The Art of Letting Go..

422K 12.2K 2.9K
                                    

 Listen to "The Art of Letting Go" by Mikaila while reading para mas dama :)

**

“On this day, I give you my heart, my promise that I will walk with you hand in hand, wherever our journey leads us, living, learning, loving. Together… forever.”

 

        Naranasan mo na bang mag mahal nang husto? ‘Yung tipong ramdam na ramdam mo ang pagmamahal mo sa kanya to the point na parang gusto mo nang ma-iyak sa nakaka-overwhelm na pakiramdam na ‘yon? Hindi mo malaman kung masakit o masaya. Mixed emotions eh.

Pero ang pinaka unexplainable at overwhelming na feeling sa lahat ay ‘yung malaman mong mahal ka rin nang taong mahal mo. Ito talaga ‘yung literal na nakakaiyak. Ang sarap sa pakiramdam. Daig mo pa ang nanalo sa lotto. Parang sinalo mo na lahat ng swerte sa buong mundo.

Minsan ko nang naranasan ‘yon---nung college ako.

Up until now, hindi ko pa rin alam kung ano ang bagay na nakapagpa-attract sa akin sa kanya. Maybe his boyish smile? Yung kada ngingiti siya, napaka-pilyo ng itsura niya. O baka naman ‘yung tawa niyang ang sarap pakinggan kasi parang ang saya-saya niya palagi? Minsan attracted din ako sa easy going niyang personality at mapang-asar niyang attitude.

Pero isa lang ang alam ko, minahal ko siya ng buong-buo. Tinanggap ko ang pangit at magandang bagay sa kanya. At ang saya-saya ko kasi ganoon din ang ginawa niya sa akin.

All these time kasi akala ko unrequited love kami. But that day nung nag tour kami sa Ilocos, nasa tapat kami ng bonfire nun habang nag kukwentuhan ng kung anu-anong bagay, nagulat ako nang sabihin niya sa akin ang isang bagay na akala ko, sa panaginip ko lang maririnig.

“Mahal kita.”

That time, hindi ko alam ang ire-react ko. Iiyak ba ako o tatawa? Maniniwala ba ako sa kanya? Hihintayin ko ba na sabihin niya sa akin na joke lang ‘to? O gagawin ko ‘yung katulad nang mga nababasa at napapanuod kong mga romance stories---yayakapin siya at hahalikan.

Hindi ko malaman ang ire-react ko nun. Ang tagal kong natahimik. Kahit siya ay hindi nakapag-salita. Wala siyang idinuktong sa sinabi niyang mahal niya ako. Basta naramdaman ko na lang na unti-unti ay kinukuha na niya ang kamay ko. The next thing I knew, his hand is already entwined with mine.

Nilingon ko siya at nginitian.

“Mahal din kita…”

And that started all. We officially became a couple.

Oo ang bilis ng pangyayari. Wala man lang ligawan. Bigla-bigla ay naging kami na lang. Ginulat namin ang lahat.

Ang dami nagsabi sa akin kung sure na ba ako o hindi ba ako nabibigla. Sabi ko sa kanila, sa tanang buhay ko, ngayon lang ako pinaka naging sigurado.

Yung relasyon namin, katulad din ng iba, ay may mga ups and downs din. Pero naayos naman naming dalawa eh. Dumaan nga ang first monthsary, second monthsary, third monthsary, hanggang sa naging first anniversary na at second anniversary.

The Art of Letting Go..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon