Chapter 13

299K 3K 387
                                    

Ang nangyare po talaga kay Tita Min ay....nagka-LBM siya. nakakaiyak talaga yun kath! huhuhu. Haha #Baliwlang

--------------------------------------------------------

Chapter 13

  

Daniel’s POV

“Bakit? Anong nangyare kay Tita Min?”

 

“K-kasi daw….ano….si mama!”

Alam kong hindi makapagsalita ng maayos si Kath kasi iyak na siya ng iyak.

Agad-agad akong tumayo at kinuha yung t-shirt niya.

Pinasuot ko yun sa kanya tapos nag-t shirt na rin ako.

“Kath, nasaan daw si Tita?” Yun na lang ang itinanong ko sa kanya.

Alam ko naman kasi na hindi niya maie-explain sakin yung nangyare sa mama niya kapag tinanong ko yun.

“Sa Asian Hospital, sinugod daw sa emergency room eh”

For sure, may nangyare nga na masama kay Tita. “Tara”

Napatingin sakin si Kathryn na parang hindi niya naintindihan yung sinabi ko.

“Baby, puntahan na natin mama mo. Halika na”

Dun lang siya naliwanagan at agad-agad tumayo.

  

*At the hospital*

Tumakbo na kaagad kami ni Kathryn papunta sa emergency room tapos dun namin nakita si Kuya Neil. Mukhang worried na worried nga siya.

“Kuya!!!” Niyakap kaagad ni Kath si Kuya Neil.

Shit. Ayokong nakikita na ganyan si Kathryn.

Kung may pwede lang akong gawin para hindi siya umiyak, ginawa ko na.

“Thanks DJ, buti naihatid mo kaagad dito si kath”

 

“Wala yun Kuya. Si Tita? Kamusta?”

 

“Ayun. Ino-operahan pa…”

May operation? At bakit?

Teka! ANO BA KASING NANGYARE KAY TITA??

Stuck Forever with You (Stuck Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon