Chapter 12 - Nandiyan lang sila

388 9 3
                                    

Dedicated to VejeranoRyanneKaye, hindi ako nakakareply sa comments niya since naguupdate lang ako via mobile. Anw, I really appreciate her comments. :)

Chapter 12 – Nandiyan lang sila

Andrew's POV

"Wala ba talaga siyang nabanggit sayo?"

*tingin kay Jed

"Wala." - Pao

*tingin kay Jed

"Sigurado ka? Eh ikaw? Wala ka bang nasabi manlang?"

*tingin kay Jed

"Wala talaga mga 'tol." - Pao

*tingin kay Jed

"Alam ko na!" Biglang tumayo si Dom.

Tiningnan namin siya kaya umupo din naman siya kaagad.

Inakbayan niya kami at iniyuko, bumulong siya, "Naamin niya na.."

Huminto siya at sumulyap kay Jed habang kami nakatingin lang sa kanya.

"Naamin niya na lahat tapos busted siya. Kaya sinunod niya na yung payo ko.” Hinawakan niya yung ba ba niya at umaktong nagyayabang. “Kakaiba talaga ko.. pati style ko pinatulan na ni Jed.”

*Pluk

“Ampoo—para saan yun?!”

“Lul.” - Pao

“Punyemas.” - Ako

“Panggulo ka master.” >.> James

Titingin sana ulit kami sa dako ni Jed.

"Any problem here?” Jed na nakapamulsa habang nakasandal ang balikat sa pader malapit sa amin.

Nagkatinginan kaming apat. Parepareha kaming halatang gulat sa pagsulpot ni Jed malapit sa amin.

Ngumiti siya at bumuntong hininga. “It’s not what you think.”

Tumingin siya sa dako na pinanggalingan niya at humarap din naman kaagad samin, “Balik na ‘ko dun. Sandali na lang ‘to.”

Bumalik na siya sa pwesto niya kanina kung saan may katabi siyang isang babae.

O___O

“Pao.. may ginawa ba kami ni master?” - James

“Wala tayong ginawa bata.” Pangungunang sagot ni Dom.

Patuloy silang nakatingin sa dako ni Jed.

Tinatagalog kami ni Jed kapag naiirita na siya sa kulitan nina Dom at James.

Eh sa itsura niya ngayon hindi naman siya mukhang naiirita eh.

Naguguluhan ba kayo? Tsk. Sabi ko nga eh. Kung ako naguguluhan, kayo pa kaya? Ganito kasi.. papunta sana kami sa tambayan ni Jed. Pero bago pa man kami makarating dun.. nakita namin siya sa isang vacant room na may kasamang babae na tama lang ang puti, nakatali ang buhok at pagtiningnan mo pa lang, halata nang matangkad. Kung di ako nagkakamali.. kaklase niya ‘to.

Nang sumilip kami, nakita din kami agad ni Jed at pinapasok sa loob. Nandun sila sa may bandang harap, kami naman sa isang sulok sa likod. Malawak yung room kaya hindi namin naririnig yung pinaguusapan nila. Hindi ko alam kung anong sinusulat ni Jed habang nag uusap sila, pero mahahalata mong seryoso siya sa kung ano mang pinaguusapan nila.

Maya maya pa.. narinig namin na nagtatawanan na silang dalawa.

Kaya naman kung anu ano na ang pumasok sa isip namin. ~__~

[Complete] My Girl in BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon