Wizard's Tale 2: Chapter 7

157K 3.7K 711
                                    


(Alyanna POV)


One week na ang nakakalipas noong sinimulan namin ang pag-aaral ko. Isa sa mga guro ko ay si Geminus. Nagsimula kami sa history ng White Light Clan at sa linggong ito naman, tungkol na sa mga traditional ceremonies ang pag-aaralan namin.

Medyo napaaga ang pagdating ko ngayon sa klase ngunit pagpasok ko sa silid, naabutan ko si Geminus na parang may ginagawang kakaibang magic. May itim na usok na namumuo sa kanyang palad. Parang may kinakausap siya pero hindi ko sigurado.

Hindi pa sana niya mapapansin ang pagdating ko kung hindi ko lang nasagi 'yung side table at kamuntikan ko nang mabasag ang vase. Laking gulat ni Geminus nang lingunin niya ako at sa isang iglap ay naglaho ang usok sa kamay niya.

"Magandang umaga, mahal na Prinsesa. Napaaga yata ang pagdating mo sa klase natin ngayon?" Medyo nanginginig ang boses niya at parang kinakabahan, pero pilit pa rin siyang nagkukunwari na parang walang nangyari.

"Excited lang po ako sa pag-aaralan natin ngayon." Yun na lang ang sinabi ko. Hindi na ako nag-usisa pa dahil takot ko lang na masungitan niya ako!

Nagsimula na kami sa lesson namin na tungkol sa traditional ceremonies ng Lux. May mga pinag-aralan kaming iba't ibang seasonal rituals, new moon and full moon ceremonies, puberty rites, eldering, handfasting at marriage rituals or couple binding rituals. Sa lahat ng iyon, sa pinakahuli ako interesado.

Ayon raw sa tradisyon, at the age of forty ikinakasal ang isang Auserwalt Prince. Pero maiiba ang tradisyon na iyon pagdating sa akin dahil ako raw ang kauna-unahang babaeng tagapagmana. At the age of twenty-four, maari na akong magpakasal! Not bad! Wala rin naman akong balak mag-asawa ng maaga.

Kung may isang naging problema lang ako, ang proper Luxurian marriage ay dapat sa pagitan lamang ng isang lalaki at babae na parehong may dugong Lux. Ibig sabihin, Auserwalt, Aersseys, Terrashaw, Glaciever at Flemwall lang ang kabilang doon.

Paano kung wala sa White Light Clan ang gusto kong pakasalan? Parang kumplikado pala pero hindi ko na muna siguro poproblemahin ang tungkol sa bagay na 'yun. Matagal pa naman bago mangyari 'yun.


* * *


Matapos ang klase ko kay Geminus, malaya na uli akong makakapagliwaliw. May mga nakasunod na kawal sa akin at hinahanap ko na si Kerria. Kaso ang nasalubong ko ay walang iba kundi si Brylle.

"Your Highness..." Nag-bow siya sa harap ko at saka inutusan ang mga tagabantay ko. "I'll look after the Princess. Pwede na kayong umalis."

Sinunod naman siya agad ng mga kawal. Ang utos kasi ng Hari, saka lang ako pababantayan sa mga castle guards kapag mag-isa ako o walang kasama na hindi ko pa ganun kakilala.

"Kamusta ang klase mo, Yana?" Wow! Nawala na yung Princess! Yana na lang uli!

Inirapan ko na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Inis pa rin ako sa kanya dahil ayaw niyang ikwento kung paano sila naging close ni Kerria! At itong si Kerria, ayaw na ring magsalita dahil nangako na siya kay Brylle. Hindi sa nagseselos ako dahil ang bait-bait kaya ni Kerria! Si Brylle lang ang problema!

"So wala ka pa ring balak na kausapin ako? Naging Prinsesa ka lang, natitiis mo na ako." Humawak siya sa aking balikat ko at inikot ako para magkaharap kami. "Mag-usap nga tayo!"

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon