firefly #1: Make his life miserable

743 15 3
                                    

“Goodmorning Doc!” bati sa akin ng mga nurses sa lobby. Maaga pa lang ay excited na akong pumasok sa hospital kung saan ako nag-iintern knowing that this is my 3rd week to report in this respective hospital.

“ Goodmorning.” Bati ko rin sakanila. Nilagay ko ang stethoscope ko sa may bandang leeg ko at ngumiti na rin sa mga nakakasalubong kong mga pasyente. Ang ganda ko talaga! Oh ayan, maiinggit kang engrata ka. Tinaasan ko ng kilay ang mayabang kong kaklase dati na si Tina. Sorry ka, hindi ka pumasa sa board exam kaya magtanda ka diyan. Mauuna akong magiging intern sayo.

Tumingin ako sa relo ko. kailangan ko pang magrounds pero bago yun pupunta muna ako sa ER para icheck kung may mga pasyente.

“ Doc!” salubong sa akin ng nagmamadaling nurse and if I’m not mistaken this is Jenicka.

“ Yes jen?”

“ Doc kasi po may emergency.” Natatarantang sabi nito sabay bigay sa akin ng lab gown ko.“ dalian po natin doc.” Dali-dali ko namang isinuot ang labgown ko.

“ Teka? Nasaan sila Doc. Garcia?” tanong ko sa kabila ng pagmamadali kong pumunta sa ER. “ wala bang doctor on duty sa ER?”

“ kasi po doc, nasa meeting po ang mga doctors at kayo lang po ng mga kasamahan mo ang naiwan kaso ang iba mong kasama ay busy rin sa ibang pasyente.” Tumango lang ako. Pagdating naman namin sa ER ay hinawi ko ang kurtina at tumambad sa akin ang isang lalaking namimilipit sa sakit at panay hawak sa tagiliran niya

“ What’s the name of the patient?”

“ David Matthew Del Olmo doc.”

“ Anong daw ang nangyari?” sabay tingin ko sa lalaking kanina pa yata nagpipigil na hindi sumigaw sa sakit. “ Check the vital signs..”

“ Doc 110/90.”

“Sir, saan po ang masakit?” sabay hawak ko sa tagiliran niya.

Del Olmo Series # 01: Tanya's FireflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon