I Love You

1.6K 68 14
                                    

Life.

Sometimes…it gets you. ‘Yun bang kahit na ano pa ang gawin mo, bumagal ka man o bumilis, mahuhuli ka pa rin nito. Magbagal ka,mauunahn ka. Bumilis ka, maaabutan ka. Ganyan ang paniniwala ko.

Hindi kasi ako biniyayaan ng marangyang buhay no’ng kabataan ko.

Simple lang, minsan naghihikahos. Pero ni minsan hindi ako nagreklamo.

Maliban lang siguro sa pagkatao ko.

My name is Jose Marie Viceral. I prefer to be called Vice dahil ‘yun ang nakasanayan ko. Gay. Oo, bakla ako. Binabae, bading, baklush, BAKLA. Don’t get me wrong. Tanggap ko ang sarili ko. Ako ‘to eh? Ito ako. Pero nakakapanghina ang mga tao sa paligid na humuhusga sa pagkatao ko. Masakit, pero I chose to keep calm. In short, deadma. Mas kilala ko ang sarili ko at dahil d’yan naging makulay ang buhay ko. I got a job that pays the bills and extra for my caprices. Pero dahil naging successful ako, naging OA rin ang pag deal ko sa buhay. Nagkasakit ako. Isang dagok na nakapagbukas ng mga mata ko. Kaya ngayon natuto na ako. I live my life to the fullest now. Pero sinisiguro kong may patutunguhan ito. I still have fun. Boys, marami ako n’yan. Girls…yung totoo? Uhm…

“Akin na ‘yan kasi!”

“Akin na muna ‘yang hawak mo.”

Napangiti ako sa mga boses na naririnig ko and immediately sprung to my feet and headed up the stairs. Nagtatalo. Ironic ‘di ba? Natutuwa akong makarinig ng nagtatalo? Pero kung ang mga nagtatalo naman ay kasing cute ng mga ito, hindi ka ba matutuwa?

“Eeeeh! Iiyak ako. Isusumbong kita kay Papa.” Halos matunaw ang puso ko pagkarinig ng salitang papa. Ni sa hinagap hindi ko inasahan na maririnig ko ang salitang iyon. “Ako girl ‘di ba? Akin na ‘yang bracelet ni Kurba. Ikaw ‘yung boy. Sa ‘yo ‘tong kay Pogi.” Hala ka! Ano raw? Kurba at Pogi bracelets pero na kay James ang kay Kurba?

“Ikaw kaya naunang kumuha nung kay Pogi. Tapos makikipagpalit ka?” Juice colored! Nalintikan na. Na kay Jade ang bracelet ni Pogi at na kay James ang kay Kurba! Hindi ko alam kung ano ang trip nitong kambal ko pero alam kong malalagot ako sa mama nila kapag nakita pa ang mga ito.

“Papa!” Jade squealed nang makita ako. Tumakbo s’ya palapit at mahigpit na niyakap at sumumsob sa mga binti ko.

“Papa, si Jade po inaaway ako.” Pagsusumbong ni James na nakatayo lang sa likod ng kapatid nito. His head bent down as he toyed with the bracelet he was holding.

“Hindi po, Papa.” Sabi ni Jade habang nakasubsob pa rin ang mukha sa mga binti ko. “Si James po umaaway sa akin.” At sabay pa silang tumingala sa akin na naka-pout ang mga labi. Napangiti nalang ako. May isang tao rin akong kilala na ganito ang reaksyon kapag masama ang loob o kaya ay magpapalambing. Isang taong tinanggap ang buong ako. Yung ex-girlfriend ko…

“Papa?” untag ni James sa akin. “Kanino po ito?” Lumuhod ako para magkapantay kami. Itinaas ni James ang kamay n’yang may hawak na bracelet na ginaya rin ni Jade.

“Saan n’yo naman nakita ‘to?” tanong ko. Kinabahan ako. It has been almost four years since huli kong nakita ang mga bracelets na ‘to. Ang tanda ko itinago ko ‘to sa isang box dahil hindi ko makuhang itapon gaya ng gustong gawin no’ng may-ari nitong isa. “Nakita na ba ‘to ng mama n’yo?” Umiling naman ang dalawa. Kahit papaano nabawasan ang kaba ko. Pero ang nabawas na kaba ay biglang nagbalik at nadoble pa nang magsalita si Jade.

Reverie | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon