23rd.

213 14 9
                                    

Hello! Mwaaaaaaaah! :*


**


23rd.


Matapos ang insidente na yun, halos isang linggong hindi nagparamdam sa akin sina Xander at Aya. May rumors na parehas silang nag-drop out sa school.

Hindi ko rin mapigilang mag-alala.



Isang linggo na rin na hindi ako iniiwan ni Ivan maliban kapag magkaiba kami ng subject. Pero kada matatapos ang klase asahan mo nasa labas na 'yan ng room namin. 



Wala kaming prof ngayon, tumambay na lang kami ni Chelu sa room. Wala na rin naman kasi kaming pupuntahan. Tinext ko na lang si Ivan na hindi naman ako lalabas ng room.



"Hoy. Esp." Tawag ni Chelu


"Oh?"

"Ngiting-ngiti ka na naman dyan, ah. Kayo na ba?" Bigla akong napatingin sa kanya, nakatingin pala siya sa tinatype kong message.


"Sinasabi mo dyan?" Sabay iwas ko ng phone ko.


"Sige lang, i-deny mo pa. Alam ko namang malapit na. Hihihi."



Sanay na rin ako sa ganyang tanong. 'Di ko naman sila masisisi kasi nga lagi kamng magkasama, mas dumalas pa ngayon.



"Oh, andyan na yung sundo mo!" Sabay-sabay na nangantsaw ang mga kaklase ko. Not new, not new.


"Excuse po sa lagi kong ine-excuse." He said, beaming.


Tinulak na ako ng mga kaklase ko palabas ng room.



"Hi." Sabi ko nang makalabas ako ng room. Medyo awkward yatang bati yun.


"Yo. Bag!" Kinuha niya sa akin ang bag ko, kahit magaan lang naman yun.



Nasanay na rin ako nang ganito siya. Kahit dati sinabi ko na ayaw kong ma-attach sa kanya, paano ko ba mapipigilan kung ganito siya?



Matagal-tagal na rin kaming naglalakad at napansin ko na ibang daan ang nilalakad namin.


"Hoy, saan tayo?"

Nginitian niya lang ako, tapos hinawakan niya ang kamay ko.



Hindi ko maipaliwanag ang feeling.

I'm the Extra. (MEGA HIATUS)Where stories live. Discover now