CHAPTER 17: Handa nga ba?

63.8K 774 70
                                    

CHAPTER 17

"Handa nga ba?"

"Kailangan ko nang bumalik. Baka kasi hanapin nila ako." Hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak kahit pa ilang beses ko nang sinabing tumahan na siya.

"Ihahatid na kita sainyo."

Magkahawak kami ng kamay habang naglalakad kami pabalik sakanila.

"Aldrin, handa ka bang masaktan?" Huminto siya sa paglalakad kaya naman pati ako ay huminto rin. "Handa ka ba?" Sa tono palang ng boses niya at pati na rin ang tingin niya saakin ay halata ngang seryoso siya sa tanong niya. "Alam mo naman na hindi tayo pwede. Na hindi ako ang pwede mong makatuluyan."

"Ano bang sinasabi mo?"

"Mahal kita, alam mo iyan hindi ba? I'm sorry I broke up with you. I'm sorry Aldrin."

"LENA!" Isang napakalakas at galit na boses ang tumawag sa atensyon naming dalawa "Anong ibig sabihin nito Aldrin?" Tingin ko ay hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon. Ang mommy nina Lena, nandito siya. Shete!

"Ma, let me explain!"

"Aldrin! Are you cheating on my daughter?"

"Tita, hindi naman po. Magpapaliwanag po ako---"

"You can't love Lena, Aldrin!" Nanlalaki ang mga mata niyang sigaw sakin. Leche! Anong gusto niyang gawin ko? Sa una palang hindi ko naman sinabing girlfriend ko si Lady. Sila lang naman ang nag-isip nun.

"Ano po bang problema niyo? SI Lena ang gusto ko. Hindi naman po pwedeng ipilit niyo saakin si Lady." Isang napakalakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko nang sabihin ko iyan sakanya. Nangagalaiti siya ngayon dahil saakin. Dahil saamin.

"Ma!" Lumapit saakin si Lena. "Aldrin, ayos ka lang?"

"Lena umuwi ka na huwag mo na ulit lalapitan ang lalaking ito and I'll pretend na hindi ito nangyari."

"Ma naman! Sawa na ako." Agad niyang pinunasan ang nagbabadya nanaman niyang luha. Pakshet! Kanina pa siya iyak nang iyak. "May sarili akong buhay! Bawal na rin ba akong magmagal? Bakit kayo? You're a shadow of your twin sister too, right? Bakit ang unfair?" Umiiyak siyang tumakbo palayo saamin. Palayo kay tita.

"That's because I'm still living as her." Napatingin ako kay tita Anna. Unti-unting nagbago ang hitsura niya. Mula sa galit ay mas naging maamo na ito.

"I'm sorry po. Pero si Lena po ang mahal ko at hindi si Lady." Hindi ko alam kung anong meron sa paniniwala nilang bawal ang kambal sa pamilya nila. Hindi ko alam kung saan nag-ugat ito pero bawal man o hindi sakanila ay hindi na nila mababago ang nararamdaman ko. Mahal ko pa rin si Lena kahit sabihin pa nilang hindi pwede.

"Sorry." Sinundan ko na si Lena pagkatapos kong humingi ulit ng paumanhin. Hindi ko alam kung paano ba namin malulusutan ang gulong pinasok namin.

Hinanap ko siya hanggang sa napalayo na talaga ako sa bahay nila. Madilim na at marahil ay natatakot na siya. Kung hindi man sa dilim ay sa mga insekto at kung anu-ano pang kinakatakutan niya.

"Lena? Nandito ka ba?" Nasa bakanteng lote na ako pero mukhang wala rin siya rito. "Lena?"

"Al-drin?" Sinisinok na siya dahil sa kaiiyak niya. Nasa likod siya ng puno. "Huwag mo akong titignan." Umupo nalang ako sa kabilang side para talikuran nalang kami. Ayaw niyang mapakita kaya irerespeto ko. "Sorry."

"Huwag kang magsorry. Wala ka namang ginawa." Nakasandal lang ako sa puno at pinagmamasdan ang mangilan-ngilang bitwin. Parang ano mang oras ay uulan. Nakikisabay sa sitwasyon namin ngayon ni Lena.

Picture of You (season 1 and 2) (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon