Chapter 74: Balisong

530 7 0
                                    

Chapter 74: Balisong


"W – w..."


"...'w – waaagggg!!!!"


Bigla akong nagising. B – bakit ako nakarinig ng.. Panaginip nanaman yata... Ugh, sobrang sakit ng ulo ko. Hindi ko gaanong madilat ang mga mata ko dahil sa sakit ng ulo.


Hahawakan ko dapat ang ulo ko pero napansin kong.


Nakatali ang mga kamay ko.


Napadilat ako dahil sa hindi ko magalaw ang mga kamay ko.


Nakita kong nakatali ito sa bandang likuran ko, sa upuang kinauupuan ko.


Dahan-dahan akong lumingon sa paligid, napuno ng dilim ang paningin ko. Inikot ko ang paningin ko magmula sa taas hanggang sa abot ng makakaya ko. Wala akong makitang kahit na ano. Tanging alam ko lang ay... wala ako sa ligtas na lugar.


"N – nasaan ako??"


"W – wala akong matandaan..."


Paulit-ulit na pagbulong sa isipan ko. Wala akong matandaan kung bakit ako narito at kung nasaan ako. Pilit kong ginagalaw ang mga kamay ko para makakawala sa pagkakatali pero sadyang nanghihina ako dahil sa sakit ng ulo ko.


Biglang pumasok sa isipan ko ang nangyari. Naaalala ko na may dalawang lalakeng nagsakay sa akin sa van at nilagyan ako ng panyo sa bibig, kaya ako nawalan ng malay.


Naalala ko rin na.


"T –teka!!!! Nasaan si Marion???" bulong ko sa sarili..


Pilit kong hinahanap siya sa gitna ng kadiliman. Pinapakiramdaman ang presensya niya ngunit wala. Napakatahimik sa lugar. Nakakabingi ang katahimikan. Kinakabahan ako.


"U – ugh.."


May narinig akong nagsalita at humihinga. Hindi siya gaanong kalayo sa kinauupuan ko.


"M – marion, ikaw ba 'yan?" pagbulong ko sa hangin..


"S – sino 'yan?" mahinang sabi nito..


"S – si Monday 'to.. Okay ka lang ba?"


"M – Monday? N – nasaan ba tayo? S – sobrang sakit ng ulo ko.."


"H – hindi ko rin alam, Marion... Wala akong ideya kung nasaan tayo."


"..ang tanging alam ko lang ay, wala tayo sa ligtas na lugar." patuloy ko..

One Hundred Days (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon