Alamat ng MATCHMAKING (DONE)

spinner.gif

NOTE: Give credits lang ako kay idol, Bob Ong. HAHA :D may ginaya kasi akong style niya sa pagsulat nito at iyon ay ang TANONG PANGKASANAYAN part ng story na ito. Then the rest, imbento ko na lang :)) HAHAHA sana ikatuwa niyo ang alamat ng Matchmaking. Ito ang makalokohang side ko.

By the way, I'm still MM (MidnightMadness) HAHA feel ko lang magpalit ng username :)

ALAMAT NG MATCH MAKING

Bakit may mga magkaka-match? At bakit may mga nananatiling single?
Kasi nung unang panahon, may lalaki na nakaimbento ng palito kasi gusto niya kumita. Isa lang ang palito na 'yun at 'di pa alam ng imbentor ang purpose ng palito na gumawa ng apoy kaya nganga lang siya.
"Ano ang gagawin ko?" sad na tanong niya sa sarili then, nagulat siya nung nagsalita yung palito.
Sabi niya, "Malungkot ako."
"Bakit ka sad?" tanong niya sa palito.
"Kasi mag-isa lang ako. Wala akong kauri ko... Ano nga pala ako?"
"Isang palito. Match stick."
"'Yun. Sad ako kasi wala akong... ka-match. Gawan mo ako ng ka-match."
Pumayag naman ang imbentor kasi bored siya. Gumawa siya ng isa pang palito. At nagsama ang dalawang palito sa box. Nagulat siya kinabukasan pagkabukas niya ng box kasi magkalayo ang dalawang palito.
"Bakit kayo magkalayo?" tanong niya sa dalawang palito.

"Kasi ayoko sa kanya," sagot ng unang palito.
"Bakit? Sabi mo gawan kita ng kauri mo. Ginawan na kita, bakit ayaw mo na?"
"Hindi kasi kami magkasundo. Magkaiba ang ugali namin. Gusto niya matulog sa left side ng box, ako gusto ko sa right side," sagot ng pangalawa.
"Ano ngayon ang gagawin ko?" tanong niya sa dalawang palito.
"Gawa ka pa ng kauri ko," sabi ni Palito 1. "Dapat kasundo ko siya."
Napa-oo na lang siya at gumawa ng ikatlong palito.
Masayang namuhay si Palito 1 at Palito 3 pero nagulat ang imbentor nang pagbukas niya ng box at nag-aaway ang tatlong palito.
"Bakit kayo nag-aaway?" tanong niya sa mga palito.
"Pinag-aawayan nila ako," sumbong ni Palito 3.
"Inagaw niya kasi ka-match ko," turo ni Palito 1 kay Palito 2.
"Hindi, ha? Nauga lang yung box. Tapos, pagkagising ko, nakatabi na sa'kin si Palito 3," depensa ni Palito 2.

Hindi malaman ng imbentor ang gagawin.
"Ihihiwalay ko na lang kayo kay Palito 2 para hindi na kayo mag-away."
Pumayag naman ang dalawang palito kaya mag-isa na lang si Palito 2.
Isang gabi, umiyak siya ay nagising ang imbentor.
"Bakit ka umiiyak?" tanong niya.
"Malungkot pala kasi ang mag-isa," drama nito. "Ayoko na maging single, gawan mo ko ng ka-match."
Gumawa nga ng isa pang palito si Imbentor kaya lang, ayaw nito tabihan sa box si Palito 2, kaya gumawa pa siya. Pero dahil choosy si Palito 2,gumawa pa siya ng maraming palito.
Kaya kang, habang dumadami ang mga palito, lalong lumaki ang problema ng imbentor.
Yung iba, nagrereklamo kasi walang makasundo, walang magustuhan sa mga kasama. Yung iba, nag-aagawan kaya lalo pa niyang dinamihan ang mga palito.
May napadaan na Amerikano sa pagawaan ng Imbentor.

Tinanong siya ng Amerikano, "What are you doing?"
"Ano... Gumagawa ng palito."
"What?" tanong nito.
Kumuha ng dictionary ang imbentor at sumagot, "Make. Match. Sticks."
"Oooh, match making!" sabi nito.
Tumango ang imbentor. Then, biglang natigilan siya kasi nagwawala na 'yung mga palito sa box na nag-aagawan at walang ka-match. Nainis siya kaya binenta niya sa Amerikano ang mga palito at sinabi dito ang kwento at problema ng mga palito. Tinuruan niya ito kung paano gumawa ng palito.
Then, napatanong ang Amerikano kung bakit siya gumawa ng palito in the first place. Ano daw ba ang nagagawa nito? Lalo siyang napanganga kasi hindi rin niya alam.
Naglabas ng lighter ang Amerikano para manigarilyo pero wala na pala iyong gas. Napatingin siya sa imbentor.

Nagtanong siya kung may lighter ito. Eh, mahirap yung imbentor kaya wala pa. So, nagsabi yung Amerikano na gusto niya magpasama sa imbentor sa tindahan ng mga lighter. Sakto namang sa isa pang box ay nandoon pa rin si Palito 1 at Palito 3 na mag-asawa. Eh,nasa bulsa sila ng imbentor. Pagkatayo ng imbentor, nahulog ang box at naapakan ng Amerikano. Nakalabas na yung 'Kano nung napansin iyon ni Imbentor.
Pagkabukas niya ng box ay putol na si Palito 3.
"Gusto ko na magpakamatay!" drama ni Palito 1. "Putulin mo na din ako!"
Naawa ang imbentor pero dahil ang daming palito na mada-drama, babawasan na niya ang mga ito ng isa. Tutal, itong Palito 1 naman ang ugat ng problema niya sa iba pang palito na hindi niya magawan ng ka-match, puputulin na niya ito bilang ganti.

