Three words, Eight letters, Say it and I'm Yours [28] Part 2

230K 2.1K 313
                                    

Now a published book under Summit Media. Php 175.00. English. Available in all bookstores nationwide. :) If you love COUREANS, GIANELS and BRANDED LOVERS then do grab a copy! 


CHANEL'S POV

Hala hala. Magkaholding hands kami ni Kean! Hala hala! Teka, ano bang sinasabi ko?! Tss. Wala na daw kasi iwanan. Sana nga ganan ang gawin niya. ;)

"Ang gwapo naman ng guy!"

"May girlfriend na! Tumigil ka nga diyan!"

"Tss. Mas maganda pa ako dun sa girl eh!"

"WEH?!"

Natawa naman ako dun, talagang hindi kinampihan nung friend yung isa pang friend? Tss. Bakit ba kasi ang layo ng KFC. Haha! Hindi ko ba alam kung bakit pero favorite ko talaga sa KFC.

"Hoi! Pahiram naman ng jacket! Ang lamig!"

"Adik ka ba? E di ako naman ang nilamig?!"

"E di bibigyan kita ng Yakapsule."

"YAKAPSULE??"

"Gamot ko yun. Gusto mo?"

"Anong gam-- (-",-)"

EEEEEEEPPPP! NI-NI-NIYAKAP NIYA AKO! Kaya pala YAKAPsule.

"Tama naaa! Magaling na ako! Magaling na!"

"Sabi ko sayo epektib ang gamot ko eh."

"Oo na po Dr. Padua."

"Halika nga dito payakap nga."

"Ayoko nga! Palagi ka na lang nanananchansing eh!"

"Buti nga niyayakap kita. Yung mga babaeng yun nga naglalaway para makasama ako eh."

Tapos tinuro niya yung 3 babae na kanina pa sunod ng sunod samin. Kumaway siya sa kanila. Kumaway naman sila with matching flying kiss pa.

"E di dun ka na sa mga babae mo!"

"Sabi mo eh!"

Tapos aalis nga siya?! Tss. Wala daw iwanan oh! E ngayon pa nga lang iiwan na niya ako! Ayoko na nga umasa sa mga pangakong ganan! Aalis na lang ako. Badtrip!

"Hi Miss."

Tss. Haay. Pati ba naman dito?! Lagi na lang may magsasabi ng ganan! Kaya ayoko magMall eh!

"Ang suplada naman. Gusto ko to."

Tiningnan ko. Hindi naman sila mukhang holdaper. May mga maayos na pantalon at t-shirt sila. Medyo may pagkakajejemon kasi may malaking kwintas pero ayos din naman ang porma. Siguro safe ako dito.

"Miss alam mo bang delikado ang maglakad magisa sa gabi? Wala ka bang kasama? Hatid ka na kaya namin?"

"Ganun?"

Haay. Wala naman ako sa mood para maghanap pa ng pwedeng maghatid -.-"

"Wag na lang. Sige. Bye."

Lumakad lakad lang ako. Sinusundan naman nila ako. Pag titingin ako maghehello lang sila. Natatawa ako. Kung lahat ng masamang tao sa mundo ganito wala ng krimen. He-he.

"Hoi. Layuan niyo nga yang fiancee ko."

"Fiya-Fiya- ano daw yun?!"

"Aba ewan ko."

"Baka foreynjer yan. Tapos ang syota sa salita nila eh pyan..pyansey? Baka intsik yan mga tol!"

Hahaha. Natatawa naman ako sa mga pinagsasasabi ng mga lalaking ito! Intsik daw oh. Maya maya, lumapit si Kean sakin at hinigit ako.

[PUBLISHED BOOK] Three words, Eight letters, Say it and I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon