Previous Page of 6Next Page

His Personal Wife - Book 2.

spinner.gif

 

 

A big thanks to everyone who's been supporting me since the rough start of His Personal Slave. To KathNiel, for being such an inspiration. And to GOD, who's been there for me alongside this journey.

 

Bakit kaya sila nakaputi sa gif sa gilid 'no... =))) Hahaha. Pakinggan po ang background music on the right side para mas mafeel niyo. Here it is guys, #HPWTheFinale... 

 

--------------------------------

 

 

 

EPILOGUE - PROLOGUE.

...A YEAR LATER.

 

 

"Ma'am, itutuloy niyo pa po ba ang meeting niyo with the new investor?"

 

 

I smiled at my secretary and nodded. "Yes, around 3PM right?"

 

 

"Yes ma'am. How about your meeting with Sir De Guzman concerning the stock funds of the company last September?"

 

 

"Cancel it."

 

 

"How about--"

 

 

"Cancel everything after the said meeting with the new investor, Ms. Larena."

 

 

"O-okay ma'am."

 

 

"Good."

 

 

Nginitian ko na lang siya to assure her na di ako galit.

 

 

I'm just... tired.

 

 

Pagkalabas niya, napapikit na lang ako at siniksik lalo ang sarili ko sa swivel chair ng office ko.

 

 

*bzzt bzzt*

 

 

Sheesh, sino na naman ba 'to.

 

 

Kinuha ko yung phone ko sa desk at sinagot ito.

 

 

"Hello?"

 

 

"Hi ma'am, what do you want for lu--"

 

 

"I'm not hungry, Ms. Salamat. Thank you for your concern."

 

 

"But ma'a--"

 

 

*toot toot toot*

 

 

I sighed.

 

 

Ano bang tingin nila sakin? Bata? Alagain?

 

 

I'm 21. 21 years old. At CEO ako ng Santiago Realty Inc. Oo, CEO ako. E bakit parang tinatrato nila ako na akala mo nawalan ako ng taong importante sakin?

 

 

Huminga ako ng malalim. Inhale, exhale. Inhale, exhale. Inhale, exhale. Magiging okay ako. Okay naman talaga ako.

 

 

Kaya mo yan Kath. Kaya mo yan. Kaya mo yan.

 

 

Napahawak ako sa puso ko at napapikit. Okay ako... Okay ako... Okay ako...

 

 

Bumuntong-hininga ako.

 

 

Kahit anong pilit kong kumbinsihin ang sarili ko na maayos na ko. Hindi e. Wala talaga.

 

 

Hindi ako okay.

 

 

Dumilat ako at napatingin sa calendar na nasa table ko.

 

 

October 2013.

 

 

I sighed.

 

 

 

 

 

 

 

 

It's been a year, Daniel.

 

 

Di mo na natupad yung pangako mo sakin.

 

 

Sabi nila, kapag nagmahal ka, ibibigay mo ang lahat para sa taong yun. Magsasakripisyo ka. Gagawin mo ang lahat para mapasaya siya. Kahit alam mong masasaktan ka in the process.

 

 

Ganun naman talaga pag nagmahal ka diba? Hindi ka nanghihingi ng kapalit. Basta, mapasaya mo lang ang taong mahal mo, masaya ka na. Basta, maiparamdam mo ang pagmamahal mo sa taong mahal mo, kuntento ka na.

 

 

Ganun nga ang ginawa ni DJ para sakin a year ago.

 

 

Hindi ko talaga inexpect na gagawin niya sakin lahat yun, yung tutuparin niya yung before-I-die list ko. Sure, hindi kumpleto, hindi lahat, pero yung thought na gagawin niya ang lahat matupad niya lang yun?

 

Previous Page of 6Next Page

Comments & Reviews (1422)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

His Personal Wife - Epilogue - Prologue.

Cast

Kathryn Bernardoas Kathryn Santiago
Daniel Padillaas Daniel Montenegro

Who's Reading

Recommended