Papatayin na niya si Palito 1 pero nangibabaw ang awa ng imbentor.
"'Di ko kaya," sabi niya sa nagda-dramang palito.
"Kung gan'un, iuntog mo na lang ako sa pader ng bahay namin," page-emo ng palito.
Pinagbigyan na lang niya ito at nang tumigil na ang pag-iinarte. Inuntog-untog niya ang ulo nito sa gilid ng box na bahay nila kaya lang, ooopps!
Dumulas ang ulo ni Palito 1 kaya kumiskis sa pader at biglang nagliyab!
Siya namang pasok nung Amerikano.
"Wow, so that's the purpose of that!" tapos kinuha niya si Palito 1 para masindihan niya 'yung sigarilyo niya. Inagaw ng imbentor si Palito 1,takot na baka masunog ito kaya inihipan niya ang apoy.
Pero huli na ang lahat.
Patay na si Palito 1.
"At least, patay na siya kasama ng asawang palito niya," sabi ni Imbentor, tapos pinamigay na niya sa 'Kano 'yung other na mga palito.

(Are you having fun? --- tanong na hindi lang sa interlude ng videoke makikita kundi, maging sa kwentong ito)

Happy na umalis ang 'kano kasama ang mga palito. 'Di marunong makipag-usap ang Amerikano sa mga palito kasi nga hindi ito mga English-ero. So, 'di na nalaman pa ang nangyari sa kanila. As far as I know, ginamit si;a nung 'Kano sa pagsindi ng sigarilyo nito, at nung wala na itong pambili ng gasul at naputulan ng kuryente eh, ginamit niya ang mga palito para magsindi ng kandila at makapagluto.
Naubos ang mga palito pero dahil tinuruan siya nung imbentor, gumawa din siya ulit ng mga palito. Kaya lang, 'di niya nagawa 'yung ginawa ng imbentor na klase ng mga palito na nagsasalita sa mga imbentor nila. Sumikat ang mga palito nang makita ito ng katropa nung 'Kano then, dahil maraming tsismosa, ayun, the rest is history. Marami nang kinita siguro 'yung 'Kano dahil sumikat ang palito.
Ano naman ang nangyari doon sa imbentor?

Na-depress 'yung imbentor. Wala na kasi siyang maka-usap na mga palito. Ayaw naman niya gumawa ulit ng palito kasi baka hanapan siya ng ka-match at mamroblema na naman siya.
Dumating ang pinsan nung imbentor na depressed kasi wala daw itong syota.
Naalala niya si Palito 1 sa pinsan niya kaya parang nabuhayan siya.
Sabi niya, "Try ko na tulungan ka."
At dahil 'di naman niya kayang mag-imbento ng tao, naghanap na lang sila ng tao na makakasundo ng pinsan niya.
Nakahanap nga!
Nagkatuluyan sila at kinasal. Maraming nainggit. Pa'no daw sila nagkakilala? Sabi nung pinsan, 'yung imbentor daw ang gumawa ng paraan so, nilapitan nila ang imbentor at tinanong, "Ano'ng ginawa mo at nagkakilala ang pinsan mo at ang asawa niyang maganda?"

Sa totoo lang, 'di rin alam ng imbentor ang tawag sa ginawa niya. Ang ginawa lang naman kasi niya ay parang tulad lang ng paggawa ng mga palito. Naalala din niya 'yung Amerikano at ang pinag-usapan nila noon tungkol sa ginawa niya na tinawag nga nitong, "match making".
"Match making," sagot na lang ng imbentor.
Natuwa sila kasi bago iyon sa pandinig nila. Marami ngayon ang humingi ng tulong sa imbentor na hanapan sila ng ka-match para magka-lovelife sila at magka-asawa.
Sabi niya, "Sige, medyo simple lang naman ang gagawin natin. Hahanapin natin yung ka-palito... este ka-match niyo. 'Yung kasundo niyo."

Kaya, ayun, doon nagsimula ang MATCH MAKING.

TANONG PANGKASANAYAN:
1. Ano sa tingin niyo ang dahilan at nag-imbento ang imbentor ng palito?

2. Nakakapagsalita ba talaga ang mga palito? Patunayan ang iyong hypothesis gamit ang formula ng Z-test, T-Test at Chi Square Test.

3. Ito ba ay alamat talaga ng match making o alamat ng palito? Magbigay ng 50 dahilan kung bakit iyon ang sagot mo.

4. Kahanga-hanga ba ang pag-ibig ni Palito 1 kay Palito 3? Pwede na bang telenobela? Ipaliwanag sa harap ng klase.

5. Sa tingin mo ba, nakahanap ng ka-match si Palito 2? Siya ba ang simbolo ng mga choosy o mga taong single lang talaga?

6. Makatarungan ba na ang Amerikano lang ang kumita sa mga palito na original invention ng imbentor nagturo sa kanya kung pa'no 'to gawin? Gumawa ng slogan ng iyong sagot at ipasa sa guro.

Comments & Reviews (4)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended