CHAPTER 4: I JUST HAVE A GREAT TIME????

142 3 3
                                    

CHAPTER 4: I just have a great time?

Ilang araw na ang lumipas. Lagi ko lang kasama si Dustin. Namamasyal. Nagkakape. Nagbibiruan. Naging magkaibigan na kami. Nagiging close 

na rin kami at lalo ng lumalalim yung pagtingin ko sa kanya. Siguro dati nasa 10 % pa lang yung crush ko ngayon, 99.9%. HAHA. Pero sa 

kinatagal-tagal naming magkasama nagtataka ako kung bakit yung awkwardness at pagka-ilang ay nandyan pa rin. Hindi ko pa kayang i-express 

yung sarili ko ng bongga sa harap nya. Ngayon manonood daw kami ng sine. Parang magdedate lang eh. Ayiiee. Kinilig kilig naman ako. Pero 

hindi naman daw yun date since hindi pa naman kami. Siguro simpleng pamasyal lang yun. Pero kahit na, kilig to the bones pa rin ako. Ililibre 

nya raw ako. Ako naman um-oo na lang. Not even once hindi pa ako nakatanggi dito kay Dustin. May power ata tong mangumbinsi ng tao eh. 

Pumunta kami dun sa may sentro. May sinehan rin pala dito di lang kalakihan. Saturday ngayon kaya marami-rami rin ang mga tao. Mostly mga 

couples. Na-awkward naman ako agad kasi para na rin kaming couples eh. kaso lang HINDI.  >.<

"Ano bang gusto mong panuorin?" tanong nya sa akin

"a-ahh. Ikaw na pumili." Gusto ko sana yung despecable me kaso lang pambata. Sure ako di yan ang mga type na movies ni Dustin kasi kahit 

pala ngiti siya at makulit minsan may pagkaserious type rin kasi sya. Since sya ang pumili, yung battleship raw ang panunuorin namin. Hindi 

naman ako mahilig sa mga action film movie pero since ito ang pinili ni Dustin, gora na lang rin ako. Pumasok na kami dun sa loob ng mini 

theater. Ang dami rin palang tao. Nagsimula na yung pelikula. At first di ko maintindihan, masyado kasing makitid yung utak ko para sa ganito 

klaseng mga pelikula pero habang tumatagal napi-pick up ko na yung gustong iparating ng movie. Si Dustin naman parang enjoy na enjoy. 

Natapos na rin yung movie. half ng brain ko lito pa rin sa pinanood namin.

"Nagustuhan mo ba ang movie?" tanong nya sa akin pagkalabas namin sa sinehan

"ahh.. Hehe. Oo. Ang astig diba." sana di masyadong halata na nagsisinungaling ako. Pumunta na kami dun sa may food court at nag-order ng 

makakain. Itong si Dustin nagpumilit na namang ilibre ako ng lunch. Ano ba yan. Di naman to' date ah para ilibre nya na naman ako ng lunch.

"Wag na. Ano ka ba. Nilibre mo na ako ng sine. Kaya ko namang magbayad para sa sarili ko eh." pagtatanggi ko sa kanya.

"Ikaw naman, Ellie. Nahiya ka pa. Sige na, minsan lang naman ako manlibre eh. Pasalamat na lang yun sa pagsama mo sa akin ngayon." hindi pa 

nga ako naka-agree sa kanya eh umorder na sya. Ano ba tong' lalaking to. Dinala nya na yung mga pagkain namin sa table. Wew. Ang dami ha! 

"ummm. Dustin, mauubos kaya natin to?" tanong ko sa kanya.

"Syempre naman." nagsmile lang sya sa akin at pinaglalagpag na yung mga pagkain sa harap ko. Ano akala nya sa akin vavoy?! Kahit loves na 

loves ko ang pagkain di ko naman kaya tong' ubusin noh. Nagulat na lang akong yung nakita ko yung favorite ice cream ko

"I ordered your favorite ice cream. Atsaka titikman ko sya this time." nagsmile sya tapos tinikman yung ice cream. "Hmmm. Ang sarap pala. At 

THE SUMMER I TURNED PRETTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon