Season 1 |5|>> #AngProbinsyanoSaBar

151K 2.3K 253
                                    




Kendrick's POV

"Hoy...pare... isa pa ngang Long Island..."

"Sir, tama na po yan. Pang walo na ito sir eh,"

Tinaas ko yung ulo ko mula sa pagkakatungo at tiningnan ng masama yung bartender,

"Hoy! Ba...bakit ka ba nangenge-alam ha?!? Hi...Hindi...mo ba alam kung sino kinakausap mo?!? Bilis! Isa pang Long island!"

Wala na. Sirang sira na talaga tong buhay ko. Ewan ko ba parang mas masaya pa kasama ang alcohol kaysa sa mga tao na kilala ko.

Kanina pa ako ditong tanghali, painom inom, pasayaw sayaw. Pero wala. Para silang mga linta na hindi maalis alis sa isip ko.

Ewan ko kung anong oras na. Siguro gabi na kasi andami nang taong sumasayaw dun sa bandang gitna. Pero ano nga ba pakielam ko sa mga taong iyon? Wala. Nandito lang ako para uminom at lunurin ang sarili ko.

"Hoy! Nasan na yung order ko? Bakit antagal?" sigaw ko dun sa bartender. Kung hindi ako lasing ngayon maawa siguro ako sa taong ito kasi kanina ko pa siya sinisigawan.

"Sir, I'm sorry but I cannot take your order anymore..." nandilim ang paningin ko sa bartender ng sabihin niya 'yun. Bakit siya ba ang magbabayad? Siya ba ang malalasing?!

"Ano ka ba David...pabayaan mo yan, baka katulad ko din yan malas sa buhay."

May narinig akong isang boses ng lalaki sa tabi ko. Siguro lasing din to eh, kung ano ano ang sinasabi.

"Andrew, ano ka ba wag mo na idamay ang ibang tao sa problema mo."

"Wala naman akong ginagawa ah, siya itong mas lasing sa akin..."sabi nung lalaki na Andrew ata yung pangalan. Ayoko na making pa sa usapan nila, sumasakit pa lalo ang ulo ko.

"Bakit ka na naman ba umiinom?" tanong nung bartender sa lalaki.

"Si Danny...at si Cal..."

Hindi ko na pinatapos yung sinasabi nung lalaki. Alam ko na kasunod niyan. Pagtataksil at pagwawalanghiya.

Sabi ko naman sa inyo eh, walang babae ang matino at hindi kaya ang makontento lang sa isang lalaki. Kaya nga walang kwenta magmahal ng tunay eh, kasi gagaguhin ka lang. Ininom ko na yung pang siyam ko na atang shot at nagbayad na dun sa bartender. Hindi ko na din tiningnan yung lalaki paiyak na kasi ata.

Lumabas na ako ng bar dahil masyado ng nakakasulasok dun sa loob. Umupo ako dun sa may sulok malapit sa parking lot. Meron kasing parang bench dun, waiting area ata.

Sabi ko nga ba gabi na eh, ang dilim na ng paligid.

"You know, first time ko nakakita ng isang parang probinsyanong pumasok sa isang mamahaling bar na katulad nito."

Hindi ko pinahalatang nagulat ako, at pinagpatuloy ko lang na tumitig sa kawalan. Dalawang araw na ito nangyayari sa akin ah. Malalasing tapos may lalapit na hindi kilalang babae sa akin.

"Umm...Pwede ba akong makiupo sa tabi mo?" Mahinang sabi ng babae. Hanggang ngayon hindi ko pa din siya tinitingnan kahit kating-kati na ako malaman kung ano ang itsura niya. Para kasi ang ganda ng boses niya.

Medyo matagal din kaming nakaupo doon at walang imikan. Nakatitig lang ako sa gulong ng kotse malapit sa amin. At siya? Ewan ko ba sa babaeng ito parang pinaglalaruan lang yung dress niya.

Kahit lasing ako, himala hindi na ako nahihilo ngayon at medyo diretso pa yung isip ko. Ganito na ba yung nangyayari pag lagi kang umiinom? Nasasanay na ata yung sikmura ko sa alak eh.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon