Chapter 28: DOTA TOURNAMENT

417K 9.7K 1.3K
                                    

Chapter 28:  
DOTA TOURNAMENT

I suggest na play niyo yung song sa right side, dare you to move by switchfoot habang binabasa niyo siya ^_^

--

MIGGY POV

"pre isang oras na lang wala pa siya!" kabado na ko habang kausap ko si kevin. "sabi ko sakanya 10am mag sisimula yung tournament natin." hindi talaga ko mapakali ng wala si cristin.

"dre easy ka lang, baka naman on the way? tawagan mo kaya?"

"nakapatay yung cellphone niya, pinuntahan ko siya sa bahay nila pero sabi ng mama niya umalis daw, nag aalala na nga ko eh.." tinawagan ko ulit yung phone niya pero walang sumasagot.

"mamaya andito sila apple, baka alam nila kung nasan si tin, kalma lang."

"sige salamat dre."

Buti na lang andyan si kevin. Okey na kami, hindi katulad ng dati na mag bestfriend pero yung pagiging tropa namin, nabalik na sa dati. Sa totoo lang nakaka miss din siya kasama at kalaro sa dota, ngayong mag ka team na kami, hindi ko na alam kung may makakatalo pa samin, sa bad burn. yan ang name ng team namin.

"miggy!!"

"alyssa.."

"malapit na mag start ah, andito na siya?"

"wala pa eh.." napa buntong hininga na lang ako.

"darating din yun, mag focus ka muna sa game."

Hay. Hindi ko alam kung anong nangyare kay cristin. Sinabi ko lahat kay alyssa yung nangyari kahapon, yung muntik ng may mangyari samin ni tin, sabi niya baka daw nabigla si tin sa ginawa ko. Aish! ang stupid ko kasi hindi ko napigilan yung sarili ko, siguro natakot siya sakin? pero dapat kinausap niya ko. Boyfriend niya ko kaya dapat wag siyang mag tago ng kung ano sakin. Ngayon wala na kong paki alam kung pumunta pa siya o hindi sa tournament ang mahalaga malaman ko man lang na okey siya, kahit isang text lang. Simula pa kahapon, nung umalis siya bigla sa condo ko ng walang paalam, hanggang ngayon wala pa din siyang paramdam sakin. Hinayaan ko na lang muna siya kahapon baka gusto niya mapag-isa. Pumunta ko sakanila kaninang umaga sabi kasi ng mama niya maaga daw umalis si tin sakanila. Sana makapaglaro ako ng maayos, gusto kong manalo kami, madami ng games yung pinatalo ko kaya ayokong ma disappoint yung teammates ko. Bukod sa cash prize, eto din yung way para makakuha kami ng sponsor, sabi nila yung mananalo daw dito kukunin ng mineski.

Mineski, may ari sila ng Mineski Infinity at Mineski Ground Isa sa pinaka malaking computer shop sa pinas, Madami na silang branch dito, meron sa Taft, morayta, sa may shaw, pati sa province meron sila. Para makahatak ng maglalaro sakanila, may binuo silang team, the name itself, MINESKI. Halos lahat ng dota players pangarap mapasama sa team na yun, at isa ko dun. Isa kami dun.

Bumalik na sa realidad yung pag iisip ko ng tawagin na kami ng event organizers, una daw kaming lalaban.Nakita ko si apple na dumating, kasama si sarah at si ace.

"tol wala pa ba kapatid ko? maagang umalis yun sa bahay, akala ko pupunta dito."

"wala nga ace eh, pwede bang tawagan mo? mag start na yung game namin."

"sige sige.."

Umupo na ko sa pwesto ko. Kabado ako, hindi dahil sa takot ako sa kalaban, baka kasi magkalat ako sa laro dahil iniisip ko si cristin. Kung andito lang sana siya.. hayssss.

I'm in Love with a DOTA Player (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon