v: abandoned

359 23 7
                                    

sorry for keep you waiting, nag-brown out kasi. sorry.

bitin ang chapter na 'to, believe me. :D

puro drama to, haha. konting hintay na lang puro action na to. ;)

---

     Tahimik na tumungo si Dara sa kanilang, ay mali, sa kanyang kwarto.

      Ito na naman siya, umiiyak. Akala niya tapos na siyang umiyak. Akala niya, naiyak niya na lahat. Akala niya, wala na siyang maiiyak pa.

   Sakit.

   ‘Yan ang nararamdaman ni Dara ngayon. Ano ba ang ginawa niya para parusahan siya ng gan’to? Kahapon, ayos na eh. Bakit ngayon . . . Anong nangyari?

    Anong nangyari sa’tin, Gavin?

    Mahal siya ni Gavin. ‘Yun ang alam niya. ‘Yun na lang ang pinanghahawakan niya. Mahal siya ni Gavin.

    Alam niyang may rason si Gavin. Dahil alam niyang ‘di niya ito magagawa ng walang rason. Mahal na mahal siya ni Gavin.

    Pakiramdam niya, namamanhid na ang puso niya sa sobrang sakit na kanyang nadarama. Mas okay nga ‘yon eh, para wala na siyang maramdaman pa. Para ‘di na siya masaktan.

   Bakit ba pag nagmamahal ka, kailangan maramdaman mo rin ‘yung sakit? Bakit ba ‘di na lang puro sarap? Bakit ba kailangan madanas mo ‘yung hirap? ‘Di ba pwedeng, chill na lang? ‘Di ba pwedeng, walang epal na sakit? ‘Di ba pwedeng magmahal ng ‘di nasasaktan? ‘Di ba pwede ‘yun? ‘Di ata. How would you know it’s love if there’s no pain, ika nila, ‘di ba?

   ‘‘Bakit Gavin. Bakit?’’ paulit-ulit na tanong ni Dara sa kanyang sarili. Pero kahit anong gawin niyang tanong, alam niyang walang sasagot. Malamang. Dahil iniwan na siya.

    Tumayo siya at pumunta sa kusina para kumuha ng tubig. Feeling niya kase, naubos na lahat ng liquid niya sa katawan niya. Malabo ‘yun. Alam niya kasing iiyak na naman siya mamaya.

    Kinuha niya ang malamig na tubig na nakalagay sa pitsel at umupo. Napa-buntong hininga siya. Gan’on siguro ang buhay. Pag masaya ka, may kapalit na lungkot. Naalala niya ‘yung mga panahong ‘yun, ‘yung sobrang saya pa nila. Walang pinoproblema. Pinoproblema lang, ‘yung sakit ni Gavin. But eventually, nalagpasan nila ‘yun. Pero eto, ‘di niya alam kung malalagpasan niya ba ‘to o kung talaga malalagpasan niya.

   Pagkatapos niyang uminom ng tubig ay agad siyang bumalik ng kwarto. Humiga siya at nagtaklob. In an instant, she could feel that she was about to tear up again. She blinked her eyes para hindi matuloy ‘yung paglabas ng luha na nagbabadya na naman. No, she shook her head. ‘Di ka na iiyak. ‘Wag ka na umiyak, for Pete’s sake.

    Pero kahit anong gawin niyang pigil sa sarili niya. Wala. Sumasablay siya. Para bang may sariling utak ang kanyang mata, dahil pagkatapos niyang sabihin sa sarili niya na ‘wag, ay kusang nagsilabasan ang mga luhang kanina pa niyang pinipigil. Pagod na siya. Pagod na siyang umiyak. Ayaw niyang tignan ang sarili niya sa salamin. Kasi alam niyang ang itsura ng mukha niya ay parang pinutakte ng isang milyong putakte. Exaggerating, I know.

   Tumihaya siya sa kama at hinayaang nilabas ang mga luha sa kanyang mata. Pero pagkatihaya niya ay may naramdaman siyang matigas. Natigil siya sa pag-iyak. Napalitan ng kuryosidad ang kanyang mood lalo na’t nang nakita niya kung ano ito.

   Isang diary.

  Dahan-dahan niya itong binuksan at natawa siya nang kaunti sa unang pahina.

Disappearing Hope || finished ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon