Twenty [1]

83.4K 1.8K 108
                                    

Have questions? Ask me. ask.fm/kendeyss?

May update ako ngayon part 1 muna, kasi inaabangan ko iyong MV ng asawa at kabit ko.
#GDxTAEYANG
#GOODBOY
-------

"Ito ba bagay? O ito? Gusto niya kaya ng pink? Eh, eto? Mukha ba akong mataba?" sunod-sunod na tanong ni Chiara sa kaibigang si Jeann habang isa-isang pinapakita ang mga damit na nakalatag sa kama niya.

Humikab si Jeann at humiga lang sa kama niya. "Kahit ano nalang isuot mo. Ayos naman ang lahat ng mga iyan."

Isa-isang tinapat ni Chiara ang mga damit sa katawan niya sa harap ng salamin. Dapat talaga si Zyrene ang isinama niya pauwi dahil sa sitwasyong katulad nito, maa-appreciate niya ang bunganga ng kaibigan. Iyon nga lang, may inaasikaso ito sa Otaku club nito na nagpa-cosplay contest so in the end, she's stuck with Jeann.

"Hindi pwedeng okay lang. Date 'to, Je! Kailangan maging maganda ako." sabi niya sa kaibigan niya. "Tsk. Ang pangit nito." sabi niya sa sarili.

Inihagis niya nalang ang mga damit niya at pumunta sa cabinet niya upang mangalkal ng iba pang pwedeng maisuot. Pinagsisisihan niya na bakit hindi man lang siya bumili ng mga dress o kaya'y mga pang-itaas na magmumukha siyang babae talaga.

"Bumili na kaya ako sa mall?"

"May pera ka ba?" tanong ni Jeann sakanya.

"Meron naman sigurong natira pa sa pera ko." sagot niya. Nag-iipon kasi siya para sa birthday ng kapatid sa susunod na buwan.

Tumayo si Jeann at may ibinigay sakanya na isang sky blue na polo shirt at white jeans. "Kung gusto ka talaga ni Dami, wala siyang pakealam kung anuman ang isuot mo. Iyan nalang ang isuot mo at nang makabalik na tayo sa school. Maga-ala sais na." sipat nito sa relong suot.

Nagtatalo ang isipan niya kung bibili ba siya ng bagong damit o sundin nalang ang sinabi ni Jeann. Tama naman ito at may point ang kaibigan niya but she wants to impress Dami. Siyempre, it's their date and she wants to look pretty infront of Dami.

In the end, isinuot nalang niya ang polo shirt na sky blue at white pants. She applied only a little bit of make-up and just let her hair fall freely.

"See? Ang ganda mo kahit ano'ng suot mo." puri sakanya ni Jeann.

Inirapan niya ito. "Magpapalibre ka lang eh."

Tumawa lang ang kaibigan niya. "Halata ba? Tara na. Hinihintay ka na ni Prince Charming mo... Yuck! I can't believe I just said that."

Kumapit siya sa braso ng kaibigan at sabay na naglakad papuntang sakayan ng jeep. "Thanks talaga, Je! Best ka talaga! Huwag ka nalang maingay kay Zyrene at baka magselos."

"Huwag ka mag-alala, busy iyon sa kabilang dimension."

Mabilis naman silang nakarating sa SCU at medyo maraming mga estudyante na ang pumapasok dahil mas buhay ang fair nila mula hapon hanggang alas-otso ng gabi. Mas maraming rides at may mga games na pang-perya. May bingo at raffles na pakana ng iba't ibang orgs. May singing contest rin at dance contest na pakana ng choir at dance troupe.

Rinig na rinig ang masasayang tunog sa kabuuan ng campus na akala mo'y may party. Ang usapan nila ni Dami ay magkikita sila sa booth ng Basketball team. Siyempre, ang booth ng mga ito ay yung basketball game na karaniwang nakikita sa arcades.

"Sasamahan pa ba kita kay Dami?" tanong sakanya ni Jeann.

"Hindi na. Kaya ko na. Salamat,Jeann." nagbeso silang dalawang magkaibigan. Alam niya kasing may tatapusin pa ito sa school paper.

Shut Up and Be Mine [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon