20. I felt safe

596 21 5
                                    

Chapter Twenty


Nagbuntong hininga ako. Unti unting bumibigat ang paghinga ko sa bawat segundo.

Kinuyom ko ang palad ko at pinasadahan ng tingin si Mr. Lee.

"So Dad already know?" Tumikhim ako. Alam kong bakas sa boses ko ang dissapointment.


Si Mr. Lee ang kanang kamay ni Dad sa lahat ng bagay. He's been working for our clan in almost a decade. Binata pa lang si Mr. Lee dati ay sa amin na siya nagtratrabaho. He's like a puppet to our Dad. Lahat ng ipagawa sa kanya ay ginagawa niya. And having him here means only one thing.


Dad already know about everything. I know he will going to found out this, but i'm not expecting this soon. He is better than I expected I guess.

"Naghihintay na po ang private plane sa inyo." Mahinahong bigkas ni Mr. Lee. Nakita ko ang simpatya sa mukha niya.


Umiling ako at humalakhak ng mapait.


"Just kill me." Sarkastikong wika ko.

Saglit na nanlaki ang mga mata ni Mr. Lee sa sinabi ko. Nilingon niya ang mga body guards na kasama niya at sa isang iglap lang ay napalibutan na nila ako. Na para bang any minute ay maaari akong tumakbo at takasan sila.


"Kailangan niyo na pong umalis." Ani ni Mr. Lee sa parehong tono.


Lumapit sa akin ang dalawa sa body guards at hinawakan ang magkabilang braso ko. Umigting ang bagang ko at naniningkit ang mga matang tinitigan ko sila. Napaatras ang isa sa kanila at kitang kita sa mukha nito ang takot.

"Get your hands off me." Matigas ma sambit ko. Hinawi ko ang kamay nila at pinagpag ang suot kong polo shirt.

"Mr. Kim." Sabi ni Mr. Lee na may badyang pagbabanta. Ngumisi ako ng hilaw.

"I'll go. No need to drag me there." Sabi ko at nagsimula ng maglakad patungo sa sasakyan without giving him a second look. Nilagpasan ko siya maging ang mga body guards.

Patakbong nagtungo ang dalawa sa kanila sa tabi ko at pinagbuksan ako ng pintuan ng limo.


Tahimik kami buong byahe hanggang sa makarating kung nasaan ang private plane ni Dad. Ito ang plane na ginagamit niya sa tuwing pumupunta siya sa mga business trips. Aniya ay ayaw niyang sumasakay pa sa public plane dahil abala lamang ito sa pagschedule ng flight. He can travel whenever he wants using his private plane anyway.

Tumikhim ako at mabilis na lumabas ng limo pagkarating sa malaking parking space kung saan nakalaan lamang ang private plane. Inisip ko ang lahat ng pwedeng mangyari. May kung anong takot at pangambang naglalaro sa sistema ko ngunit pinilit ko yun iwaksi. I need to be strong. Kung anong mangyari kailangan kong panindigan.


Surely Dad is not pleased about me - being a trainee. And there's a two option na maaari niyang gawin kaya gusto niya ako makita. It's either he wants me out of the country again nor disowned me as his son. But whatever it is, i'm ready. Alam kong mangyayari ito from the start na pinili ko ang ganitong field.


Dad doesn't want music. He thinks that this industry is just for dumb and useless humans. Those people who doesn't have anything to do in their life. For just pleasure and past time, not for living. Dad's passion is for business. He is a very practical man. He wouldn't invest his time for something that couldn't harvest. And we are the definition of the word 'opposite.


"Kailan pa niya nalaman?" Tanong ko kay Mr. Lee habang pinagmamasdan ang mga taong nagmumukhang langgam mula sa himpapawid. Lutang ang isip ko at walang kung ano man akong maisip bukod sa maaaring mangyari.

SNSD House BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon