Rights

228K 3.5K 368
                                    

Helga's POV

"Good morning Mommy." masayang bungad sa akin ng kambal na kasalukuyang nagkukusot na kanya-kanyang mga mata. Nagpalit muna ako at nag-ayos ng sarili bago ko sila binalikan sa kwarto ni Kier. Nakakahiya na mukha akong grasa sa tatlong pogi na kasama ko sa casitas.

Napangiti ako. Linapitan ko sila at tsaka inayos ang kama ni Kier.

"Good Morning sa mga cute kong babies."

Sumimangot si Juancho.

"Mommy sabi ni Tito Hunter dapat daw hindi kami papayag na tawagin na cute kasi thats only for kids."nakalabing sabi niya.

Napatawa ako. Kung ano-ano talaga tinuturo ng mga tito ng kambal.

"Okay...okay. Hindi na cute,gwapo na lang." nangingiting sabi ko.

Ngumisi sila pareho.

Nawala ang ngiti ko. Ang mga ngising katulad nila ay parang pamilyar sa akin. Nakita ko na sila na ngumisi noon pero hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin.

It cant be.

Bakit ko pa ba siya naiisip?

Dahil siguro sa sinabi sa akin ni Rita kanina.

Visit him.

I wanted to pero naduduwag ako. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap ang mga nangyari.

"Mommy why do you look so sad?" tanong ni joaquin.

Pilit akong ngumiti. Niyakap ko ito na para bang mawawala ang lahat ng masasakit na pangyayari sa buhay kong ayoko nang balikan.

Kaya gustong-gusto ko ang mga bata. Sila ang dahilan kung bakit ako iniwan pero sila rin ang dahilan kung bakit ako nakakangiti at patuloy na nabubuhay.  Nang tanggapin ko ang trabaho na ito, natakot ako. Ngunit sa bawat yakap nila tuwing natatakot sila sa gabi. Sa tuwing napapasaya nila kahit kaunting halik lang sa pisngi. Sa tuwing nagpapasalamat sila sa pag-alalaga ko sa kanila.

Napawi niyon ang lahat ng sakit.

They remind me that life is about pushing through fears, about laughing, and about finding the joy of life.

"Thank you for reminding me." bulong ko sa kanilang dalawa. Tumingin silang dalwa sa akin.

"For what mommy?" takang tanong ni Juancho na nakaupo lang sa tabi Joaquin.

Ngumiti lang ako. AT ginulo-gulo ang buhok nilang dalawa.

"Well, guess what? Daddy cooked for breakfast!" masayang sabi ko.

Tumayo si Juancho at patakbong tinungo ang banyo ni Kier. Naiihi siguro.

"Really? Then that would be his first time cooking for us." sabi ni Joaquin na siyang naiwan sa tabi ko. Pianglalaruan nito ang daliri.

"Why is that?"

"kasi he is always busy with work. We always eat with nanny Anna. And we have our own cook too." sagot ni Joaquin. "I wish daddy wont work anymore." malungkot na sabi nito.

Inakbayan ko ito.

"Siyempre daddy needs to work for the two of you to have a good future. Hindi ba?"

He hugged me. "I know. Pero kasi wala siya kapag family day sa school. Tinutukso tuloy ako ng classmate ko na si Mason, na yung driver namin ang daddy ko."

"Bakit naman niya napagkamalang driver niyo ang daddy mo?"

"Kasi siya ang pumalit kay Daddy nung hindi siya nakadalo sa family day."

Romancing the NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon