SDTR: Kabanata 17

152K 3.3K 260
                                    

SDTR: Kabanata 17

Hindi ko alam pero punong puno nanaman ng hinanakit yung puso ko. Kahit naman saang anggulo tignan pangalawa pa rin ako. At hindi mababago yon.

Nanatili akong nakaupo dito sa labas ng bar, niyakap ko ang dalawang binti ko at tumungo ako. Nahihilo na rin ako dahil sa alak pero hindi ko pinagbigyang pansin iyon. Hindi na rin ako nagpaalam sa mga pinsan ko na lalabas na ako ng bar dahil namamanhid ang buong katawan ko sa loob ng bar.

Hanggang ngayon nag-e-echo pa rin sa tainga ko ang boses ni Briana, ang tanga ko. Ang hina hina ko. Ni hindi ko nagawang magsalita kanina, hinintay ko lang siyang umalis. Pagkatapos lumabas na rin ako ng bar.

Nagtaas ako ng tingin nang marinig kong may humintong kotse sa harapan ko. At halos gusto ng kumawala ng puso ko nang makita ko siya, alalang alala ang mga mata niya. Madali siyang bumaba ng sasakyan niya at nilapitan ako saka hinawakan ang magkabilang braso ko.

"I'm sorry, natagalan yung pagsundo ko sayo. Hinintay ko pa kasing dumating yung Yaya ni Seb, galing kasi sa off. Wala rin sa bahay yung Mommy niya kaya hindi ko maiwanan." Paliwanag niya saakin, tinitigan ko lang siya sa mga mata niya. Kahit anong gawin ko ayaw huminto ng puso ko sa pagmamahal sakanya, para bang tuwing kasama ko siya mas lalong tumitindi yung nararamdaman ko para sakanya, mas lalo kong gustong ipaglaban kahit na maling mali na.

Hinaplos niya ang pisngi ko at kumunot ang noo niya, "What happened? Bakit ganyan ka?" Nag aalalang usisa niya, umiling iling ako. Inayos ko ang buhok ko atsaka tumayo na ako, wala akong balak ipaalam sakanya ang naging pagkikita namin ni Briana. Ayoko nang dagdagan pa ang problema niya.

"W-wala, umuwi na tayo. Nahihilo na rin kasi ako." Pagsisinungaling ko sakanya atsaka sumakay na ako ng kotse niya, buong biyahe hanggang sa makarating kami sa unit niya tahimik lang kaming dalawa. Nararamdaman ko ang mga titig niya saakin pero hindi ako gumagawa ng paraan para magtagpo ang mga mata naming dalawa, dahil alam kong kaunting pagtitig niya lang saakin maiiyak nanaman ako. Hahayaan ko nalang 'tong kirot na nararamdaman ng puso ko, hahayaan ko lang hanggang sa mapalitan ulit ng saya dahil kasama ko siya.

Humiga na rin ako sa kama niya pagkatapos kong mag shower, patalikod akong nahiga at binalot ko ng blanket ang katawan ko. Pero nanigas ako sa pwesto ko nang maramdaman kong niyakap niya ako mula sa likod ko. Mariin kong ipinikit ang mata ko nang maramdaman kong hinalikan niya ang batok ko. Ang bilis bilis ng tibok ng puso niya na para bang nagwawala na ito at hindi mapakali.

Pinagsalikop niya ang kamay naming dalawa habang yakap niya ako sa likod at idinikit niya ang labi niya sa tainga ko. Ramdam na ramdam ko rin yung init ng katawan niya ngayong sobrang lapit namin sa isa't isa. Bakit ganito? Bakit isang yakap niya lang pakiramdam ko ligtas nanaman ako sa patibong ng tadhana.

"Hindi ko alam kung anong nasa isip mo ngayon, pero nararamdaman kong may problema." Bulong niya sa tainga ko sa namamaos na boses, mas lalong humigpit ang yakap niya saakin at humigpit din ang pagkakakapit niya sa kamay ko.

"I'm sorry, kung pinaparamdam ko sayo yung ganitong sakit. Sorry kung hindi ako naging perpekto para sayo." Nanginginig na ang boses niya na para bang pinipigilan nito ang pag iyak.

Humarap ako sakanya at pinagtagpo ko ang mata naming dalawa, pero imbis na magsalita kaming pareho hinila niya ako at niyakap! Nagkulong siya sa balikat ko at halos kurutin ang puso ko nang marinig ko ang paghikbi niya. Hindi ko na rin napigilan ang pagtulo ng luha ko, why do we have to feel this pain? Bakit bawat himulmol ng katauhan ko pakiramdam ko unti unting hinihimay kung iisipin kong hindi ko siya makakasama.

"I'm sorry baby..." Umiiyak na bulong niya, yumakap ako sakanya ng sobrang higpit.

"Ano ka ba Ethan, ilang ulit ko bang sasabihin na hindi mo kailangang humingi ng tawad. Dahil minahal kita sa kung ano ka ngayon." Umiiyak na bulong ko sakanya, namamaos na rin ang boses ko.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon