Chapter Four

98 6 0
                                    

Maling Akala

~•~

"Tol, tawag ako ng tawag sayo kagabi di mo sinasagot."

Sumabay si Dean sa amin. Papunta sana kami ni Jess sa canteen para magmeryenda kaso dumating tong badtrip na to. Kahit na narinig ko yung sinabi niya ay nagpretend lang ako na hindi ko siya naririnig.

"Yen, kinakausap ka oh." sabay akong siniko sa braso ko. 

Hindi ko pinansin yung sinabi ni Jess. Pasensya kung OA yung pag-iinarte ko ngayon. Nagtatampo lang ako sa Dean na to. Naglilihim na sa akin. Pero ito nga ba talaga yung ikinatatampo ko?

"Tol, ako na magdadala ng libro mo." tsaka akmang kukunin yung mga librong dala ko pero iniwas ko sa kanya.

"No, thanks." hindi pa din ako tumitingin sa kanya.

"Anong problema nito?" impit na tanong ni Dean kay Jess.

Si Jess naman, walang isinagot at kita ko sa gilid ng mga mata yung pagkibit ng balikat nya.

"Alam nyo, buti pa, iwan ko muna kayo."

"No! Wag mo kong iwan dito. Magmemeryenda tayo diba?"

"May problema ka ba sa akin?" sabat ni badtrip.

"Jess, let's go."

Hinawakan ko yung kamay ni Jess at hahakbang na sana ako nang hawakan din ni Dean yung kamay ko.

"Mag-usap nga tayo."

"Oo nga, Yen, MAG-USAP muna kayo. Ang gugulo nyong dalawa. Bye!"

Saka ako iniwan ni Jess. Tumakbo sya nang mabilis palayo sa amin. Watda! Maiiwan ako dito kasama ng badtrip na to? I'm not ready yet na makipag-usap sa kanya. Medyo nasasaktan pa kasi ako sa nakita ko kahapon. Ang OA diba?

"May nagawa ba akong ikinagalit mo?"

Obvious ba? Alangan namang magalit ako ng walang dahilan diba? Common sense tsong!

"Halika nga, doon tayo mag-usap."

"Di ba tayo makakapag-usap dito?" seryoso kong tanong.

"Alam mo tol, di bagay sayo mag-inarte. Tsaka tignan mo, nakasimangot ka, ang panget mo."

"Whatever." I make faces.

At walang ano-ano'y bigla niya akong pinangko. Inakupo! Halos lumabas yung puso ko sa dibdib ko nang gawin niya ito. Ano ba naman tong taong to.

"Ano ba?! Ibaba mo ko! Nakakahiyaha!"

Pinipilit kong makababa. Para akong sanggol nito tsaka to tell you, parang may naririnig akong fireworks dito sa puso ko. Grabe yung kalabog. Pakiramdam ko, magkakaheart attack ako ngayon.

"Ibaba mo ko sabi! Papatayin kita pag nakababa ako!"

Ayaw pa rin akong ibaba ng mokong na to. Talagang papatayin ko to eh. Papatayin ko siya ng pag-ibig kong abot hanggang Jupiter.

"Ano ka ba?! Nakakainis ka na!"

And then, thank goodness! Ibinaba niya rin ako sa harap ng isang malaking puno dito sa playground.

"Bat ka galit sa akin?"

Hindi ako galit sayo, nagtatampo lang po TSAKA nagseselos.

Hindi ako kumibo. Pagkakataon ko ng tong magpakipot sandali.

Unlucky I'm In Love With My TolbesprenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon