Chapter 1 - together with lola

325 8 0
                                    

Chapter 1

"Nagising nalamang ako nang marinig kong nandito na daw ako sa pupuntahan ko. Ngayon kasi ang araw na lilipat ako ng bahay at titira sa puder ng lola ko. Pag kalabas ko ng sasakyan ay agad sumalubong sakin ang malamig na hangin.

Ang pangalan ko pala ay Rina Yamamoto. Half Japanese, half Filipino. 17 years old. 5'4 ang taas. Kukay light brown na mata at color brown na buhok.

Finally!

Nang makarating na ako sa bahay nang lola ko ay agad akong pumasok para salubungin sya.

"Lola!!!"

"Apo! Aba't ang laki mo na ah at napakaganda mo pa!"

Lumapit ako kay lola at niyakap sya. Ngayon ko nalang kasi ulit nakita si lola pagkatapos mamatay nang aking mga magulang.

Pagkatapos kasi nilang mamatay ay naging independent na ako. Isa akong working student dati sa Manila para kahit papano ay may pambayad ako sa mga gastusin duon. Hindi naman kasi mura ang tuition fee sa Manila.

" Lola san po ba dito ang kwarto ko?" tanong ko kay lola

"Ah.. Sa taas apo." sagot naman niya

Nagpaalam muna ako na magpapahinga dahil napagod ako sa byahe. Medyo may kalayuan kasi ito sa Manila.

Nang makapasok ako sa kwarto ko ay namangha ako sa ganda ng tanawin. Kitang kita kasi dito yung dagat tapos sariwa pa ang hangin. Inayos ko muna yung mga damit at gamit ko bago ako magpahinga.

.

.

.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at nagising na lamang ako nang tawagin ako ni lola na kakain na daw. Hindi ko napansin na alasyete na pala.

"Apat na oras rin pala kong natulog."

Bumaba na rin ako para sabayan si lolang maghapunan. Habang kumakain kami ay nakangiti lang ako at napansin rin yun ni lola

"Masaya ka ata apo? Nagustuhan mo ba ang kwarto mo?" nakangiting tanong sakin ni lola

"Ahh.. Opo, ang ganda po ng view.. Kitang kita po yung dagat." ngumiti naman si lola

"Nakakatuwa po kasi dahil after 2 years ay may nakasabay ulit akong kumain na kapamilya ko po." pagpapatuloy ko

"Masaya rin ako apo at kasama na kita. Pasensya na rin kung ngayon lang kita nakuha dahil may mga inasikaso pa kasi ako."

"Ahh.. Wala po yun la.. Naging maayos naman po ako sa Manila nakakakain naman po ako dun ng tama." nakangiting sagot ko kay lola

"Mabuti naman kung ganon apo."

Pinagpatuloy namin ni lola ang hapunan at pagkatapos nun ay hinugasan ko na ang mga ito. Nagpaalam si lola na magpapahinga na raw sya sa kwarto niya dahil pagod na sya. Sinabi rin niyang maaga raw akong gumising bukas dahil ipapasyal niya ako rito.

Pagkatapos kong maghugas nang pinagkainan namin ay pumunta na rin ako sa kwarto ko at nahiga. Hindi pa rin ako makatulog dahil nga sa haba ng tinulog ko kanina. Naisip ko rin bigla yung pagtawag ni lola sakin na dito na raw ako tumira sa kanya.

Flashback

Pasado alas-otso na ng gabi ng makauwi ako galing sa trabaho ko. Isa kasi akong waitress sa isang coffee shop na malapit sa tinitiran ko.

Pagkauwi ko sa apartment ay nagpalit na ako ng damit at nahiga na. Matutulog na sana ako ng maramdaman kong nagvibrate yung cellphone ko.

Calling 0932*******

Isang unknown number ang tumatawag kaya naman nag dalawang isip pa ko kung sasagutin ko ba o hindi.

Nang sinagot ko ang tawag ay narinig ko kagad ang boses ni lola, sinabi niya sa akin na duon na raw ako tumira sa kanya dahil wala na rin naman daw ang mga magulang ko at nagiisa nalang ako rito.

Hindi ako nag dalawang isip ay pumayag ako kagad kay lola, miss ko na rin kasi sya.

Pagkatapos kasing iburol ang mga magulang ko ay naghanap kagad ako ng trabaho.dahil alam kong wala naman akong aasahan kundi ang sarili ko lang. Noong una ay hirap na hirap talaga ako dahil hindi naman ako sanay magtrabaho pero nang maglaon ay nasanay rin ako.

----

Matapos kong maalala ang mga bagay na yun ay napaisip kagad ako tungkol sa pag aaral ko. Saan naman kaya ako magaaral dito? Hayyy..

Nang nasa sasakyan pa kasi ako kanina ay may nakita akong estudyante na nakasakay rin. Nakita kong nakalagay sa uniform niya ang Hide Academy.

Inantok na rin ako bigla kaya napagpasiyahan kong matulog na. Maaga rin kasi akong gigising bukas para naman makapamasyal ako dito.

Sana talaga maging ayos ang pagtira ko dito.

-----------------------------------------------------------------------------

Please support this story guys! Read-share-vote-comment-follow me :")

~imyoohee20

World's PhantasmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon