Wrong Send

335K 10.3K 5.2K
                                    

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid para hanapin ang bestfriend kong si Cherry. Hay naku, 'yong bruhang 'yon talaga. Nawili na naman sigurong kasama boyfriend niya. Mula nang naging sila kasi ni Mac, hindi ko na rin siya nakakasamang masyado.

Tumingin ako sa stage. Malapit nang magsimula ang sayaw ng Juno mylabs ko. Ugh! Mai-text na nga lang muna!

Bff, saan na kayo? Mag-start na 'yong sayaw ng Juno mylabs ko!

Nai-type ko ang letter "M" para sa pagsesendan at basta na lang pinindot ang "Send".

Ibinaba ko muna ang cellphone ko at naghintay ng reply. Tumingin ako sa may gilid ng stage at doon nakita ko ang apple of my eyes na si Juno.

Napangiti ako habang tinititigan siya. Shit! Bakit ba ang gwapo niya? Kahit nakatungo siya ang gwapo pa rin tignan. Walang pinipiling anggulo. Hawak niya ang cellphone niya at bigla na lang siyang ngumiti. Pakiramdam ko ako 'yong nginingitian niya kahit na hindi naman. Jeez! Malala na 'yong tama ko sa kanya!

Napatingin ako sa cellphone ko. Mukhang nag-reply na si Cherry. Pero di ko muna binasang mabuti. Palingon-lingon pa rin ako kay Juno.

From: Mylabs

Wrong send ka po ata :)

Naramdaman ko 'yong pag-akyat ng init sa mukha ko. Napapikit ako nang mariin sa kahihiyan. Shit! Wrong send nga ako! Imbis na "MyBff" ay "Mylabs" ang napagsendan ko!

Automatic ang paglingon ko kay Juno. Kausap niya 'yong mga ka-group niya sa sayaw. Mukhang balewala lang naman sa kanya 'yong nangyari. Malamang sanay na siya na may nalalamang ganun. Iniisip ko pa lang nalulungkot na ako. Ramdam ko lalong malayo siya at di ko siya maaabot.

~*~

Earlier...

From: Stalker

Hi, Geny! Gudpm :)

Ayan na naman siya. Nag-text na naman. 'Di ko na nga alam kung matutuwa ba ako o maiirita eh. Alam mo 'yong pakiramdam na pinagti-tripan ka lang? Ganung-ganun ang pakiramdam ko. Noong una, oo aaminin ko natuwa talaga ako. Sino ba namang hindi 'di ba? Nakakataba kaya ng puso na malamang may nagkakagusto sayo.

Two weeks na ang nakakalipas mula nung una siyang mag-text sakin. Mula nun ay maya't-maya na ang pagte-text niya. Naalala ko tuloy ung sagot niya nung tinanong ko kung sino siya.

To: +63923XXXXXXX

Sino po ito?

Hinintay ko 'yong reply nung nag-text. Dalawang oras na ang nakalipas pero ngayon ko lang nabasa 'tong message ng kung sino man. Ang sabi lang naman e "Hi!".

Wala pang isang minuto, nag-reply agad siya.

From: +63923XXXXXXX

I'm your secret admirer.

Alam kong ang pula ng hitsura ko nang mga oras na 'yon. Sa kauna-unahang pagkakataon kasi may nagsabi sakin na "admirer" ko siya. Hitsura ko ba namang 'to may nagkagusto pa sa 'kin?

Hindi naman sa minamaliit ko ang sarili ko... well, oo na maliit ako. Ay wait lang ulit. 'Di lang pala ako katangkaran! Saka isa lang ako sa mga commoner na nand'yan sa tabi-tabi at hindi napapansin. Walang manliligaw. NBSB ano pa nga ba. Tapos biglang may magsasabi sa 'kin na gusto niya ako? Oh come on!

"Geny! Pahiram naman muna ng bente naiwan ko wallet ko sa bag e," ani Cherry na nagpatigil sa pagde-daydream ko.

Kumuha naman ako ng bente pesos sa pitaka ko. "Oh," sabi ko sabay abot sa kanya yung pera. "Nasaan 'yong jowa mo?" tanong ko.

Wrong SendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon