[79] Farewell

560K 11.3K 3.9K
                                    

[79] FAREWELL


GAIL'S POV

"Can't we just go home now?"

Kanina pa reklamo ng reklamo si Kurt simula nang magstart ang reception namin. Base sa mukha niya, hindi ko malaman kung sadyang bored na siya o hindi lang talaga siya sanay sa ganitong spotlight.

Nakapwesto kami sa harapan ng maraming guests, sa platform kung saan may mahabang dining table na may magarbong arrangement. Everything was so perfect. Well, I still couldn't believe what is happening right now. Ito na siguro ang pinakamalaking sorpresa na nangyari sa buhay ko.

"Crystal, magpaalam na tayo. Tell them that we're leaving," Kurt interrupted my thoughts as he leaned closer to whisper. "Bilis na."

Sumimangot ako. Kahit kailan talaga, napaka-impatient na nilalang niya. "Hintayin nalang natin. Nakakahiya sa mga---"

"What else are we gonna do here? We already freed those darn doves---"

I cut him off, my voice irritated. "Simbolo 'yun ng--"

"It's a symbol of joy," putol niya sa akin sabay straight face niya at tumingin na sa harapan namin. "Fine, sorry. But I think we can go home now since everyone is already eating."

"Saan naman tayo uuwi n'yan?" tanong ko at bumalik na sa pagkain ko. Si Kurt, ayun, nakatingin lang din sa akin. Tila nag-iisip, saka siya uminom sa red wine niya.

"Sa unit ko," and then he stopped, seemed to realizing something in his head. "Sh1t, why did I sell it?"

Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. Oh my, binenta ko na nga 'yung unit ko which is yung katabi ng unit niya, pati ba naman 'yung kanya? "Bakit mo binenta?" asik ko.

"Let's talk about it later," he dismissed and continued eating anyway.

Hindi na ako promotesta pa. In-enjoy ko nalang 'yung ambiance ng function hall. Baby pink at white ang motif ng kasal ko. Just the way I wanted for my wedding. Akala ko ay hindi ko na maririnig 'yung reklamo ni Kurt pero naramdaman kong inilapit niya ang upuan niya sa akin para bumulong.

"We already made those doves kiss each other and freed them afterwards, everyone is eating, they already took us pictures. Baby love, aside from those, what else are we---"

Naputol ang sinasabi niya nang marinig namin ang sabay-sabay na pagpapatunog ng wine glasses nila. And by that, I saw Kurt's frown turned into a sweet smirk.

Tumaas tuloy ang isa kong kilay. Mukhang nawala yata bigla 'yung mga reklamo ni Kurt.


"Did you hear it, Mr. and Mrs. Lee? They're requesting for a kiss," nakangiting sabi ng emcee na kanina pa daldal ng daldal habang kumakain ang lahat. Naku, how could I forget this part? Ayoko pa namang nagkikiss sa harapan ng maraming tao. Kahit nga kanina sa simbahan ay naiilang ako but I had to... we had to.

The guests kept on clinging their glasses with their spoons. 'Yung iba ay naghihiyawan pa. Sumasabay tuloy ang ingay sa kaba ko.

"Kiss! Kiss! Kiss!" They all chanted and before I knew it, Kurt cupped my face as he tilted my head to his. Akala ko ay bibiglain niya ako, pero nakita ko pang napalitan ng isang matamis na ngiti ang ngisi sa labi niya bago niya idinampi ang mga labi niya sa labi ko.

I unconsciously got a hold of his suit as I waited for him to pull away. Pumikit ako. His lips weren't moving yet I could still feel how my heart responded to it crazily.

"Now, there you go. Thanks newly wed for granting our request."

Nagmulat ako ng mga mata nang marinig 'yon mula sa emcee. Nakita ko 'yung ngiti ni Kurt sa akin nang maghiwalay ang mga labi namin. He caressed my left cheek and planted a kiss on forehead. Mas lalo tuloy akong nabingi sa 'squeaks' ng mga guests.

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon