[80] Fade

633K 11.3K 4.4K
                                    


[80] FADE


GAIL'S POV

'Just Married'

Napangiti ako ng malaki nang makita ang isang puting kotse na may nakasabit na puting telang may nakasulat ang mga katagang 'Just Married' sa compartment nito. Hindi ko alam pero parang may kung anong kumikiliti sa akin sa kilig nang mabasa iyon.

"Dito tayo sasakay?" tanong ko kay Kurt habang inaalalayan niya akong bumaba ng golf course vehicle.

Nakita kong tumango siya sa driver nito bago niya hinawakan muli ang kamay ko. Nasaan nga ba kami? Nilibot ko ang tingin ko, saka ko nakita ang gate sa likod namin. Aaahh, we must be at the back gate of the Villa.

"I think so," sagot ni Kurt at kasabay no'n ay binuksan ng driver ang pinto ng kotse sa backseat. Inalalayan niya akong sumakay doon. Nahirapan pa nga ako dahil sa suot kong wedding gown.

"I should've changed clothes before we headed out." Sumimangot na ako habang pinapanuod si Kurt na buhat-buhat 'yung tail ng gown ko at pabatong ipinapasok niya sa kotse. Syempre, naawa ako. Masakit na nga ang tiyan niya tapos naabala ko pa siya sa gown ko.

Soon as he finally pushed my gown inside the car, he hopped in and signaled the driver to move. Inakbayan niya agad ako at dapat ay isasandal ko ang ulo ko sa braso niya, pero naunahan niya ako. Baligtad nga lang dahil siya ang sumandal sa balikat ko.

"My stomach's fvcking aching," he grumbled in pain as he clung to me.

"Ano ba kasing kinain mo't bakit ganyan nalang ang pananakit, Kurt?"

"Baby love," he corrected so I chuckled playfully. Just like the old times. Baby love... Baby love... Baby love... Hanggang sa pagtanda ba namin tatawagin ang isa't-isa ng ganun?

"Okay, baby love." Pag-uulit ko at iniayos ang ulo niya sa balikat ko. "Anong kinain mo kaninang umaga? Baka may nagpasira sa tiyan mo kaya 'yan sumasakit?" Saka ko siya tinignan habang tumatawa. "O baka may kumulam sa'yo? Naku, baby love. Delikado 'yan."

"Tss. I didn't eat anything for breakfast. Pagkagising ko, naligo agad ako tapos kinidnap na ako ng X9." 'Yung boses niya ay iritado pa tapos bigla siyang natahimik saglit, at saglit na natawa. "If you only knew how they played on me. I thought we were going to your wedding, so I was in my hottest temper earlier. Hindi na nga ako nakapagkape man lang, tapos dadalhin pa nila ako sa kasal mo? Who wouldn't be pissed by that?"

Kumunot 'yung noo ko sa paliwanag niya. Medyo na-gets ko na 'yung pangyayari pero hindi ko malaman kung paano siya nakapunta dito sa Tagaytay at kausap niya pa si Lola. "So, anong nangyari? Tinawagan ka ni Lola Almira?"

"All along I really thought that it was your wedding with Travis. I just wondered why the venue was a little bit cheap because it was held in a chapel. Kung hindi ko pa narinig 'yung pangalan ng bride at groom, hindi ko malalaman na kasal pala 'yun nila---"

I broke into his sentence. "Kent and Sandy? Seryoso?!" Now I get the whole picture. "So, Lola Almira called you like she did to me, didn't she?"

"Yes, and I did not know where the phone come from. Wala naman akong dalang cellphone pero bigla nalang may tumunog sa bulsa ko," he sounded so amused.

"Si Lola talaga. Ganun din sa akin eh. Akala ko talaga matutuloy ang kasal---"

It was his turn to interfere. "Gusto mong matuloy ang kasal niyo?" Annoyed, he lifted his head up to stare at me.

"Syempre ayaw," I grinned.

"But you seem like it."

"I don't. Ano ka ba!"

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon