Previous Page of 3Next Page

KathNiel Oneshots

spinner.gif

5 Piko



"Tara dali kuha ka ng pamato mo!"



"Ay eto sakin, Game, Ma-first first!"



"Hoy napunta sa 'I' yung akin! First ako! Bleeh~!"



"Game."



"Hoy taya ka! Inapakan mo yung pato natin eh! Ako na! Alis nga dyan!"

 

April One, Sunday Afternoon.

 

"Tch, taya ka rin naman eh." sabi ko sabay tawa sa namumulang mukha ni Erin, Ang batang babaeng naging frenemy ko dito sa tapat ng school ng daycare center. Sorry naman kung tambay ako dito! But this is the most relaxing place I have ever been besides home. 

 

"Bahala ka nga dyan, Ate Kath! You're so sunget talaga!" sabi niya at bumalik sa laro nila ng crush niya daw. Pfft. Ang bata bata pa, may nalalaman nang ganyan! Hay, what has this generation become? Definitely, it became crappier.

 

"Whatever." Bumalik ako sa pagbabasa ng Fall of Five habang nakasandal sa isang malaking bato. Dito talaga ako tuwing weekends, Eh sa dito ako nakahanap ng 'peace' eh. Sa bahay kasi, Wala lang, Weird lang talaga ang pamilya ko. 

 

Ang cheerful kasi nila. So energetic that it makes me want to vomit. I guess ako lang talaga sa pamilya namin ang tahimik. I can't read my books when they're around. The noise would crack me up. So, one day I left the house with a book in my hands. I found this place. And after that, every day, after school, I would be here with these kids. 

 

"Hoy." A voice booms. Napatingala ako at nang makita ko kung sino ito, agad akong bumalik sa binabasa ko. Not now.

 

"Are you really going to ignore me, Bernadilla?" He teased. Ugh, this guy!

 

"Tumigil ka nga."

 

He pouted. Parang bata talaga 'to. "Come on! Let's play." 

 

"Laro? Video games?" I asked cheerfully. 'Cause if it is what we're playing, then I'm in! I rock at video games!

 

"Outdoor activity." Nakangisi niyang sagot. Palibhasa, alam niyang hindi ako magaling sa sports. He's Daniel. My playmate. Dito kami nagkakilala one year ago. We both wanted to get away from something temporarily. Ako, gusto kong makatakas sa ingay sa bahay. Basta ang alam ko lang na sinagot niya sa akin noong una kaming nagkakilala at no'ng tinanong ko kung bakit siya nandito, and sinagot niya lang ay gusto niya daw kumawala sa mga taong nananakit sa kanya.

 

"Badminton?" I guessed. Nilagay ko 'yung bookmark ko sa page kung saan ako huminto at nilapag ito sa kung saan. I've been reading this book for two weeks and I am not happy about it. Ang estimated time span ko para magbasa sa isang libro ay ranging from three days to one week. Depende kung gaano kahaba 'yung kwento. Kung gusto ko talaga 'yung plot, mas madali kong matatapos. Pero 'tong I Am Number Four series na favorite ko, hindi ko matapos tapos dahil sa kanya!

 

"No, stupid. Yung parang dating nilalaro ng mga bata."

 

"Tag? Hide and seek? Patintero? Agawan base? Tumbang preso?" Sunod-sunod kong tanong pero hindi man lang siya tumango. He frowned.

 

"Too mainstream, Gusto mong maglaro ng piko?"

 

Napatingin naman ako sa kanya na para bang may pinatay siyang sampung cute na tuta. "Piko? Bakit 'yun?" 

 

"Kasi hindi badminton. Pero seryoso, gumanap ka na ng pamato mo at magdra-drawing na 'ko." Napabuntong hininga na lang ako. Daniel doesn't take no for an answer and I had to find it the hard way when we first met. Ayoko nang pag-usapan pa 'yun.

 

"Marunong ka ba neto? Ha?" Paghahamon ko sakanya. Ngumisi lang sya at sinabing, "Watch me." Nagma-first first kami, Alam nyo naman siguro kung pano diba? So ayun, nauna sya, Lintek nga lang, pabalik na sya agad-agad!

"Kalalaking tao mahilig mag-piko."

"Ay sht! Ikaw kasi eh! Nataya tuloy ako!" Sambit nya, Its my turn na >:)

 

Pero hinde pa ako nakakatatlong hakbang nataya na ko, Naapakan ko kasi yung linya, Buseeet! >__< Matatalo ako ng isang lalaking nagngangalang Daniel John Ford Padilla!

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews (32)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Cast

Kathryn Chandria Bernardoas herself
Daniel John Ford Padillaas himself

Who's Reading

Recommended