Elle

Namimiss ko na si Elle na bestfriend ko dati, nung akala ko bakla siya parang nagkaron kami ni Zhane ng isa  pang kaibigang babae nung bata kami. Pero hindi ko alam papaniwalaan ko ngayon.

"Khiara kanina pa ako dumadaldal dito... sumagot ka naman ohh" pinalig niya ang mukha ko patungo sa kanya

 Tiningnan ko si Elle ng matagal... mukha naman siyang nagsasabi ng totoo ehh, kaso bigla kong naisip si Red. Si Red na mahal ko.

"HINDI!!! HINDI YAN TOTOO!!!" sigaw ko at tumakbo kayna Zhane pina-andar ko ang motor ko at umalis sinundan na lang ako nina Zhane

=============================

-eyysarmi

THE NERD IS A SECRET GANGSTER PRINCESS?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon