He

282K 14.5K 5.3K
                                    

He

 

Tandang-tanda ko pa nung una kitang makita.

            Nasa cafeteria ka nun at nakapila. Kasama mo ang kaibigan mo habang kumakain kayo. Na-attract ako agad sa’yo kasi ang ganda mo eh. Lalo na ‘yung ngiti mo. Kaya naman tinuro kita kay Jan at tinanong kung ano ang pangalan mo.

            Tine.

            Ang simple. Katulad mo, simple ka rin. Pero ang lakas-lakas ng dating mo sa akin.

            Umpisa pa lang, gusto ko nang makipagkilala sa’yo. Gusto kitang maging kaibigan. Kaya lang tinamaan ako ng hiya at pagiging torpe. Naisip ko rin, mamaya matakot ka o ma-weirduhan ka sa akin eh pag basta-basta akong lumapit sa’yo at magpakilala.

            Kaya naman hinabaan ko ang pasensya ko. Nakuntento muna ako sa pag tingin sa’yo mula sa malayo.

            Alam mo ba natutuwa ako kada nakikita kita sa cafeteria o nakakasalubong sa daan? May isang time pa nga na naging magkasunod tayo sa pila. Kasama mo nun ang kaibigan mo at busy kayong mag kwentuhan. Samantalang ako, nakatitig lang sa’yo. Pinagmamasdan ko ang mahaba at itim na itim mong buhok. Pati na rin ‘yung way ng pag ngiti mo kada kinakausap mo ang kaibigan mo.

            Ang ganda-ganda mo talaga.

            Natuwa rin ako nung time na pumunta kayo ng kaibigan mo sa basketball game namin. Ginalingan ko talaga. Nagpakitang gilas ako nun. Syempre, ayoko naman mapahiya sa’yo ‘di ba?

            Sana, nabigayan mo ng atensyon ang paglalaro ko nun. Kasi ikaw ang naging inspirasyon ko kung bakit ginalingan ko ang bawat tira ng bolang ginawa ko.

            Nakakatuwa nang malaman kong in-occupy niyo ng kaibigan moa ng locker na katabi ng locker ni Jan. Nandoon ako nung nag-aayos kayo. Nakikipag-usap sa akin si Jan nun pero wala na sa kanya ang atensyon ko kundi nasayo na. Nakatitig ako sa’yo habang busy ka sa pag lagay ng mga libro sa locker.

            Nakakita na ako ng chance nun para kausapin ka. Gusto kong mag alok ng tulong. Kaya lang tinamaan na naman ako ng katorpehan eh. At sa sobrang asar ko sa sarili ko, tumalikod na lang ako at umalis.

            Iniisip ko, bakit ba ako naging ganito?  Yung ibang mga lalaki naman, kahit mga kagawapuhan, kung maka-porma sa mga babae wagas. Samantalang ako, iniisip ko pa lang na mag hi sa’yo, dinadaga na ako sa dibdib.

            Sinubukan ko one time na ngitian ka. Hindi ko alam kung ngumiti ka rin nun kasi umalis na agad ako. Para kasi akong aatakihin sa sobrang kaba eh.

            Ang torpe ko talaga.

            Pero gustong-gusto na talaga kita nun, hindi ko lang alam kung paano ko ipapakita sa’yo. Kaya naman nag paka-playing safe ako. I wrote you a letter. Lahat nang nararamdaman ko para sa’yo, isinulat ko doon. Araw-araw, walang mintis. Hindi nga lang ako nagpapakilala.

            Hindi ko nga lang tinitignan kung nakukuha mo ba ang sulat ko. Natatakot kasi ako sa reaksyon mo. Tsaka mamaya baka nako-kornihan ka sa ginagawa ko. Alam kong masyado nang old school ito, pero pasensya ka na ah? Hindi ko kasi talaga alam kung paano ka i-a-approach.

            Pero wag kang mag alala, nakapag ipon na ako ng lakas ng loob ngayon. Magpapakilala na ako sa’yo.

            Nakita kita sa tapat ng locker niyo. Wala ang kaibigan mo ngayon. Napapikit ako at huminga ng malalim.

            It’s now or never.

            Nilapitan kita pero mukhang hindi mo napansin ang presensya ko kaya napilitan akong mag-salita.

            “H-hi…”

            Napalingon ka sa akin at nakita ko ang bakas ng pagtataka sa iyong mukha kung bakit kita kinakausap.

            “Uhm… Hi,” sabi ko ulit. “I’m James…”

            “I know you,” matipid mong sagot.

            Seryoso kang nakatingin sa akin kaya naman doon pa lang, parang na-drain na lahat ang lakas ng loob na inipon ko.

            Pero dahil nandito na rin naman, wala nang urungan.

            Pumikit ulit ako at huminga ng pagkalalim-lalim. Nang dumilat ako, nagtama agad ang mga mata natin at hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.

            Nasabi ko sa’yo ang lahat.

            “Tine, ako yung nagpapadala ng letter sa’yo. Katulad ng sinabi ko doon sa sulat, gustong-gusto kita. Hindi ko alam kung paano nangyari yun pero gusto kitang maging kaibigan, gusto kong makilala mo ako lalo. Gusto kong pumasok sa mundo mo. Kaya please, give me a chance…”

            Hindi ka agad nagsalita. Iniwas mo ang tingin mo sa akin. That moment, alam kong mare-reject ako.

            Pero alam mo kung ano ang ikinagulat ko?

            Bigla ka na lang humagulgol ng iyak.

            “T-Tine? D-did I say something wrong?”

            “Gusto mo ba talaga a-ako?” you asked me in between your sobs.

            “Oo! Gustong-gusto kita!”

            “As in ako talaga?”

            “Oo! Hindi ako nagkakamali! Alam ko ang nararamdaman ko!”

            “Pero nagkamali ka sa pangalan ko…”

            “H-ha?”

            “My name is not Tine. It’s Raquel. And I like you too.”

End

He & SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon