Hindi Naman Tayo Pero...

185 4 3
                                    

Hindi Naman Tayo Pero...

Hindi naman tayo pero bakit patuloy parin akong nagpapaapekto?

Sa mga sinasabi ng ibang tao na bagay raw tayo

Hindi naman tayo pero patuloy na umaasa yung puso ko

Nawawala na sa aking sarili. Bakit ba ang lakas ng epekto mo?

Hindi naman tayo pero gusto kitang makilala ng aking barkada

Gusto kong maging kaibigan mo rin sila at ituring na kabarkada

Naisip ko kasing sila rin ang ating posibleng makasama

Kung magkakatuluyan man tayong dalawa

Hindi naman tayo pero paano mong nagugulo ang utak ko?

Pag tayo'y di magkasundo, nasasaktan yung puso ko

Isang 'sorry' mo lang naman kahit na kasalanan mo

Tatanggapin ko basta magkaayos lang tayo

Hindi naman tayo pero kinikilig sa tuwing ikaw ay tumitingin

Pasulyap-sulyap, nakaw-tingin, sabay tawag sa'kin

Para-paraan ka rin minsan para lang magpapansin

Tigilan mo na nga't baka ang puso ko'y di na makapagpigil

Hindi naman tayo pero gusto kitang araw-araw makita

Para bang kulang ang buhay kapag ika'y di nakasama

Nakakalungkot, nakaka-miss ang 'yong mga tawa

Walang duda, pag tayo'y magkasama, abot langit ang saya

Hindi naman tayo pero naiinis ako pag di ako ang tinetext mo

Nagagalit kapag hindi naririnig ang tawag mo

Kulang na lang ako ang unang mag-text sa'yo

Ay ewan! nagugulo, nalilito ang utak ko

Hindi naman tayo pero madalas tayong magkasama

Minsan nga napagkakamalan na tayong mag-ama

Este magkasintahan pala, kaya madalas ako'y natutuwa

Kulang na lang sabihin nilang "Kayo na lang kaya?"

Hindi naman tayo pero bakit mo ako inaakbayan?

Sa tuwing uulan na lang, ika'y kasabay sa sakayan

Share sa iisang payong, akalain mo nga naman

Nakaka-da-moves, bigla-bigla na lang

Hindi naman tayo pero bakit kamay ko ay gustong hawakan

Sa tuwing may sleep over sa inyo, di mo ako bibitawan

Kahit ako'y magpumiglas, di mo pinapakawalan

Kinikilig naman ako kaya aking pinababayaan

Hindi naman tayo pero tanggap ko na ang mga problema mo

Lahat ng priority mo, lahat ng issues, kakayanin ko

Sa katuwaan, sa kulitan at sa panahong ika'y seryoso

Basta nandito lang ako sa tabi mo, susuporta sa'yo

Hindi naman tayo pero tanggap ko na kung anong tao ka

Nababasa ko ang ugali mo, kilala mula ulo hanggang paa

Kapag ikaw ay malungkot o di kaya nama'y masaya

Alam ko kung anong ugali ang dapat kong ipakita

Hindi naman tayo pero alam kong kuntento na tayo

Sa kung ano mang tawag sa relasyong ito

Masaya at walang iba pang gusto, 

Di tuloy maalis sa isip ko, "paano nga kaya kung sakaling maging TAYO?"

----

a/n: outburst poem. :)

Ayun, pasensya po sa mga pending. i'm really doing my best to update everything but i really don't have time. I'm into reading kasi muna, i'm trying to find some inspirations to continue writing... fuuu~ don't worry. i will finish every pending story... kailangan ko lang po talaga ng inspiration. hays~ James Reid kasi eh... hihihi~

O sya, thank you so much sa pagbasa. hihi~

Don't forget to vote, comment and be a fan. hihi

Thank you so much again!

Love.Love.

Poem: Hindi Naman Tayo Pero...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon