[WB: Raph4]

838 36 0
                                    

[WB: Raph4]

 

Raph’s POV

 

“TATAYO ka na lang ba diyan? Hindi mo ba ako tutulungan?” namaywang pa sa akin si Lucy. Nasa condo niya kami ngayon dahil lilipat na lang muna daw silang mag-tiya doon. Masyado na raw napag-aralan ng mga may gustong pumatay sa kanilang dalawa ni Alex ang pasikut-sikot sa bahay niya. Mabuti raw doon at hindi masyadong exposed sa publiko. Pero ang ayaw ko lang doon ay sa salas daw ako matutulog dahil tatatlo lang ang kwarto. Tatlo naman ang kwarto kung bakit hindi pa ipagamit sa akin ang isa.

Itinaon niya kung kailan nasa school si Alex para maayos daw muna ang condo. Hindi na siya umupa ng interior designer dahil kaya naman na daw niya, iyon nga lang at masyadong malalaki ang mga kagamitang inilalabas-masok niya doon at halata naman na talagang hindi na niya kaya. Kahit gusto ko siyang tulungan ay ‘di ko magawa, ilang beses na rin akong na-‘tonta’ sa araw na ito kahit mag-ta-tanghali pa lang.

“Anong trabaho ko?”

 

“Bodyguard.”

 

“Anong ginagawa ng bodyguard?”

 

“Ugh, I so hate you!”

 

“Thanks, the feeling’s mutual,” walang emosyong sabi ko at ipinagpatuloy ang panonood sa TV. Mukhang nananadya yata siya at talagang sa harapan ko pa dumadaan, eh, pwede namang sa likuran na lang ng sofa na kinauupuan ko, tutal naman at hindi iyon nakadikit sa pader. “Pwedeng ‘wag kang bumabara sa TV, Miss ‘Cute-ang-Monster’s-Incorporated-pati-ang-Finding-Nemo’?” mapang-asar na sabi ko sa kanya. Iyon kasi ang pass code na binigay niya sa akin kapag kakatok sa kwarto niya. Natawa na lang ako nang mabasa iyon sa terms of agreement na ibinigay niya sa akin. Hindi mo aakalaing isang masungit na babae ay ganun ang naisip nag awing pass code. Mas bata pa siyang mag-isip kaysa kay Alex.

 

“You know what, listen, okay?” tumayo pa siya eksaktong-eksakto sa screen ng TV, namaywang pa siya at pinuwesto ang kamay sa baywang, para tuloy siyang nag-mo-model sa harapan ko, “pwede mo naman akong tulungan kung gusto mo. Hindi ba pwedeng magpaka-gentleman ka naman kahit minsan lang? Please, minsan lang!” mukhang pagod na pagod na nga siya. Hindi na rin niya pinansin ang pang-iinis ko sa kanya.

“Magic word, ‘please.’ Tutulong na ako,” iyon lang naman talaga ang hinihintay ko, ang sabihin niya ang salitang ‘please.’ Bumuka ang mga labi niya na aktong magsasalita pero biglang tumunog ang telepono niya. “Akala ko ba wala pang nakakaalam dito? Bakit may tumatawag na sa landline mo?” kumunot ang noo ko. Nagpalit na daw kasi siya ng numbers at lahat-lahat na. Kahit personal number niya. Sobrang napakatago na nga niya, pati pintuan ng condo niya ay may anim na lock, binilang ko pa iyon kanina, mukhang natatakot rin naman siya kahit papaano.

“Ah, si Attorney Maniego lang may alam dito pati na rin ang mga new numbers ko.”

 

Lihim akong napangisi, hindi niya ako binara ngayon, pagod na nga. May mabuting dulot din naman pala kapag napapagod siya, nababawasan ang pagka-mataray niya. And besides, I’m enjoying the view. Nakasuot lang siya ng cotton blouse na puti at maong na shorts. Simple lang pero ang ganda talaga ng hugis ng katawan niya. Para lang siyang mannequin na gumagalaw. “Sasagutin mo ba?”

What Boys Think: RaphaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon