Chapter 9

411 6 4
                                    

Isa na naman itong panibagong araw sa Myong Ji University. Katatapos lamang ng klase nina Frances pero take note! Ilang linggo rin syang umabsent sa school dahil kailangan nya munang makarecover sa mga pangyayari na nagpa-traumatize sa kanya. Nakakatakot pala yung pakiramdam na lahat ng tao na nasa paligid mo ay gusto kang saktan tapos parang wala kang kakampi. Na pati yung taong hinahangaan mo at naging dahilan kung bakit ka nagpunta sa Korea at pinilit na mag-adjust sa bagong environment kahit sobrang hirap dahil unang-una sa lahat ikaw lang ang kakaiba at isa pa wala kang naiintindihan sa mga taong nasa paligid mo dahil iba ang language nila eh ang mismong dahilan kung bakit sya nagkakaganito ngayon. Si Donghae ang naging dahilan kung bakit sikat na sya ngayon at kinasusuklaman ng lahat ng ELFs sa buong mundo. Nakakadepress...hindi nya kinaya yun kaya muntikan na talaga syang magpakamatay nun. Ganunpaman, kahit na medyo nakapagpalamig na sya at di na sya masyadong hot issue (pero issue pa rin) ay nalulungkot pa rin sya dahil parang wala nang kwenta ang pagpasok nya sa Myong Ji. Wala nang kwenta ang pagpunta at paninirahan nya rito sa Korea. 

Gusto na nyang umuwi sa Pilipinas. Eh baka naman yung mga Filipino ELFs naman ang sumugod sa kanya dun! UWAAA. Sa Mars na lang kaya sya tumira? Joke. Huhuhu. 

"What do you think are you doing?" wika ng isa sa tatlong babaeng bigla na lamang humarang sa dinaraanan ni Frances. Ilang minuto na lamang at magsisimula na ang kanyang klase pero mukhang mahuhuli sya ng dating dahil sa panggugulo ng mga ito sa kanya.

"What am I doing? I'm walking. What's your problem? Will you excuse me? I'm gonna be late for my class," wika ni Frances. Sinubukan nyang lumagpas sa kanila ngunit hindi nya ito nagawa.

"How dare you punch Donghae-oppa in front of many people! Do you want us to do that to you too? Huh?!" wika ng isa sa kanila. Sinasabi na nga ba ni Frances. Sikat pa rin sya! Tanda pa rin nila ang mga eksena na nangyari last last week. Lagot.

"He deserves it. He doesn't have a right to say bad things about me anyway. I just punched him in order to defend myself. Tss. I didn't know that he has such an attitude. He shouldn't be my idol in the first place." wika ni Frances. Naalala na naman nya ang mga nakakagalit na pangyayari kahapon. Naiinis na naman sya! Gusto na talaga nyang umalis sa harapan nila kaya tinabig na nya ang mga ito at nagpatuloy na sa paglalakad. Kaya lamang, tatlo sila at siya ay isa lang kaya't wala syang nagawa nang bigla siyang hinila ng mga ito pabalik.

"Excuse me? Donghae-oppa has a bad attitude?! Girls, will we let this stupid girl to say bad things about our Donghae-Oppa?"

"OF COURSE NOT!" sabi ng dalawa sa kanila.

"You don't deserve to be here. You should be kicked out of this school!" bigla nyang itinulak papalayo si Frances kaya nabitawan nya ang librong hawak nya. Lilimutin na sana nya ito nang biglang may dumampot nito para sa kanya. Nagulat na lamang siya nang makita niya kung sino ito.

"Ahm..thanks." wika ni Frances. Bahagyang ngumiti at tumango ang binata na parang gusto nitong ipahiwatig na wala itong anuman sa kanya.

"Siwon, don't you know that girl?! She was the one who destroyed the relationship of Donghae and Jessica. You shouldn't be nice to her." wika ng isa sa mga mean girls.

"She's right, Siwon. She should be kicked out. Right, girls?"

Muling ngumiti si Siwon, this time sa tatlong babae. "You better watch out your tongues. You are the ones that might be kicked out if you continue to bully her." wika ni Siwon. Marahil ay nakita nito ang mga nangyari kanina. Napahiya ang mga bullies kaya bigla silang tumahimik. Pagkatapos noon ay tuluyan nang naglakad papalayo ang binata.

Magsisimula na ang klase ni Frances. Buti na lamang at hindi ito nalate ng dating, salamat kay Siwon at napadaan sya kanina. Iniisip ni Frances na napakabait ng binata dahil ipinagtanggol sya nito sa kabila ng mga issues na kumakalat tungkol sa kanya at sa kaibigan nitong si Donghae. Umupo siya sa may bandang likuran ng classroom dahil mas komportable siya sa pwesto nya roon. Makalipas ang ilang minuto, biglang pumasok sina Donghae at Eunhyuk papasok ng classroom. Kasalukuyang nakaakbay ang braso ni Eunhyuk sa balikat ni Donghae. Nakakatuwa silang tingnan dahil ang sweet nila pag nagkakasama. Kinilig ang mga kaklase nilang babae sa loob ng classroom dahil sa kasikatan at kagwapuhan ng dalawa.

ELF's Dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon