22nd.

169 11 4
                                    

I know. I know.

NAPAKA NG AUTHOR NITO. SAPAKIN NIYO NGA! HAHA. Anyway. Ito na. Grabe hirap magisip ng update lalo kapag tagal mong hindi nabigyan ng atensyon ang storya :(
***

22nd.

30 minutes never felt this long.


Iniwan ako nina Aya and Xander dahil kakain na raw sila ng hapunan. SILA. Wala rin naman akong gana kahit pakainin nila ako. Baka mamaya kung ano pang ihalo.


Wala na ba talaga silang awa? May sayad na rin yata si Aya.

UGH. No time for joking little missy. Kailangan kong umisip ng plano.


Naghahanap ako ng escape route ko nang biglang bumukas ang pinto.


"Dee.. Kain ka na, oh." Pumasok si Xander na may dalang tray ng pagkain. If this happened months ago, mamatay-matay na siguro ako sa kilig.

"Dee. Sorry it had to be this way. Ikaw naman kasi. Dati ko pa sinasabi sa'yo na 'wag ka nang lapit nang lapit dun sa Ivan na 'yun. Hindi mo ba nakikita??" Hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ko siya tinitingnan sa mata. "Ako 'to, oh. Ako yung taong baliw na baliw sa'yo. Ako yung handang gawin lahat, kahit nagiging masama na ako, para lang sa'yo. Bakit ba sa kanya ka pa rin lumalapit? Balik ka na lang sa'kin, please? Masaya naman tayo, 'di ba?" I looked at him and he is in the verge of crying.


"Xander.. Alam kong hindi ikaw 'yan. Alam kong deep inside, si Aya ang laman niyan.." Tinuro ko yung dibdib niya. "Xander, ayusin mo na ang sarili mo.. Hindi pa ra sa akin, pero para sa inyo ni Aya. Hindi ako ang mahal mo. Si Aya. Hindi mo rin ba nakikita? Si Aya yung tao na baliw na baliw sa'yo, at nagagawa na rin kahit ikasasama niya, basta maging masaya ka lang, basta mapabuti ka lang. Sana, maappreciate mo 'yun. Free yourself from me."

Natahimik si Xander. Hindi ko mabasa kung anong emosyon ang nararamdaman niya,  but one thing is evident.



He is in great pain.



"Ayaw ko, Dee. Ayaw ko."

"Xander naman, tulungan mo naman ang sarili mo. Maawa ka, lalo na kay Aya.."

"Bakit ba puro na lang si Aya ang lumalabas diyan sa bibig mo? This is about US! Tayo lang, wala dapat extra! Lalo na 'yang Ivan na 'yan!" Nag-init na naman ang uo ko. Sinusubukan ko siyang intindihin, pero ang hirap.


"Umayos ka nga! Ano, habang buhay ka na lang ganyan?? Habang buhay ka na lang magiging baliw?!" Malakas na bumukas ang pintuan, at isa na namang sampal ang natanggap ko.

"'Wag mo siyang tawaging baliw, you bitch!" Nakikinig pala si Aya sa usapan namin. WOW. Masokista. Maybe it's time to be mean. Sana gumana 'to.

"So ano siya, Aya? Childish? Alam natin pareho na totoo yung sinabi ko! Nababaliw na 'yang boyfriend mo!" Napahawak si Xander sa ulo niya, nakuha niya ang atensyon ni Aya.

"Babe, bakit? Masakit ba? Okay ka lang?" Sobrang nag-aalala si Aya.

"Hindi ako baliw.. Hindi!"

"Shh.. Hindi, hindi ka baliw." Niyakap ni Aya si Xander, umiiyak sila parehas.



And that was my cue.


Tumakbo ako palabas. Luckily, naiwan nilang bukas ang pintuan. Nakalabas na ako ng gate nang mapansin ni Aya na nawala na ako. Hindi ko naman inasahan na mabilis pala siyang tumakbo, nahabol niya ako.


"Akala mo matatakasan mo ako?!"

"Aya naman. Kung gusto mong tulungan si Xander, 'was mo na akong gamitin!!" Bigla naming narinig na sumigaw si Xander.

"Hindi pa tayo tapos." Tumakbo pabalik sa bahay si Aya.


Hindi ko alam kung hahanga ba ako o maaawa sa kanya.


9PM na. Pagod na pagod ako nang makauwi ako. Hindi na rin katanggap-tanggap ang itsura ko. Sa sobrang pagod siguro at stress, nakatulog ako.

***

Naalimpungatan ako nang may marinig akong ingay galing sa kusina. Sht. Nai-lock ko ba ang pintuan?


Tumingin ako sa orasan, 12AM na.

Kinuha ko ang kung ano mang pwede kong ipanghampas bago ako lumabas ng kwarto. Malas ko, walis lang ang nandito.



Tahimik akong nag-lakad, pinapakiramdaman ko ang paligid.


Nang binuksan ko ang ilaw, isang gulat na Ivan ang bumulaga sa akin.


"Ivan? Hatinggabi na a---" Tumakbo na siya papunta sa akin at bigla akong niyakap. Napangiti na lang ako. "Sorry. Pinag-alala ko ba kayo?"


"Hindi mo lang alam, Dyna. Hindi mo lang alam"

"Huy. Umiiyak ka ba?"

"Nakakainis ka." Tingnan mo 'to. Parang chix.


We stayed that way for quite some time.


"Ano, ayos ka lang ba? Hindi ka sinaktan?" Naisip ko bigla kung ilang beses akong nasampal ngayong araw, pero hayaan na.

"Okay lang ako." Nginitian ko siya. Dun lang yata siya nakahinga nang maluwag.


"Yang ex mo, kailangan na 'yan dalhin sa hospital. Seriously."

"Feeling ko nga rin, eh."

"Subukan ka lang niya uling lapitan." Kapag ganun siya kaseryoso, nakakatakot din pala. "Sa amin ka na lang kaya tumira?"

Masyadong seryoso niyang sinabi yun, napatulala ako sa kanya.


"Uuuuuy. Pinag-iisipan. Nyay, gusto rin." Tinutusok tusok pa niya yung tagiliran ko.

"Asa ka! Tara na nga lang manuod ng movie. Nawala na antok ko." Mabilis akong pumunta sa entertainment room, naririnig ko pa siyang tumatawa.


Sht. I blushed. Sigurado ako.

**

I'm the Extra. (MEGA HIATUS)Where stories live. Discover now