Chapter 2

134K 1.5K 50
                                    

"Crying is all right in its way while it lasts. But you have to stop sooner or later, and then you still have to decide what to do." ― C.S. Lewis


Umaga na naman at ipinaghain ko siya ng kakainin niya but sad to say, hindi na naman siya kumain. Uminom lang siya ng tubig at paakyat na ng hagdan ng mapahawak ako sa bibig ko dahil nakaramdam ako ng pagsusuka, agad naman akong tumakbo papunta sa lababo, nakita ko pa siyang medyo nataranta at akala ko tutulungan ako pero hindi. Umaakyat siya at hinayaan ako.

After kong kumain ng umagahan ay nagmadali akong mag-ayos dahil umaasa akong isasabay niya ako papuntang eskwelahan. Pero hindi ko na siya naabutan, iniwan na naman ako.

Dapat na ata akong masanay. Kaya ko 'to.

Pagpasok ko palang ng makasalubong ko ang natatangi kong kaibigan.

"Friend, kumusta ka na ? Namumutla ka ah." Sabi pa nito sa akin.

"Okay lang 'yan. Normal yan kasi, you know" bulong ko ng huling part.

"Maglagay ka nga ng liptint nang magkakulay ka manlang." Asar na sabi nito saka inabot ang liptint niyang pula. Ganyan talaga yan, masyadong maaalahanin sa akin.

Naglakad na kami papasok ng classroom namin dahil magta-time na for our first subject.

Pagpasok ko palang nakita ko na siyang nakaupo sa gilid at napapaligiran ng mga babae. Kilala siya sa school naming as Hearthrob, ideal boy ng karamihan, kasama ako.

Napasulyap pa siya sa akin habang nagtatawanan siya ng mga barkada at mga kaklase naming babae saka ngumisi, ako naman napayuko nalang. Walang ibang may alam sa kasal naming kundi kami at itong nag-iisang kaibigan ko, si Jessa.

Lunch break at pumunta kami ni Jessa sa canteen at mukhang umaatake na naman ang pagiging matakaw ko kaya kumuha ako at nag-order ng pagkain and medyo naparami pa nga ata. Kumukha ako ng 1 slice of cake, 1 chicken and 2 rice , 1 round of pizza, 1 pint of ice cream at dalawang tubig. Para lamang sa akin. Natatawa pa nga sa akin si Jessa nang Makita niya ang mga order ko. Takaw ko raw.

Pagkaupo palang naming ni Jessa ay agad kong inalis sa tray ang mga pagkain ko. Sa sobrang takam ko na sa order ko, feeling ko any minute tutulo nalang ang laway ko.

"Hinay hinay kumain ahh..." paalala niya pa sa akin.

Nang kakagat na sana ako sa pizza ay narinig ko pang nagbubulungan ng katabi naming mesa.

"Yuck, too much carbs. Hindi ata uso diet sa kanya. Ang takaw masyado... ewww. Tho I don't care, siya naman 'tong tataba at lolobo." nag-iinarte pang sabi nito.

Napalingon naman ako sa kanya at nakita ko pa siyang nangisi sa akin na tila nang-aasar. Hindi ko alam pero parang bigla akong nahiya at naging sensitive.Kaya tumayo ako at iniwan ang pagkain na dapat ay kakainin ko. Nakakapanghinayang man pero parang umatake ang sensitivity ko sa mga ganung bagay at naramdaman ko nalang na umiiyak na pala ako habang naglalakad palabas. Naririnig ko pang tinatawag ako ni Jessa pero hindi na ako lumingon pa. I don't know pero bigla nalang dumilim ang paningin ko at hindi ko na alam ang nangyari.

Nagising ako nasa clinic na ako at si Jessa ang katabi ko at may kasama siya. Nag-uusap sila.

"Jess.." tawag ko sa kanya.

Agad naman siyang lumingon sa akin at kita ko ang labis niyang pag-aalala.

"My goodness Krisha, pinag-aalala mo ako. Oh kainin mo muna ito mukhang nahilo ka sa gutom. Naku ! Ikaw talaga..." sermon niya sa akin. Saka nihila ang kasama.

"Bes hehe...si Mark nga pala, boyfriend ko. Buti nalang at naabutan ka nitong bago ka bumagsak kundi nabagok ka na.." pananakot niya pa sa akin.

Actually ime-meet talaga naming ang boyfriend niya sa canteen kanina kaso nagwalk-out ako. Tinignan ko naman ito at agad naman siyang naglahad ng kamay niya.

"Hello Krisna, Mark nga pala." Pakilala niya sa akin. Ngumiti naman ako saka tinanggap ang kamay niya at nakipaghandshake.

"Salamat nga pala at ingatan mo 'tong kaibigan ko ah ! Kung hindi ako makakalaban mo." Parang nanghahamon ko namang sabi dito saka tumawa.

Mukhang natakot naman ito pero nagtawanan naman kami kalaunan.

"Bes, wag mong masyadong takutin baka iwan ako agad." Natatawang saway sa akin ni Jessa.

"No babe, never." Sagot naman ng boyfriend nito na ikinapula ni Jessa.

"Landi." Sagot ko nalang saka tumawa.

Pinalabas rin naman ako kaagad ng nurse ng university namin. Buti nalang nga at wala ng masyadong check-up ang ginawa, sinabihan lang ako na magpahinga at wag magpapalipas ng gutom.

Uwian na at susubukan ko sanang sumabay kay Jeremy pauwi pero pagcheck ko ng kotse niya sa garahe ng university, wala na. Nauna na ata siya kaya nagcommute nalang ako ulit.

Paghinto ng tricycle sa labas ng subdivision namin at naglakad nalang ako papasok papunta sa bahay namin. Tig-isa kami ng susi ni Jeremy para kung sakaling mauna siya ay mabubuksan niya pa rin o kahit ako ang mauna.

Pagtapat ko ng bahay namin ay nakita ko 'yung kotse niya at agad naman akong napangiti.

Umuwi siya kaagad. Nakangiti ko pang bulong.

Agad naman akong pumasok ng bahay namin pero hindi ko inaasahan ang maabutan ko.

Si Jeremy, may kahalikan.

Seryoso ba 'to? Unang araw ng kasal namin at heto siya, sinasaktan ang puso ko.

I don't know pero napaluha ako, pero agad ko rin naman itong pinunasan.

Kaya ko 'to.

"Ahh. Sorry sa istorbo, sige ituloy niyo lang.." kunwareng gulat kong sabi at agad rin pumunta sa kwarto ko.

Yes kwarto ko, ayaw niya akong makasama sa isang kwarto at katabi sa higaan.

Napahawak ako sa sinapupunan ko.

Ganitong buhay ba ang gusto ko para sa magiging anak ko ?

Hindi pa man siya lumalabas pero parang wala nang pag-asa para mabuo kami, baka lumaki siya sa pamilyang walang pagmamahalan.

Napaiyak nalang ako nang maisip na ayaw kong bigyan ang anak ko ng malungkot at walang pagmamahal na pamilya tulad ng kinalakihan ko.

Nasasaktan ako, he's treating me na parang hindi ako nage-exist.

...na para akong hangin.

Isang araw palang pero ang sakit na, ano nalang sa susunod...

Kayanin mo, Krisha. Kaya mo 'yan.

Unwanted MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon