[4] Non-sense Jealousy

841K 16.5K 8K
  • Dedicated kay Tristan Kurt Lee
                                    

[4] NON-SENSE JEALOUSY

 

GAIL'S POV

 

Inalalayan na ako ni Kurt paalis ng boat. Agad niya akong kiniss sa left cheek ko at sandaling niyakap, "Hi, Kurt. Kanina pa kayo ni Dustin?"

He pulled away and smiled a little, "KANINA PA."

Parang may diin naman yung 'kanina pa' niya. 

"Kurt, hindi yan kumain si buntis kanina." Sumbong ni Chloe kaya tinaasan ko siya ng kilay. Grabe naman, taga-report ba ito ni Kurt? 

Tinignan naman ako ng masama ni Kurt kaya nag-pout ako, "Eh kasi busog pa ako eh tsaka nag-usap kami ni Yam.—I mean, si Nathan. Diba Nate?"

"Ahh ehh--- Matigas kasi yung ulo niyang fiancé' mo Kurt. Hinila ako bigla kung saan, hahaha." Sagot naman ni Nathan na pakamot-kamot sa ulo niya.

Through my peripheral vision, I saw Kurt giving me his deathly glare. Waaaaaaaahhhhhh! Bakit?! Masama ba yun?!? "Tss.."

"Master, pakainin mo nalang si Princess. Mabuti pa," Cold na sabi ni Dustin sabay akbay kay Chloe.

Agad naman akong hinawakan ni Kurt sa kamay at hinila palayo sa kanila. At eto tinutungo na namin ang picnic section, "Baby love, kakain ako basta wag lang gulay. Ayoko na talaga ng gulay, Kurt!"

Hindi niya ako sinagot. Hmp, sungit! Daig pa ako sa mood swings. Pinaupo niya lang ako sa cemented na seat, bench style. Di ko maexplain basta may cemented circular na table. Wala naman masyadong tao ngayon kasi siguro dahil week day.

Tapos umupo siya sa tabi ko at inakbayan. "Hoy, Kurt. Anong gagawin natin dito?" Nagtatakang tanong ko.

"We're gonna eat here." Emotionless niyang sabi sabay labas ng phone niya at pumindot. Titignan ko sana kaso wag nalang, privacy yun eh. I'm such a nice fiancé' hahaha. 

"Saan ang kakainin natin?" Tanong ko ulit pero dedma na naman. Maya-maya pa ay tumayo siya at naglakad palayo. May phone call ata. Grabe naman yun, pwede naman na dito sa tabi ko. Masyado bang confidential yun? 

Hindi kaya may mistress si Kurt?!

NO! Loyal kaya yan sa akin. Hihihi. 

Pagkalipas ng humigit kumulang na isang minuto ay bumalik na siya sa tabi ko at inakbayan na naman ako ulit. Nakaka-bored naman. Hindi man lang nagsasalita. 

"Ayos ka lang, Kurt?"

"Hmm.." He nodded.

"Eh bakit ang tahimik mo?"

"Nothing..."

Kaloka! Ang tahimik.

Mag-iisip ako ng topic.

"Kurt, alam mo ba ang cute ng mga monkeys." 

"Oh tapos?" 

"Tapos nag-take ako ng pictures nila."

"Oh tapos?"

"Tapos ang cute nila. Ang sarap yakapin!!! Eeeeehhhhh!"

"Oh tapos?" 

"Tapos—Tapos na." Bakit ganito si Kurt?! 

"Edi manahimik ka na tapos na pala eh." 

*pinch sa braso*

"ARAY!!!" 

Eeeeeeeeeehhhhh! Kakapanggigil! "Eh bakit ka ganyan??! Anong problema mo Kurt?!" Sabi ko sabay alis ng braso niya na nakaakbay sa akin. Ang saya na ng araw, ginugulo niya pa.

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon