Chapter 26

68 4 2
                                    


DJ's POV

Bigla kong binawi yung kamay ko sa pagkakahawak ni Lindsay sa akin. Para akong nakuryente na ewan.

"Kayo na ba?" Biglang tanong ni Lindsay sa akin.

"Ano naman sayo?" Naiinis ko ring tanong sa kanya. Tatalikod na sana ako ng bigla niya ulit hawakan yung kamay ko.

"DJ. Pleasee.." Nagmamakaawa niyang sabi sa akin sabay hawak ulit sa kamay ko.

"Stop it Lindsay! Just fvcking stop!!" Sabi ko sa kanya habang binabawi ko yung kamay ko sa kanya.

"No! Please DJ! NO!" Sabi niya ulit sakin. Nakita ko na bigla namang may pumatak na luha sa mata niya kaya natigilan ako sa pagpupumiglas.

Hinawakan ko yung pisngi niya para punasan yung mga luha niya. Pero sana hindi ko nalang ginawa iyon dahil the moment na hinawakan ko yung pisngi niya eh bigla niya akong siniil ng halik.

Halik na nakapagbalik sa akin sa nakaraan.

"Anong ibig sabihin nito?!" Narinig kong sabi ng nasa likod ko kaya napabitaw agad ako kay Lindsay.

"P-paris!" Gulat kong sabi. Tinignan ko siya. "Please don't tell Kath! I-I can e-explain. J-just dont tell her. Please." Nagmamakaawa kong sabi sa kanya.

"At bakit hindi?" Galit niyang tanong sakin bago tumingin kay Lindsay. "At ikaw? Hindi ba alam mong nililigawan ng gagong to yung kaibigan natin? Bakit Lindsay? Bakit?" Nagpipigil nitong sabi kay Lindsay.

"Ako ang nauna sa kanya!" Sagot naman ni Lindsay dito. Sa sobrang bilis ng pangyayari, nakita ko nalang na sinabunutan na ni Paris si Lindsay.

"Hindi ikaw ang nauna! Traydor ka!! Wala kang kwentang kaibigan!" Sabi ni Paris habang sinasampal naman niya ito ngayon. Pilit ko silang pinaghihiwalay pero hindi ko magawa. " Si Kath. Si Kath ang nauna kay DJ, Lindsay! Si Kath!!"

"Wala kayong alam! Wala Paris! Wala!" Balik na sigaw ni Lindsay kay Paris. Natatakot ako na baka may makakita sa eksenang nangyayari ngayon at baka makarating pa kay Kath.

Sigawan lang sila ng sigawan at pilit kong pinipigilan si Paris sa pagsugod kay Lindsay ng biglang dumating sila Christian at Nathan at biglang hinila si Paris palayo.

"Bitiwan niyo ko!" Galit na sigaw ni Paris pero hindi siya binitawan nila Christian. " Bitiw sabi eh" Sabi niya ulit. This time binitawan na siya nila Christian.

Akmang susugod nanaman siya ng hawakan siya ulit.

"Oo na! Oo na! Hindi na ako susugod!" Sabi ni Paris sabay ayos ng gusot gusot nitong chef uniform. Tumingin siya samin ni Lindsay. " Malalaman ni Kath 'to, DJ. Malalaman niya!" Sabi niya bago siya tuluyang naglakad pabalik sa lab room nila.

Napaupo nalang ako sa sobrang sakit ng ulo ko dahil sa nangyari.

"DJ. Andito naman ako para sayo eh." Malambing na sabi ni Lindsay sa akin.

"You.... YOU RUINED EVERYTHING!!" Galit kong sigaw sa kanya sabay tayo at naglakad palayo.

Narinig ko naman na tinawag ako nila Christian pero hindi ko sila pinansin. Nang makarating ako sa carpark ay galit akong sumakay sa kotse ko at pinaharurot ito.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa na okay ang lahat? Bwisit! Mapapatay ko talaga si Lindsay!

Hindi ko alam pero nakita ko nalang ang sarili ko na papasok isang bar. Umupo ako sa bar counter.

Together Forever (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon