CHAPTER 38 REUNITE WITH A TWIST :)

63.2K 969 281
  • Dedicated kay Bliss Twaylem Gonzales
                                    

CHAPTER 38 REUNITE WITH A TWIST :)

TWAYLEM

Halos 3 months na ang nag daan simula ng break up namin ni Yoshida, simula din nung araw na yun hindi ko na siya muli pang nakita. Binibisita ko siya sa bahay nila pero.. Walang taong sumasagot. Nakakandado na kasi yung bahay nila.

''Twaylem, may nag hahanap sayo'' napahinto ako sa ginagawa kong pag susulat sa diary ko ng biglang kumatok at pumasok si kuya Uno sa kwarto. Actually nag do-doodle lang ako.

''Nag hahanap ng??? Away?'' tinignan ko yung orasan sa table ko at chineck kung anong oras na.

Simula din nung break, bumalik na din ako sa pagiging bully. Pero kahit papaano, nabawasan na ng konti.

''kuya, 9pm na.. Sigurado ka may nag hahanap talaga sa akin?'' lumapit ito sa akin. At umupo sa tabi ko..

''Actually, kanina pa siya nasa may guest room. Kaninang umaga pa.. Nahihiya lang daw siyang puntuhan ka. Natatakot yata sayo?'' kumunot ang noo ko. At nag isip-isip kung sino yung possibleng pumunta. Pero wala naman akong maisip, pwera kay Tao. '____'

''Kuya, kung may gusto kang sabihin o iutos. Pwede huwag ngayon. Tinatamad ako..'' tinignan ko lang siya ng masama at bumalik ako sa pag susulat ko sa diary ko.

''Nandito si Zia.'' natigilan ako sa pag susulat ng sabihin niya ang pangalan ng impakitang babaeng yun.

''Ano daw kailangan niya?! Bat hindi muna siya nag text bago siya pumunta dito. Feelingera talaga yung bruhang yun. Tsaka diba bawal ipasok sa bahay natin yung mga human plastic?!''

''Twaylem, alam ko na yung nangyare.'' tinawanan ko lang yung sinabi ni kuya. ''For sure binaligtad niya ako. Sa mga ganung bagay naman siya magaling.. Pauwiin mo na siya. Wala akong balak na kausapin

siya.''

''Twaylem, ganyan kaba talaga katigas?''liningon ko ito.. then ngumiti lang ako.

''Kuya, hindi mo ako masisisi kung naging ganito ako.''

''May mapapala kaba kung magiging ganyan ka nalang parati? Look, you're turning 19 soon at ganyan pa yung kinikilos mo. Bakit hindi mo subukang maging mas mature? Mas maging open minded sa lahat ng bagay sa paligid mo. Ang hirap kase sayo Twaylem mas nananaig yung galit mo.''

''Pati ba naman ikaw papagalitan mo ako? hah kuya?''

''Hindi kita pinapagalitan, pinapaalalahan lang kita.'' talaga bang si kuya Uno tong nasa harapan ko? Bakit bigla siyang naging ganyan, pinapagalitan niya ako.

Sinabihan ba siya nung ama niya!?!

Kaya lang.. Hindi ko kayang magalit sa Kuya Uno ko. Masyado ko siyang mahal..

''Sorry kung nasabi ko yun sayo, Kuya mo ako concern ako sayo.. Kaya sige na.. Tumayo ka na diyan at makipag ayos kana kay Zia.'' umiling ako at nag pout..

''Dali na..'' lumapit ito sa akin at hinila yung kamay ko para hatakin ako. ''pag nakipag ayos ka, bibilhan kita ng sasakyan.''

LABYRINTH ACADEMY(TO BE RE-PUBLSIHED SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon