Chapter 5 The Initiation

124 1 3
                                    

Pareng yuniz, my ever supportive super friendster-kahit-uso-na-ang-facebook.. I dedicate this chapter to you kasi  you sang this song (Moves like Jagger) over the phone. thanks pare!

Soundtrack for this Chapter: Girls and Boys by Blur (click multimedia to listen)

And it goes like this..

Kick me to the bone and I sho you…

Kiss me ‘till you’re gone and l no you…

You want dat moves like Jagger….

I no da moves like Jagger…..

I no da mooooooovvvves like Jagger….

 Walang tumamang lyrics sa kanta ni Kuya Tony. Ang nagtitinda ng ulam sa cafeteria. Gumawa ng sariling lyrics si Kuya at tinalo pa ang gumawa ng kanta na si Adam Levine. Kung makakanta naman parang sariling concert at feeling siya ang vocalist ng Maroon 5.

Pagkatapos kung uminom sa drinking fountain, nakita ng mga mata ko si Portia na padabog kung makalakad papunta kay Jaymee sa table. Nagtago ako sa gilid para makinig sa kanilang usapan.

“Jaymee, sorry ah kung sasabihin ko sayo ‘toh, pero yang pinsan mo, masyadong epal. Saksakan ng yabang! Kala mo kung sino! Sarap tadyakan ang pagmumukha!” sumbong ni Portia kay Jaymee.

Subukan niyang tadyakan itong pagmumukha ko, pumapatol ako sa babae!

“Bakit? Anyare?” tanong ni Jaymee.

“Nakakabadtrip! Kahapon! Naku! Kahapon!” galit na galit niyang sinigaw. “Lait-laitin ba naman ako! May putok daw ako!”

Tumawa ng malakas si Jaymee.

Lumapit ako sa kanilang dalawa.

“Feeling ko ako ang pinag-uusapan niyo!” sabi ko sa kanila at umupo sa tabi ni Jaymee.

“Anong sinasabi mo kay Portia?” tanong ni Jaymee.

“Bakit? Nagsumbong sayo? Kala mo naman natatakot ako kay Jaymee?! Alam mo ba mahal kong pinsan sa sobrang concern ko sayo dinalhan kita ng hand sanitizer at saka ng alcohol na nakakapatay ng 99.9% bacteria. Kasi baka ma-dengue ka. Kasi feeling ko ah, maraming pakalat-kalat na bacteria dyan sa tabi tabi. Naku! Mahirap ng magkasakit!”

“Alam mo ba Jaymee, sobrang lakas pala ng hangin dito banda, alam mo, dapat ma-trace ng PAGASA kung magkakaroon ng ipu-ipo dito sa school natin kasi ang lakas talaga ng impact eh!”

“Jaymee, wag ka ngang makipagkaibigan sa kung sino sino lang baka kasi kung mapano ka. Tulad ng katabi mong babae, alam mo bang mabaho yan, ang dugyot-dugyot niyan! Sige ka baka matulad ka sa kanya, pumanget ka.”

“Pwede ba Conrad!” sabi ni Jaymee.

“Jaymee, hayaan mo si Conrad magsalita. Hindi yata nabibigyan ng pagkakataon yan magsalita eh at saka wala namang nakikinig sa kanya kawawa naman, sige moment mo ngayon! Ano pang sasabihin mo? Go! Makikinig kami para may makinig naman sayo.”

Nadale ako dun ah!

Suminghot-singhot ako at kunyare nakaamoy ng mabaho.

“Wala ka bang naamoy Jaymee, ang baho talaga dito. Tingnan mo may langaw pa!”

“Naku, Jaymee, mayabang na ang pinsan mo, gumagawa-gawa pa ng kwento na kesyo mabaho daw, eh wala naman akong naaamoy. Siguro may sira ang ilong niyang katabi mo.”

Ngumingiti si Jaymee.

“Alam mo ba Jaymee, wag kang lalapit sa mga panget at saka sa mga may putok, alam mo ba na ang body odor, nakakahawa yan, ang kapangitan, nakakahawa din yan. Patingin nga ng mukha mo?” hinawakan ko ang mukha ni Jaymee at dali-dali niya namang inalis ang kamay ko. “Naku po! Pumapanget ka na, may malaki kang pimples, simula na yan! Parang lumalaki ang butas ng ilong mo oh. Sabi ko kasi sayo, wag kang maglalalapit sa Portia na yan. Bakit kasi pumayag ang Dean na ma-enrol yang Portia na yan dito baka pumanget at bumaho lahat ng tao dito! Tsk..tsk..tsk…dapat ma-kick out na yang Portia na yan eh.”

How to be your Boyfriend vol. 1&2 (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon